Ika-5 ng Pebrero 2019, 10:00 AM
Umaga, binubuksan ni Ginang Mila at ng kanyang asawang si George ang kanilang tindahan ng sabon. Nagpaalam ang kanilang tagapagbantay na may sakit kaya minabuti ng ama ng tahanan na mag-asikaso muna sa puwesto. Habang inaayos ang mga tinda ay nag-uusap ang mag-asawa.
"Honey, may plano sana kami ni nanay na dalawin si Chulalongkorn, nag-aalala yata nang husto ang inay. Madalas daw niyang nakikitaan ng mga pasa at sugat ang binata" ang sabi ni Ginang Mila.
"Aba'y baka may impeksyon sya. Sige pagplanuhan natin yan kapag lumipas ang tatlong araw at di pa siya makabalik. Baka natrangkaso lang siguro yung bata at kailangang magpahinga. Mahirap na baka mahawa ang inay" sagot ng ama.
"Siya nga pala mapapalo ko iyang si Patrick ah. Nagtext Matatagalan daw bago makauwi dahil sa kanilang field study"
"Hayaan mo na. Binata na ang anak natin at mapagkakatiwalaan naman. Mukhang masaya naman siya sa kanyang mga ginagawa ang mahalaga ay mababait naman ang kanyang mga kagrupo"
"Honey, nabalitaan mo ba yung nangyaring tangkang pagdukot sa isa nilang kaklase? Habang nanonood daw ng sine ay may nagturok ng injection sa braso. Buti at nakatakas siya kaso ayun nilagnat at nasa hospital hindi naman malubha ngunit napakabagal ng kilos at parang hindi daw makausap dahil laging kain at tulog lang inaatupag. Hindi na din daw kumakain ng karne puro gulay daw nilalantakan."
"Hindi naman ba AIDS? May mga ganyan sa Pilipinas dati tinuturukan ng AIDS ang mga nasa sinehan"
"Hindi naman daw. Hinala nila droga daw na labis na nakakahigh pero hindi pa din makumpirma"
"Sige basta siguraduhin nating icheck ang mga bata kung saan saan sila pumupunta baka hindi lang sa sinehan namamalagi ang mga nambibiktima na iyan"
Naputol ang usapan ng mag-asawa nang makarinig ng kaguluhan mula sa labas. Agad silang lumingon mula sa pinanggagalingan ng ingay. Isang babae ang tumatakbo ngunit kakatwa dahil tulala ito at nakababa lamang ang mga kamay. May isa pang kakaibang lalaki ang sinusubukang pagalitan ng may-ari ng isang bigasan. Kinakain ng lalaki ang mga hilaw na bigas nang hindi gumagamit ng kamay. Tanging bibig lamang ang gamit nito. Makalipas ang isang minuto ay may dumating na puting van at hinuli ang mga wirdong babae at lalaki. Binayaran ng mga may-ari ng van ang tatlong tindahang nagulo ng dalawang pasyenteng sinabi nilang nakawala sa mental hospital.
Matapos makiusisa ay agad ding pumasok sina ginang Mila sa kanilang tindahan.
"Ano ba iyon? Dapat binabantayang mabuti ng mga hospital ang kanilang mga pasyente, mahirap baka makapanakit ang mga iyon".
"Oo nga kawawa naman mga pasyente"
"Sige honey kailangan ko na balikan si Inay baka mag-isa na lang siya doon sa bahay. Ikaw na muna bahala rito"
Nagpaalam si Ginang Mila at iniwan mag-isa ang asawa sa tindahan.
Samantala sakay ng puting van ang dalawang wala sa katinuang inakalang mga pasyente.
"Saan nyo ako dadalhin?" wika ng lalaki
Bumalik na rin sa katinuan ang babae at umiiyak.
Tatlong lalaki pa ang nasa loob ng sasakyan. Nag-uusap sila habang patungo sa kanilang base
"Mabuti pa turukan mo na uli ng Qvid ang mga iyan"
"Pambihira wala pang dalawang lingo ang epekto ng quantum virus. Kailangang maiulat ito kay Jaffar"
"Malulugi negosyo natin diyan baka ipakulong pa tayo"
"Mabuti pa siguro gamitan natin ng ahas na Qvid ang mga ito para hindi makatakas uli"
"Hindi pwede. Mahigpit na bilin ng boss na dapat ay parehas lang na variant ang gagamitin. Baka magkaroon ng komplikasyon"
"Ubos na suplay natin ng manok virus. Shit!"
