Ika-6 ng Pebrero 2019, 5:00 PM
Patungo sa isang basement sa Kingdom-E, Iika-ikang kinakaladkad ni Ragnar ang walang malay na katawan ng isang babaeng bampirang sundalo. Iginapos niya ito gamit ang kadena at isinilid sa isang malaking pridyider.
Naghugas siya ng mga kamay at umupo sa kanyang opisina. May mga pasa at sugat pa rin siya sa mukha. Nang kanyang hubarin ang kanyang jacket at t-shirt. Lumantad ang kanyang matipuno ngunit nalapnos na katawan. Unti unti niyang nakikitang naghihilom ang mga ito ngunit matindi ang pinsala sa kanyang dalawang binti. Iniinda nya ang hapdi na nararamdaman..
Kinuha nya ang cellphone at tinawagan si Lee upang iulat ang kanilang magaganap na transaksyon ngunit nasa Gapyeong pa rin si Lee at hindi nakakasagap ng signal.
Walang nagawa si Ragnar kundi mag-iwan na lamang ng voice mail.
"Lee, ang kapal ng mukha mo na hindi sagutin ang tawag ko. Sa loob ng isang linggo makukuha na natin ang pera. Kailangan mong bumalik dito. Hindi natin alam baka may mga surpresa pa silang nakahanda. Siya nga pala... mga lapastangan ang mga sundalong babae na iyan, nilagyan nila nang matinding anti-healing ang huling granadang pinasabog nila sa'kin. Mukhang aabutin pa ng dalawang araw bago ako tuluyang maghilom. Bihira at napakamahal ng makalumang gamot na inilagay nila. Pihadong kikita tayo diyan. Sa oras na magkamalay ang mga iyan, dalhin mo sakin, Papaaminin at pagpipira-pirasuhin ko sila bago ibigay sa WVO. Mamaya ipadala mo sakin ang kanilang kumpletong pangalan".
Binaba nya ang tawag. Napatingin siya sa mga kulungan ng mga sundalong bampira ng WVO. Mahigit sampu ang mga silid. Ang iba sa mga bilanggo ay nakaupo lamang at waring nagmemeditate ang iba ay natutulog. Madalas ay isang beses sa isang araw lamang nya pinapakain at pinaainom ang mga iyon ngunit nananatili silang malinis, bagamat nangangayayat ay mukhang malusog pa rin. Mula sa isang kahon ay kumuha siya ng mga bote ng mineral water at pinagulong sa loob ng mga kuwarto. Ang ibang nagtitipid ng enerhiya ay nagagawa pang mag-imbak ng tubig upang ipanglinis sa katawan.
Nagtungo siya sa isa pang malaking silid kung saan may higit 20 na mga pridyider na kinalalagyan ng mga masasamang bampirang kanyang nahuli. May mga piraso din ng katawan ang nakababad sa mga garapon na may formalin. May mga kamay, paa, binti, braso, at tainga. Mula naman ang mga iyon sa mga bampirang kanyang pinakawalan. May mga pangalan na nakadikit sa mga garapon at nakalatag lamang ang mga iyon na parang mga tropeo.
Naghanda siya ng tatlong garapon
"May madadagdag na naman sa aking mga koleksyon" Bulong nya sa sarili.
Napatingin siya sa isang sisidlan na may lamang kamay. Galing iyon sa isang kampon ni Jaffar. Hindi siya mapakali at muling nagpadala ng voicemail.
"Lee, sya nga pala... Pinaghihinalaan tayo ng WVO na may kaugnayan pa kay Jaffar. Mukhang nababahala na rin sila sa mga ginagawa ng ating dating kasamahan. Malamang ay pagtatawanan mo ako pero , sa oras na ito ay hindi ako kumpyansang mapapatay ko siya pagdating nya sa Korea. ...aaminin kong sinuwerte lang akong makaligtas sa kanya noong huli naming laban. Nakopya nya ang aking mga abilidad at sa mga panahong lumipas siguradong mas malakas pa siya. Kakailanganin ko ang iyong tulong para tuluyan siyang tapusin. Tawagan mo ako agad kapag natanggap mo ang mensahe ko"
Muli nyang ibinaba ang cellphone. May mga monitor sa kanyang silid kung saan nakikita nya sa CCTV ang lahat ng mga pasukan at pinto ng kanilang mga gusali at kalupaan. Napansin nya sa CCTV ang dalawa nyang empleyado na nagbabantay sa labas ng kanilang Dojo. Agad nya iyong tinawagan at pinauwi ang mga iyon. Muli siyang umupo nang komportable at umidlip.
BINABASA MO ANG
Project Eden Virus
FantascienzaKumakalat ang isang uri ng karamdaman sa Asya kung saan ang mga biktima ay nawawala sa katinuan at umaasal na parang hayop. Isang Pilipinang nars ang makukulong sa Korea at maiipit sa isang lihim na digmaan sa pagitan ng mga tao at mga makamundong...