SIMULA

629 17 0
                                    

Masaya naman ako pumasok sa kanyang opisina habang naka-tingin sa daliri ko kung nasaan ang sing-sing na binigay n'ya sakin. simula gumaling ito ay bumalik ito sa kanyang company kahit sabihin ko na wag muna ito pumasok dahil ilang buwan pa lang ito magaling.

"excuse me nandito ba si mr. dela ruel?" anya ko sa kanyang secretary

"ah opo mam"

"p-pwede ko ba ito maka-usap?"

"sure mam, pasok na lang po kayo"

"okay salamat" masaya naman ako pumasok.

"bhabe ako na lang ang mag-aalaga sayo" dinig kong sabi ng isang babae. Kinabahan naman ako bigla nang marinig ko 'yun. sumilip naman ako upang makita ko ang nangyayari sa loob. Naka-upo sa kandungan ng binata ang babae habang nakayakap ang dalawang braso ng dalaga sa batok ng binata

"I know bhabe. Pero kailangan ko manatili"

"for what shan? Look magaling kana hindi kana pilay kaya hindi mo na s'ya kailangan! O baka mahal mo s'ya kaya ayaw mo pa umalis"

"no bhabe! She's not my type. Hindi ko kaya mahalin ang kagaya niya!" parang naman sinaksak ako ng maraming kutsilyo sa narinig ko sa binata. Hindi ko naman namalayan na tumulo ang aking luha

"then why you need to stay with her? Nandito na ako... ako ang mag-aalaga sayo"

"don't worry sasabihin ko din sa kanya" pumasok naman ako at nakita ko ang gulat sa muka ng binata

"kahit hindi mo na sabihin dahil narinig ko lahat" tumayo naman ito

"c-celina?"

"ginamit mo lang pala ako bakit hindi mo sinabi agad?"

"oo tama ka nga.. ako ang mahal ni shan at hindi ikaw masyado ka lang kasi assumera"

"michelle stop!!"

"why I'm telling the truth shan! Eto na ang oras para sabihin mo" lumapit naman ito sakin pero lumayo ako

"p-please i-I can explain-"

Pak!! Sinampal ko naman ito, nanginginig naman ako sagalit

"oo shan! Wala ako sariling pasya o decision sa buhay! Pero hindi ibig sabihin nun gagawin mo ako isang tanga!" ang aking luha ay tulo'y-tuloy sa pag tulo.

"kung hindi mo pala ako kaya mahalin edi sana hindi mo ako niligawan!! Edi sana tahimik ang buhay ko! Edi sana hindi ako nasasaktan ngayon!!"

"b-bakit ano ba ang ginawa ko sayo ha! Minahal kita kesa sa sarili ko dahil i-Ikaw lang ang nagparamdam sakin na magkaroon ng sarili decision sa buhay!.p-pero ano ginawa mo niloko mo lang din ako?!"

Hindi ko makita sa kanyang muka ang pagsisi na may ginawa ito sakin. Kaya lalo ako nasaktan dahil sa mga tingin na binibigay niya sakin.

"ayaw ko maging katulad mo celine. I have a rules, I have my own decision nasasakal na ako tuwing lagi mo ako pinag babawalan. Gusto ko makawala sa hawla mo celine" na gulat naman ako nang sabihin n'ya iyon sakin.

"then why you po-propose me shan?" naguguluhan na tanong ko sa binata

"yeah I propose you pero inutos lang 'yun sakin hindi naman talaga kita minahal at kahit kailan hindi ako mag mamahal kagaya mo"

"dahil lang sa babaeng yan!" sabay turo ko dito galit ako ngayon ang puso ko ay dinudurog nito

"oo dahil siya lang ang kaya ko mahalin" tumawa naman ako ng malakas. habang hindi ito naka tingin sakin

"dahil sa babaeng yan kung bakit ka napilay!! Pero ano ginawa niya iniwan ka dahil hindi n'ya kaya mag mahal ng isang pilantod!"

"stop!"

"why? I'm telling the truth! Nang dinurog ka n'ya binuo kita shan nang iwan ka n'ya ako ang dumating at inalagaan kita!"

"because that's your job"

"no!!" galit ako lumapit dito at sinalubong ko ang malamig nitong tingin sakin "eto ang tandaan mo shan! Pag dumating ang araw na iwan ka n'yan tatawanan kita. At pag pumunta ka ulit sakin hinding-hindi kita tatanggapin!"

"hind 'yun mang-yayari celine" ngumisi naman ako at kinuha ko ang aking bag.

"siguraduhin mo lang shan, dahil ibang celine ang makikilala mo!" tinignan ko naman ang babae pero inirapan ako nito. ibinigay ko naman ang engagement ring namin sa kanya.

"sana kung hindi mo ako kaya mahalin. Sana hindi ka na lang pumasok sa mundong meron ako! Pinag sisihan ko ng makilala kita Shannon Valdamir Dela Ruel.

Pagkatapos ko nun sabihin ay umalis na ako habang luhaan at sakit ang naramdaman ko sa araw na 'yun. Pinag sisihan ko na pinapasok ko ito sa mundong meron ako. Sana hindi ako nasasaktan ngayon edi sana tahimik lang ang buhay ko.

Scared of Love (Dela Ruel Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon