6-2 Tumutupok na Apoy

5 3 0
                                    


Ika-5 ng Pebrero 2019, 7:15 PM

Nagngingitngit sa galit si Kazuko, mula sa likod ng baywang ay inilabas nya ang kanyang espesyal na latigo. Iwinasiwas iyon kay Ragnar. Nakaiwas ang lalaki ngunit may apoy na waring kumakalat at naiiwan sa hangin mula sa mga latigo na siyang puminsala sa kanya. Nalapnos ang ilang bahagi ng katawan ni Ragnar. Hindi siya makalapit dahil sa sunud-sunod na pagwasiwas ng sandata ng babae na nagmistulang pananggalang. Wala siyang nagawa kundi umiwas at umilag pansamantala. Paminsan minsan ay nagkakaroon siya ng oportunidad na gumanti ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakakaiwas babae. Batid nya na may tumutulong sa kalabang babae upang makailag sa kanyang mga atake mula sa likod.

Samantala habang nakikipaglaban si Kazuko kay Ragnar ay dumistansya muna si Takara upang asikasuhin ang sugat na natamo mula sa kanyang balikat. Nakapagpahinga siya panandalian ngunit nabahala siya sa kalagayan ng dalawang kasama. Gamit ang telepathy, kinausap nya ang dalawa.

"Mahusay, Suzume at Kazuko. Malakas talaga ang kombinasyon nyo. Hahanap lang ako saglit ng tiyempo upang atakihin sya mula sa likuran "

Tumayo si Takara at bumwelo ngunit nabahala siya sa sinabi ni Suzume.

"Ladies namamataan ko sa radar na may parating pang pulutong ng malalakas na awra. Nakumpirma ko na hindi iyon galing kina Lao o sa KHQ. Nangangamba akong kasamahan sila ni Ragnar. Mukhang hindi maganda ang ating sitwasyon. Medyo marami na rin tayong enerhiyang nagamit baka mahapo tayo nang husto pag dating ng iba"

"Kung gayon kailangan na nating tapusin ang laban na ito" ang sagot naman ni Kazuko habang muling umaatake. Nanlisik ang kanyang mga mata, lumakas lalo ang kanyang awra at nakatama ng tatlong hagupit sa kalaban. Nalalapnos ang mga braso ng lalaki sa ginawang pagsalag.

Nakaramdam ng hapdi si Ragnar at lumayo pansamantala. Mahusay ang depensa at opensa ng kanyang katunggaling babae. Nakaisip sya ng paraan. Muli syang sumugod at tumakbo palibot sa dalaga. Kunwari ay aatake siya ngunit ang totoo ay hinanap nya ang lokasyon ng isa pang kalaban. Namataan nya ang nagpapahingang babae at tumakbo palapit rito.

Naghandang lumaban si Takara. Nagpambuno sila saglit ngunit lubhang malakas si Ragnar. Sinubukang sumaklolo ni Kazuko ngunit huli na ang lahat. Nasuntok sa mukha at sikmura si Takara na agad nanghina at nawalan ng malay.

Sinakal ni Ragnar ang leeg ni Takara at ginawang pananggalang ang katawan ng babae habang lumulusob sa nagbabagang kalaban. Hindi magawang umatake ni Kazuko dahil ayaw nyang makasaktan ang kasamahan. Muling sumugod ang lalaki at nagawang makasuntok nang malakas sa sikmura ni Kazuko. Tumilapon nang halos walong metro ang dalaga. Hanggang bihag nya ang isang babae ay siguradong maiisahan nya ang kalaban.

"Hindi muna kita tatapusin. Alam kong may silbi ka pa" bulong ni Ragnar. Sa oras na iyon ay inangat nya ang katawan ni Takara habang sakal ito sa leeg. Nagbabakasakali siya na lumabas pa ang isang kalaban na siyang nagmamanipula ng mga sibat at espada.

"Alam kong nariyan ka! Lumabas ka sa iyong pinagtataguan kung ayaw mong pugutan ko ang iyong kasamahan"" banta nya.

Natakot si Suzume para sa buhay ni Takara. Minabuti nyang magpakita na. Lalabas na sana sya nang muling magkaroon ng liwanag. Muling nagliyab ang katawan ni Kazuko. Umangat ang katawan nito mula sa lupa at nanlisik ang mga mata. Nakita iyon ni Ragnar at Suzume. Kumalat ang apoy sa paligid at nasunog ang mga mat sa sahig.

Nabahala si Suzume. Batid nya na hindi na makontrol ng kapatid ang kapangyarihang taglay. Inangat ni Kazuko ang kanyang kamay at itinutok sa kalabang lalaki. Isang malakas at mabilis na apoy ang nanggaling dito na parang sa isang flame thrower. Nagawang makaiwas ni Ragnar bitbit ang katawan ni Kazuko. Natupok nang husto ang dingding na tinamaan ng apoy.

Project Eden VirusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon