3-1 Ang Dalaga sa Music Video

11 6 0
                                    


Ika-2 ng Pebrero 2019, 7:00 PM

Ika 2 ng Pebrero alas-siyete ng gabi, napakaginaw ng paligid at maulap ang kalangitan. Halos wala nang mga tao ang makikita sa mga kalye.

Sa isang malaking parke, dalawang misteryosong nilalang na balot ng kasuotang panlamig ang naglalakad. Halos kasing taas lang ng baywang ng lalaki ang maliit na babae. Kapwa Naninilaw na maputla ang kanilang mga kutis.

"Ito na ang ika anim na syudad na hahalughugin natin. Nagugutom na ako" sambit ng matangkad na nilalang. Nanlilisik ang kanyang mga singkit na mata habang nakatanaw sa isang ginoong pauwi na mula sa trabaho sa kalayuan. Nais nya itong sunggaban.

"Magtiis muna tayo. Hintayin natin ang utos mula kay Boss" payo ng babae sabay kuha ng dalawang sigarilyo. Inabot nya ang isang yosi sa matangkad na kasama. Kapwa nila pinagningas ang mga sigarilyo gamit ang sarili nilang mga pansindi.

"Dalawang linggo na tayong naghahalughog at pinapakalma ng mga serum na ito (sigarilyo). Minsan pinagdududahan ko na talaga kung dito nga talaga naramdaman ni Boss ang awra. Dagat ang pagitan ng bansang ito mula sa Malaysia. Paano natin malalaman kung saan naglalagi ang pakay natin? Naiinis na ako"

"Ano ka ba huwag ka masyado atat. Sa susunod na linggo mahanap o hindi, ipagagamit na ni Boss sa atin ang bagong serum. Maari na tayong kumuha ng sarili nating alaga"

"Hay naku, matagal na niyang sinasabi yan. Kailangan pa kasi nyang dilaan ang paa ng mga sarili nyang mga manager"

"Ewan ko ba. Pero teka lang. Wag ka muna masyado madaldal. Mukhang malapit ko na mahanap yung pseudogen natin. Bwisit kasi si Boss hindi tinuro nang maayos yung abilidad na tinurok nya sa akin. Umaasa na lang ako sa pang-amoy"

"Asa ka pa! Kelan pa iyon nagturo nang maayos, mas marami pa siyang sermon at pagyayabang, kung hindi dahil sa iyo baka matagal na kaming nagsipagtalikod dun"

"Masyado mo namang dinidibdib. Tiis tiis nalang. Laban lang tayo, girl!... Teka lang nararamdaman kong dumaan dito ang target"

Nanahimik ang lalaki at kapwa sila nagpatuloy sa paglalakbay upang hanapin ang kanilang pakay.

Samantala, sa gitna ng malamig na gabi, masayang nagsasalu-salo ang pamilya ni Patrice. Ito na ang kanyang huling gabi sa Japan bago siya lumuwas patungong Korea.

"Apo, maraming salamat sa iyo ha. Napasaya mo ako ng sobra sa pagdalaw mo" sambit ng Lola ni Patrice sabay himas kaliwang kamay ng katabing dalaga. Kumpleto ang pamilya na nakaupo sa malaking bilog na mesa.

"Sa susunod anak balitaan mo kami nang mas maaga kung magbabakasyon ka ha. Lalabas tayong buong pamilya. Ang plano ko sana mag Cambodia tayo ngayong taon" wika ng ama.

"Opo Papa, pasensya na talaga biglaan lang din ang bakasyon ko ngayon" sagot ng anak.

"Ay siguraduhin mong madali mo nang mapupuntahan iyong hotel na tutuluyan mo kasi lubhang malamig ngayon doon sa Korea baka ka manigas sa daan" habilin ng ina.

"Opo, mabilis lang po ako makakarating doon sa hotel sigurado. Babalitaan ko din po kayo agad pag nandoon na ako."

"Si ate pa! eh nakakapag Europe nga siya mag-isa. Grabeng kalakwatsera" sabat ni Patrick. Nagkaroon ng maiksing tawanan

"Sayang talaga apo, hindi man lang kita naipakilala kay Chulalongkorn, yung katiwala sa shop. Mukhang bagay pa naman kayo. Bakit kasi nagbaksyon ang lalaking iyon kung kailan dumating ka." Panghihinayang ng lola.

Project Eden VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon