1-2 Mga Himura

46 6 0
                                    



Ika-21 ng Disyembre 2018, 2:00 PM


Sa isang Cosmetic Clinic sa Seoul Korea

Isang ginang edad 32 kasama ang kanyang asawa ang nagpapakonsulta sa isang surgeon dahil gusto ng babae na magpadagdag ng dibdib.

Sa waiting area ng klinika, apat na babae pa ang naghihintay

Nakikipag usap ang isang 40 anyos na ginang sa kanyang cell phone.

"Hay naku Sister, pagbalik mo dito mas matambok na puwet ko sa'yo hahahaha.... Sige mukhang malapit na ako tawagin, ibababa ko na yung phone ha"

Masaya niyang tinapos ang tawag, inilagay sa bag ang cellphone, at nakangiting bumaling sa mga katabing babae.

Nagbabasa ng magazine ang katabi nyang dalaga habang ang dalawa namang binibining nakaupo sa harapan niya ay waring abala sa pag-gamit ng cellphone.

Naisipan nyang kausapin ang binibini sa katabing sofa. Napansin nya ang cover ng magasin na binabasa ng dalaga na waring nagulat.

"Oh? Sila ang Bloodpunk diba? Balita ko opisyal na silang nabuwag noong nakaraang linggo. Sabagay mga bata, mayayaman at magaganda pa naman sila. Napakaswerte pa din nila"

Walang pumansin sa ginang at nakaramdam siya ng kaunting pagkapahiya at pagkainis ngunit nawala iyon nang makita na niya ang mag-asawang lumabas sa opisina ng surgeon na nakangiti. Inayos niya ang postura at muling ngumiti dahil alam niyang siya na ang susunod na tatawagin

Pagkalabas ng babaeng nars sabik na tumayo ang ginang. Nagtatakang binalasa ng nars ang mga papel na hawak at bumaling sa mga babaeng naghihintay.

"Takara Himura" tawag ng nars.

Tumugon ang magandang banyagang binibini sa harapan ng naghihintay na ginang at naglakad patungo sa opisina ng surgeon.

Nagtaka ang ginang dahil batid niya na siya na dapat ang susunod na tatawagin. Lumapit siya sa isa pang lalaking nars na nasa welcome desk at nagtanong. Sandaling huminto sa paglalakad ang babaeng nars at ang tinawag na pasyente.

"Excuse me, mas nauna pa akong dumating sa kanya. Hindi ba dapat ako na ang susunod?"

Tumayo ang lalaking nars na parang wala sa sarili at humarap sa nanggagalaiting ginang.

"Lola, wala na pong pag-asa ang puwet mo. Mataba na din ang bilbil mo kaya hindi surgery ang kailangan mo. Magdiet ka muna at mag-ehersisyo"

Nairita ang ginang sa narinig. Mas lalo pa siyang nainsulto nang natawa ang dalawa pang babaeng naghihintay. Hindi na nya napigil ang sarili, nandilim ang paningin niya at sinampal ang nakangiting mukha ng lalaking nars. Nasaktan ang nars.

"Unang una, hindi ako lola. Pangalawa, hindi ako mataba! Bastos!" nagngingitngit na sigaw ng ginang sabay lakad paalis. Nang makalabas binalibag pa nya pasarado ang pinto sa inis.

"BLAG!"

Lumapit ang babaeng nars upang kumustahin ang nasampal na katrabaho.

"Okay ka lang. Anong nangyari?"

Nahimasmasan ang lalaking nars. Namumula pa ang pisngi nito at nagtataka

"Hindi ko rin alam eh"

Napansin nila na kinandado ng isang naghihintay na dalaga ang pintuan ng klinika mula sa loob. Tumayo din ang isa pang binibini at lumapit sa mga nagtatakang nars.

Project Eden VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon