3-3 Maselang video

20 5 0
                                    


Ika-4 ng Pebrero 2019, 10:00 AM

Pinanunood ng mga Himura ang footage ng pagtugis ng isang special unit sa dalawang halimaw sa isang bundok sa Andong, Korea. Isang video cam ang nakakabit sa ulo ng apat na sundalo na nakasaksi sa mga pangyayari.

Sa isang templo nakaabang ang dalawang lider. Nakatayo at nakikiramdam si Ragnar na nakasuot lamang ng kulay itim na sando at maong pants. Gayunding nakatindig si Lee at nakasuot ng tradisyunal na pananggalang sa katawan, tanging mukha lamang nya ang nakalantad.

Unang sumugod ang mga mababangis at maliliksing bampirang sundalo ngunit walang hirap na binubugbog sila ng matipunong lider. Higit na mas mabalahibo at mas malaki ang pangangatawan ni Ragnar sa footage. Matapos lumpuhin ang mahigit 13 sundalong bampira. Pinagbabaril siya ng mga sumunod na sundalo ngunit hindi siya tinatablan ng bala.

Nagpatuloy si Ragnar na hagilapin at bugbugin ang mga bumabaril na sundalo samantala nanatiling nakatindog lamang si Lee. May mga sundalo ring bumaril at sumugod sa binata ngunit hindi siya natitinag sa kanyang upuan at hindi rin tinatablan ng mga atake at bala. May sniper na sinubukang barilin ang kanyang mukha ngunit hindi umubra dahil animo ay balot siya ng hindi nakikitang pananggalang.

Hindi mapuksa ang dalawang lider kahit hinagisan na rin ng mga granada at bomba. Tumagal ng labing apat na minuto ang footage na naging malabo na sa ikawalong minuto dahil sa mga usok at paggalaw ng sundalong nagvivideo. Nagtapos ang footage sa mga daing ng mga ginulping sundalo. Ang ibang mga bampira ay kalunus-lunos na tinanggalan ng kamay at paa. May mga salita na nagsasaaad na nanatiling bihag ng dalawang lider ang labing pitong sundalo hanggang sa makabayad si Heneral Lao ng walong milyong dolyar.

Naging piyansa at pambayad sa pinsala ang perang nakuha ng dalawang lider na nagsabing ikukulong at pahihirapan nila ang lahat ng mahuhuling bampira ng WVO at maglalaan ng kalahating milyong dolyar na pambayad sa bawat isa. Gayundin ay pinakita ang litrato at pisikal na pagkakakilanlan ng dalawang pinuno.

Suzume: "Kung gayon wala silang pinatay sa mga sundalo?"

Kazuko: "Kalahating milyong dolyar kada tao na aatake sa kanila? Aba mukhang namulubi sina Lao at ang organisasyon sa pinasok nila"

Takara: "Well ang sabi ni Lao, kung sakali mang hindi tayo magtagumpay eh handa naman daw magpiyansa ang organisasyon para sa atin. Iyon nga lang hindi nila babayaran ang ating serbisyo"

Suzume: "Sa bagay mukha ngang masyadong malakas yung dalawa. Mabuti na lamang at hindi tayo agad umatake"

Takara: "Hindi ko akalain na napakarami na palang malalakas na halimaw ang naglipana na hindi natin alam"

Kazuko: "Ayon sa pagsisiyasat may iba't ibang negosyo ang dalawang gangster at kung tutuusin legal ang kanilang mga gawain. Kailangan nating makaisip ng magandang paraan para mahuli sila. Kung ako ang tatanungin mas nanaisin kong bumalik sa Japan at iligpit yung Jaffar pero importante din na mapigilan natin ang pagkalat ng virus dito.

Natahimik ang dalawang babae nang makitang pinapanood pa rin ni Suzume ang footage. Lumapit sila sa dalagang nakangiti. Pinagmamasdan pala nyang mabuti ang video ni Lee.

Kazuko: "Suzume...Anong ginagawa mo?"

Suzume: "Ang gwapo naman nya at ang galing din. Huhulihin ko talaga siya"

Takara: "Ehem!"

Suzume: "Paumanhin, hindi ko mawari kung paano nya nagagawang maprotektahan ang sarili"

Takara: "Dalawang pinakamalakas na awra lamang ang nakalap sa footage na iyan. Iyong 35 DME ay kay Ragnar, samantalang 21 DME naman kay Lee. Di hamak na mas malakas ang matipunong banyaga na dumedepende lamang sa pisikal na lakas at husay sa pakikipagdigma. Mahusay siyang martial artist, mas maliksi at di hamak na malakas kaysa sa atin ngunit kung gagamitin natin ang ating mga kapangyarihan nang tama, 80% magtatagumpay tayo.

Kazuko: "Mukhang hindi iyan magiging madali. Hindi sila tinatablan ng bala at granada. Sa lakas na higit 20 DME malamang hindi mo rin magagawang makontrol ang kanilang mga pag-iisip"

Takara: "Tama ka diyan Kazuko ngunit malaki pa rin ang posibilidad na mahuli natin sila. Kung mapapansin nyo, hindi gumagalaw si Lee at nakapokus lamang sa lahat ng galaw ni Ragnar. Ayon sa pag-aaral may kakayahang maglabas ng force field ang halimaw na ito. Matibay at malakas ang force field na kanya ring ginagamit upang protektahan ang kasama"

Suzume: "Hindi lang simpleng force field ang hinala ko sa abiidad ni Lee at wala rin sa itsura nya ang pagiging halimaw. Iyong si Ragnar oo. Hindi malayong invisible na portal ang kanyang nalilikha dahil may mga pagkakataon sa video na may mga piraso ng lupa at bato ang tumatalsik mula sa force field. Nakakamangha"

Kazuko: "Mahusay na obserbasyon at hinuha Suzume! Naiintindihan ko na. Kung mapaghihiwalay natin ang dalawa at ibubukod upang labanan, mas malaki ang posibilidad na magwagi tayo"

Takara: "Tama ka diyan, Kazuko"

Project Eden VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon