Ika-7 ng Pebrero 2019, 2:00 PM
Naiinis na naghihintay si Zepyr dahil alanganin na makuha nya ang mga kemikal na iniutos sa kanyang bilihin. Nilabas nya ang cellphone. Tatawagan sana nya si Jawoon ngunit nabahala siya nang mapansing tinititigan siya ng dalawang lalaking nakapormal na suite at tie at nakasuot ng itim na salamin sa mata. Mga kostumer din na naghihintay ang mga iyon. Minabuti na lamang ng binata na magpadala ng mensahe gamit ang text.
"Jawoon, ano ba ito? Kailangan pa daw ng ID at authorization letter para dun sa kailangan nating kemikal? Anong gagawin ko?"
Matapos maipadala ang mensahe ay nabasa nya ang mga ulat mula kay Karmela bandang 8 PM noong nakaraang gabi.
Nabanggit ni Karmela na kasama ang nanghihinang si Patrice. Nakasakay sila sa kotse ni Lee upang ihatid pauwi ng hotel. Nagtiwala ang dalawang dalaga na sumabay sa binata dahil sa mungkahi na rin ng matandang kasapi sa seremonya sa Gapyeong na si Seri.
"Sige ienjoy mo nalang ang trabaho mo diyan. Solo mo na rin pala ang silid sa hotel. Ako dito... hindi lang tagalinis ng tae, dakilang utusan na rin. Muntik pa kami makagat ng baliw na bampira. Bumibili ako ngayon dito sa lungsod. Mamaya tatawagan kita"
Isa sa mga naghihintay na lalaki ang may kausap sa cell phone. Hindi maiwasang makinig ni Zephyr at medyo nabahala sa mga narinig.
"Kumusta ang misyon nyo dyan... mabuti naman at ang heneral Lao? ... Mga bobo talaga sila. Nagpadala sila ng napakaraming sundalo sa ibang bansa at binawasan ang seguridad kanilang sariling bayan...Huwag nyo muna silang papatayin... Kumusta naman sina Lee at Ragnar?...Sabi na nga ba, batugan talaga yan si Stretcher. Matatalo talaga siya dahil mangopya lang ang kaya nyang gawin. Hintayin nyo ako diyan. Katatapos ko lang pag-aralan ang isang abilidad. Kailangan ko lang ng mga espesyal na kemikal. Naramdaman namin ni Jen ang pseudogen kahapon pero mahina ang aking mga pandama ngayon. Kasalukuyan kong pinapatrack sa kanya dito ang awra at ayon sa kanya ay sa may bandang Gapyeong nya ito naramdaman... Ewan ko ba dito, hindi pa rin kumpyansa... Matagal nyo nang trabaho ito. Nagkamali yata ako ng mga pinasahan ng abilidad"
Sa mga oras na iyon ay ang babeng bampirang heneral na si Jaylo ang kausap ng lalaki. Nagawa nilang mapasok ang KLAB at mapuksa ang mga sundalong nakabantay. Sugatan at nanghihina si heneral Lao kasama ang mga sundalong nabihag. Nakagapos sila at ang iba ay pinahihirapan.
Samantala, napansin ni Zephyr na lumapit ang lalaking kakatawag lamang sa cellphone patungo sa nagbebenta sa botika at nag abot ng papel. Nahalata ni Zephyr ang takot sa ginang na nagbebenta.
"Sir, pakihintay na lang po ang inyong numero na tawagin" ang sabi ng ginang.
"Isang oras na akong naghihintay, wala nang mga tao dito at puro bampira na lamang tayo. Hindi ba marapat na pagbentahan mo na ako bilang kostumer?" sagot ng lalaki.
"Sir pakiusap, kailangan nyo pa po maghintay. Maari po bang bumalik muna kayo sa inyong upuan?" pakiusap ng ginang.
"Narito ang listahan. Ibigay mo sakin. Narito rin ang aking ID at authorization letter" sagot ng lalaki habang inaabot ang ID. Nahindik ang ginang nang makumpirma at mabasa ang pangalang nakasaad dito "Jaffar Shah".
"Malamang ay nakikilala mo na ako. Nagmamadali na ako dahil may laboratoryo pang naghihintay sa akin. Dapat ay maging masaya ka dahil dito sa bansang ito ko itatayo ang aking unang kaharian"
BINABASA MO ANG
Project Eden Virus
Ciencia FicciónKumakalat ang isang uri ng karamdaman sa Asya kung saan ang mga biktima ay nawawala sa katinuan at umaasal na parang hayop. Isang Pilipinang nars ang makukulong sa Korea at maiipit sa isang lihim na digmaan sa pagitan ng mga tao at mga makamundong...