I Let Go
Hanggang tatlong araw lang kami dito dahil hindi naman pwede mag tagal ang binata lalo may naiwan siya sa kanyang company.
"alam mo masarap tumambay sa may hacienda nila mama" napa-tingin ako kay rhian na kakadarating lang. Hindi masyado Malaki ang kanyang tiyan dahil hindi naman ito pala kain at iniiwasan niya din uminom nang malamig.
nandito lang ako sa lobby nila, Malaki ang bahay ng dela ruel at ang naka-tira lang ay sila rhian dahil si mrs. and mr dela ruel ay lagi nag tratravel sa ibang bansa.
"gusto mo ba mamasyal doon?" tumango naman na ako. Sumakay naman kaming dalawa sa kalesa hanggang tumigil kami sa may hacienda de Almira.
sumalubong naman agad samin ang mga makukulay na bulaklak, mukang hanggang ngayon ay malago pa din iyon dahil maganda ang mga tubo.
"Madalas na lang pumupunta si mama dito kaya ako ang nag babantay nang kanyang hacienda, mabango sa pang-amoy hindi siya masakit sa ilong."
bumunot naman ito nang pulang rosas. "Ang bawat bulaklak na nandito ay meron mga meaning sa ating buhay"
napa-tingin naman ako sa kanya. Hindi ko maitatangi na maganda si rhiannon simple ang kanyang muka kahit anong kolorete hindi ko iyon makita sa kanya ngayon.
"Ang pulang rosas ay nag sisimbolo sa nag mamahalan. Madugo, mapanakit at nakakamatay akala nang ibang tao ay simple at madali lang pero pag pumasok ka sa isang relasyon mararanasan mo ang masaktan"
ang kanyang boses ay masarap pakingan marahan ito at malambing ang kanyang boses "ikaw ano ba ang gusto mong bulaklak?"
"pink roses" wika ko dito hanggang pumunta ako doon at kumuha nang isang tangkay na mukang kakapitas lang.
pumunta naman kami sa isang kubo pero bukas iyon, dito din kami nag pahinga nun ni mrs. dela ruel at dito ko din nalaman kung saan gawa ang pabango ni shan.
"bakit yan ang gusto mo?" naka-ngiting sabi nito. Napa-tingin naman ako sa hawak kong bulaklak.
"maganda hindi siya masakit sa mata at mabango ang kanyang halimuyak"
"pink rose meaning is innocent romantic love mas marami pumipili niyan dahil alam nila na mas maganda iyon ibigay sa isang babae"
"mabango ang kanyang halimuyak at gumagaan ang ating pakiramdam tuwing naamoy natin ito. pero masyado ito delikado pwede tayo hikahin pag na sobrahan. parang sa pag mamahal masyado tayo pala bigay hindi na natin naiisip ang sarili kung paano sumaya basta wala kang naapakan kahit ang pagkatao mo ay naapakan mo nang dahil sa iba kaya dito pumapasok ang sacrifices"
hindi ko naman magawa mag salita dahil sa narinig ko sa babae. Humawak naman ito sa kanyang tiyan habang nasa malayo naka-tingin.
humangin naman nang malakas kaya napa-pikit ako hindi masakit sa balat ang init, may mailan-ilan naman ako nakikitang tao na mukang nag harbest nang mga bulaklak.
"alam mo hindi ko akalain na mahuhulog pa sa iba si Shannon?" napa-tingin ako dito "kasi ang alam ko ay masyado na siyang baliw kay michelle kahit ang ginagawa sa kanya nang babae ay panloloko ay wala siyang pakialam"
"i-ibig sabihin niloko na siya?" tumango naman ito
"yeah, ilang beses ko na yan nahuhuli tuwing lumuluwas kami sa manila ni sammauel, gusto ko sabihin pero alam ko bulag siya sa pag mamahal ni michelle"
tumahimik naman ako
"sana wag mo na siya pakawalan amora, ngayon ko lang nakikita sa mata ni Shannon ang saya" napa-yuko naman ako nang maramdaman ko ang guilt sa gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Scared of Love (Dela Ruel Series #2) COMPLETED
General FictionAmora Celine Castro o a.k.a Devon she is the type of woman who doesn't care about others but has no self-determination it is purely dependent on the other people. she is a quiet woman and afraid to fall in love again because of her past relationship...