Nagising naman ako nang umaga dahil ngayong araw ang flight ko papunta sa New York. Pina-book naman ako ni mommy kaya hindi na din ako nahirapan. Bigla naman tumunog ang aking cellphone at nakita ko doon si mommy.
"hello mom?"
"hello darling! gusto mo ba ipasundo kita diyan?"
"hindi na mom, may kotse naman ako mag kita na lang po tayo sa airport". naalala ko naman ang binata dahil pagkatapos nang aming pag uusap ay hindi na ito lumapit sakin.
"gusto mo ba umurong?" mahinang sabi ni mommy
"no, mommy itutuloy ko po" this is my dreams and I pursue. Narinig ko naman ang pag buntong hininga nito
"okay mag iingat ka sa biyahe okay?"
"okay po mommy" binaba ko naman na ang tawag at pinag patuloy ko na mag ligpit. Nang matapos naman ako ay nag double check muna ako bago isarado ang kwarto nang okay na ay inilock ko na iyon.
tulog na ang mga tao dito kaya mas okay na iyon sakin, napa-tingin naman ako sa katabi kong kwarto kung nasaan ang binata. Pumasok naman ako doon at sumalubong saking ang madilim nitong kwarto pero may kunting liwanag na nanggagaling sa buwan.
pumunta naman ako sa may kama nang binata at inilagay ko sa katabi nitong cabinet ang binili kong bracelet noong nasa pangasinan kami. Mahimbing naman ito natutulog habang naka yakap ito sa unan, inayos ko naman ang kumot at hinalikan ito sa nuo.
"sa muling pag kikita natin sana ganyan ka pa din at hindi ka sana mag bago shan" ngumiti naman ako "goodbye Shannon valdamir dela ruel"
Bago naman ako umalis ay tinignan ko ang buong mansion, maraming ala-ala din ako iiwan dito lalo ang alaala na kasama ang binata. Nang makarating naman ako sa airport ay nakita ko doon si mommy at uncle diego, wala naman ang kambal ko dahil malapit na ang chemotherapy nito.
"mag iingat ka doon okay? call me everyday and sabihan mo ako kung malapit na maubos ang allowances mo okay?" ngumiti naman ako
"don't worry mommy mag hahanap ako nang extra work doon, ayaw ko naman iasa sayo ang mga kailagan ko"
"darling, we have a lot of money so don't worry about it you need to focus your study okay?" tumango na lang ako.
nang tawagin na ang eroplano na sasakyan ko ay pumunta na ako, nasa bintana ako naka pwesto dahil mas gusto koi yon. Naramdaman ko naman na unting-unti umaangat ang sinasakyan ko kaya napa-tingin naman ako sa labas.
inilagay ko naman ang headseat ko at pumikit na, ilang oras naman hanggang makarating naman ako, mabuti naman ay naka hanap ako nang apartment na malapit lang sa papasukan ko kaya kahit lakarin ko lang ay mas maayos.
nalaman ko naman ang land lady ko ay pure Filipino at naka pangasawa lang ito nang American kaya dito na sila nanirahan hanggang naging citizine ito. Inayos ko naman ang aking apartment may kalakihan ito kahit papaano at may isang kwarto din.
plain na white ang theme habang ang kusina at sala ay tig-kalahati siguro pwede tumira dito ang dalawa hanggang apat na katao. may sarili naman cr ang apartment at mas nagustuhan ko pa ay may isang balcony ito.
nag bihis naman ako at umalis upang bumili nang mga gamit sa loob nang aking apartment, gabi na ako nang maka-uwi at hindi pa ako natatapos mag ayos nang aking apartment. Nag order na lang ako nang aking hapunan dahil tinatamad na ako mag luto
kinabukasan kahit puyat ako ay nagising ako nang maaga. kailangan ko matapos ngayong araw ang pag-aayos nang aking apartment mga bandang hapon ay natapos na din ako kaya doon lang ako naka pag pahinga
BINABASA MO ANG
Scared of Love (Dela Ruel Series #2) COMPLETED
General FictionAmora Celine Castro o a.k.a Devon she is the type of woman who doesn't care about others but has no self-determination it is purely dependent on the other people. she is a quiet woman and afraid to fall in love again because of her past relationship...