Ika-6 ng Pebrero 2019, 11:10 AM
Bumaba mula sa isang kulay puting van sina Jawoon at Zephyr. Huminto ang kanilang sinasakyan sa isa pang mansyon sa probinsiya ng Wonju na pagmamay-ari din ng matandang bampira. Malawak ang lupain ng mansyon at malayo din sa ibang kabahayan. Isinara ni Jawoon ang malaking gate at niyayang pumasok ang kasamang binata sa loob.
"Mayaman ka pala talaga, Jawoon. Paano mo nabili ang mga ito?" nagtatakang sambit ni Zephyr habang binibitbit ang isang bag ng mga pagkain sa likuran at mga walis, map at dustpan.
"Huwag mo kong pag-isipan nang masama ha. Legal na pinag-ipunan ko ito noong binata pa ako. Sipag at talino sa pagiinvest lang ang kailangan" sagot ng matanda habang binubuksan ang pinto ng bahay. Luma na ang mga gamit doon na malimit na lamang puntahan at nagsisilbing bahay bakasyunan na lamang.
Nagsuot ang dalawa ng gwantes at face shield.
May isang lihim na pinto sa sahig na gawa sa kahoy. Tinulungan ni Zephyr ang matanda na buksan ang pinto. May hagdanan pababa na kanilang dinaanan.
"Mahilig ka talaga sa mga lihim na silid sa ilalim ng lupa ah" bulong ng binata. Binuksan ng matanda ang pindutan ng ilaw. Medyo malawak at malaki ang ilalim ng bahay. May nadaanan silang tatlong silid na nakasarado.
"Ano naman mga laman nyan?"
"Mga lumang gamit at bodega lang yan"
May narinig na mga daing ang dalawa na parang nanggagaling sa ilalim ng lupa. Naglakad pa sila at makalipas ang isang minuto ay narating nila ang isa pang pintuan sa sahig. Binuksan nila iyon at nakita ang isang hagdan pababa.
"Ano bababa na naman tayo? Mukhang sa impiyerno mo na ako dadalhin ha" reklamo ng binata.
May ilaw na ang lugar na iyon nang kanilang pasukin.
"Alam mo tanging kayo lamang ni Master ang nakakaalam sa daanang ito. Ako mismo ang gumawa ng sikretong lugar na ito. Dito ako madalas mag-eksperimento at magkumpuni" paliwanag ng matanda habang binabaybay ang daanan.
Muli silang nakarinig ng mga daing at kakaibang ingay. May anim na silid sa palapag na iyon. May kusina at mga palikuran din. Lumabas ang kanilang nakamaskarang Master na parang nahahapo. Naka gwantes.
"Magandang umaga, Master" bati ng dalawang dumating.
Agad na kinuha ni Jawoon ang isang bote ng tubig at inalok sa kanilang pinuno. Tinanggap iyon ng kanilang Master, umupo nang nakasandal sa pinto, bahagyang tinabig ang maskara at uminom.
Hindi lubusang nakita ni Zephyr ang mukha ng pinuno ngunit naaninag nya na may kaunti itong balbas.
"Alam nyo na ang gagawin. Mag-ingat kayo! at huwag lalapit nang husto sa mga pasyente. Sa oras na makagat kayo... ako mismo ang susunog sa inyong katawan"
"Maliwanag po!" kinakabahang tugon ng dalawa.
Ibinigay ng nakamaskarang pinuno ang mga susi at naglakad paalis.
"Okay Zephyr. Simulan mo na ang trabaho. Ihahanda ko na ang mga record, gamot, at pagkain" ang sabi ng matanda habang inaabot ang walis at timba sa binatang kasama.
"Ano pa nga ba"
Bitbit ang isang timba at walis, binuksan ni Zephyr ang unang pinto. Naamoy nya agad ang nakakadiring alingasaw. Tumambad sa kanya ang isang lalaking Nakakadena ang mga kamay at paa mula sa isang pader. Mayroon ding higaan malapit sa lalaki na napakabagal gumalaw at parang walang pakialam sa kanya. Nakabihis ito na parang sa isang pasyente. Nakita nya ang mga tae at ihi sa paligid. Halos masuka si Zephyr sa baho.
"Tae! Mukhang mas masaya pang matulog nalang uli kaysa gawin ito"
Walang nagawa si Zephyr. Naatasan siyang linisin ang mga dumi sa bawat silid at labahan ang mga damit at kumot ng mga pasyente na tinamaan ng quantum virus at umaasal na gaya ng hayop.
Matapos ang mahigit isang oras na paglilinis, dumating si Jawoon at kinumusta ang binata.
"Fuck! Mas gusto ko pang bumalik na lang sa hotel kaysa gawin ito"
"Pakibilisan, Zephyr, may anim ka pang kwarto na lilinisin. Pagkatapos mo sa susunod na kwarto ay kumain ka na muna" ang tagubilin ni Jawoon habang pinapaskil ang isang papel sa may pintuan. Nakasaad sa papel ang pangalan, edad, at kondisyon ng pasyenteng nasa silid.