"Sige yung pampatulog nalang muna"
Nang makarating sa kanilang base, agad nilang pinosasan ang dalawang biktima at iniratay sa mga kama. May 21 silid ang kanilang pasilidad. Labing apat sa mga kuwarto na iyon ang nakalaan sa mga taong test subject. Sa bawat silid ay may mga nakapaskil na pangalan ng mga hayop: manok, ahas, sloth, pusa, aso, baboy, kabayo, kambing, unggoy, at baka. Mahigit 50 ang mga taong biktima na nakakulong sa mga silid ayon sa kategorya ng kanilang hayop na inaasal.
Sa anim na malalaking silid naman ay may mga bayolenteng halimaw na nakakadena, ang ibang may malalang kondisyon ay may naka takip na metal sa bibig upang hindi kagatin ang sarili.
May mga espesyalista na nagtatala ng mga kilos ng mga nilalang sa loob ng pasilidad. Mayroon ding komite na nakalaan upang maghanap ng mga mabibiktima sa organisadong paraan. Karamihan sa kanilang mga taong tinuturukan ng virus ay galing sa mga night club at sinehan. Karamihan naman sa mga bayolenteng halimaw ay iyong mga nakatikim ng dugo ng mga taong nakontamina ng Qvid ang iba ay mula sa mga sundalong bampira ng Project Eden na nahuling nagmamanman sa kanilang mga gawain.
May isang piitan din kung saan naroon ang tatlong empleyado na nagtangkang sipsipin ang dugo ng mga taong hindi pa natuturukan ng virus. Mga bampira ang namamahala sa lihim na base gayunpaman Mahigpit na pinagbabawal ang pananakit at pang-aabuso sa mga taong kanilang nahuhuli. Kailangan nilang mapanatiling buhay at malulusog ang mga pasyente upang pagkakitaan sa panahon na maging legal ang lahat ng kanilang mga gawain.
Bukod sa virus ay may mga droga din silang nakalaan upang palakasin ang abilidad ng kanilang mga mandirigma at pinunong bampira.
Isang matangkad at singkit na doktor na bampira ang nag-uulat kay Jaffar ng mga kaganapan sa pasilidad gamit ang monitor. Ipinaliwanag ng doktor ang mga limitasyon ng virus Base sa pag-aaral ay umaabot lamang ng labing apat na araw ang epekto ng virus sa mga normal na tao gunit nagiging permanente para sa mga bampira. Malaking gastos ang kinakailangan upang mapanatili ang virus sa mga tao. Ang nais nilang gawin ay baligtarin ang epekto ng virus sa tao at bampira. Gayundin inuulat nila ang mga engkuwentrong naganap sa pagitan nila at ng mga sundalo ng Project Eden. Sa ngayon ay kontrolado pa nila ang sitwasyon dahil mas malakas ang kanilang pwersa dulot ng mga droga. Hindi na nila iniulat ang nakatakas na mga pasyente na alam nilang ikagagalit lamang muli ng pinuno.
Napakinggan ni Jaffar ang mga ulat at nangako na malapit na nilang makumpleto ang formula para sa quantum virus. Ikinagalak nya ang pagsupil sa mga sundalo ng Project Eden sa lugar na iyon at ipinangako din na hahayaan silang uminom ng dugo mula sa mga biktima sa ikalawang araw ni Jaffar sa Korea matapos nilang salakayin ang base ni Ragnar at Lee. Naggalak din ang mga bampira sa loob ng pasilidad sa narinig. Natapos ang pag-uulat sa pagbati ng lahat ng matiwasay na byahe para kina Jaffar at sa kanyang grupo na sasakay na sa eroplano sa oras na iyon.
Matapos ang pag-uulat ay isang bampira ang kumausap sa doktor tungkol sa isang sitwasyon.
"Dok, isang lalaking nakamaskara ang gumulpi sa ating mga guwardiya sa gate. Kasalukuyan siyang tinutugis ng ating mga malalakas na sundalo"
"Isang lapastangan! Ang lakas naman ng loob nya na sumugod dito. Mag-isa lang ba talaga siya? Anong sandata ang meron siya?"
"Opo mag-isa lang, Tanging dalawang palakol lamang ang aming naitala na kanyang sandata. Gayunpaman mukhang may lason ang mga palakol"
"Ganoon ba? Sige, hindi na natin kailangang iulat kay Jaffar. Malamang sundalo na naman ito ng Project Eden. Ipakalat nyo muli lahat ng ating mga mandirigma upang hulihin ang lalaking iyon. Huwag kayong hihinto hanggat hindi nyo nahuhuli patay man o buhay."
BINABASA MO ANG
Project Eden Virus
Fiksi IlmiahKumakalat ang isang uri ng karamdaman sa Asya kung saan ang mga biktima ay nawawala sa katinuan at umaasal na parang hayop. Isang Pilipinang nars ang makukulong sa Korea at maiipit sa isang lihim na digmaan sa pagitan ng mga tao at mga makamundong...