Yamot na yamot si Zephyr ngunit wala siyang nagawa.
"Siya nga pala siguraduhin mo na malinis ang bawat kwarto kasi pakakainin ko na sila at patutulugin pagkatapos. Sa ngayon kailangan nilang gumalaw-galaw para maagapan ang anumang komplikasyon sa kanilang katawan" muling bilin ni Jawoon bago umalis.
"Ano pa nga ba?!" bulong ng binata.
Sunod nyang nilinis ang kwarto ng isang matabang babae na umaasal manok na minsan ay inaabot siya ng sipa. Matapos noon ay naligo na muna siya bago kumain sa itaas.
Matapos mananghalian ay napansin nya ang kanilang pinuno na natutulog sa may sala habang si Jawoon naman ay nagluluto sa kusina. Sinamantala nya ang pagkakataon at nahiga sa may sopa. Ipipikit na sana nya ang kanyang mga mata upang umidlip ngunit sinigurado nya munang mahimbing pang natutulog ang pinuno. Sinulyapan nya ito ngunit laking gulat nya nang bigla itong umupo. Sa sobrang gulat ay nalaglag si Zephyr sa sopa at minabuting umalis na.
Muli siyang nagsuot ng facemask, faceshield, at gwantes. May pangalan na ang mga silid nang siya ay bumalik. Sunod nyang pinasok ang lalaking pasyente na kumakahol at waring gusto syang dambahin. Sumunod ay ang batang babaeng pusa na pinipilit siyang kalmutin. Tuwing inaatake siya ay binabasa nya ang mga iyon gamit ang hose.
"Sige maligo kayo! Hahaha!... Ano ba yan, bukod sa mga hayop mukhang pagiging salbahe pa ang epekto ng virus sa mga ito"
Pinasok nya ang ikalimang silid at wari namang namangha sa isang maganda at nakakabighaning babae. Umaasal ito na parang ahas.
"Wow! parang gusto kong magpalingkis sa kanya" bulong ni Zephyr na parang naaakit.
"Zephyr!"
Nabigla ang lalaki sa narinig. Isang speaker ang nasa loob ng silid. May cctv din ito at nakikita ni Jawoon ang lahat ng nangyayari.
"Trabaho lang Zephyr. Tandaan mo. Sa oras na may gawin kang masama sa mga pasyente natin ay siguradong susunigin ka nang buhay ng ating Master"
Natauhan ang binata at napagtanto rin na mali ang kanyang iniisip. Tinaboy nya ang babaeng lumalapit gamit ang tubig mula sa hose. Nagpatuloy siya sa paglilinis
"Hayop talaga ang mga magagandang babae na iyan. Dahil sa kanila kaya ako naghihirap nang ganito ngayon"
Naalala nya ang mga panahon na maayos at marangal siyang nabuhuhay bilang isang working student sa Amerika. Palagi siyang nangunguna sa klase. Mayaman at relihiyoso rin ang kanyang pamilya. Marami siyang kaibigan na hinihimok lagi sya magbar at mambabae ngunit mas pinili nya munang tapusin ang kanyang pag-aaral at tuparin muna ang kanyang mga pangarap. Nagpunta siya sa Korea upang mag-aral ng lengguwahe ngunit sa ikalimang buwan ng pamamalagi sa bansa ay naisipan nyang pumasok sa isang night club. Doon sa makamundong lugar nya nakila ang isang magandang babaeng bampira na bumiktima sa kanya.
Halos dalawang linggo siyang itinali, sinugatan, pinahirapan at ikinulong ng halimaw bago siya tuluyang kagatin at makumbinsing maging bampira. Nang makatakas ay sinubukan nyang maghiganti ngunit nahuli na pala at sinunog ng mga lihim na sundalo ng WVO ang bampirang lumapastangan sa kanya at noon din nya nabatid na isa na sya sa mga magiging target. Muntik na siyang mahuli ngunit nagawa nyang makapagtago. Gayunpaman nadiskubre siya ni Wiwat na nangako na bibigyan pa siya ng pangalawang pagkakataon upang makapamuhay nang maayos.
Nagtungo si Zephyr sa huling silid na kanyang lilinisin noong araw na iyon. Bago makapasok ay nabasa nya sa pinto ang pangalang "John Patrick Mendez". Kakaiba ang pangalan dahil hindi iyon Japanese at nang masilayan ang mukha ng biktimang umaasal na parang unggoy, nagkaroon siya nang paghihinala.
Dumating si Jawoon at ipinaliwanag na ang binatang pasyente ay ang kapatid ng kanilang babaeng target na si Patrice.
BINABASA MO ANG
Project Eden Virus
FantascienzaKumakalat ang isang uri ng karamdaman sa Asya kung saan ang mga biktima ay nawawala sa katinuan at umaasal na parang hayop. Isang Pilipinang nars ang makukulong sa Korea at maiipit sa isang lihim na digmaan sa pagitan ng mga tao at mga makamundong...