B47

108 5 0
                                    

I can't wait

A week passed. papunta naman ako ngayon sa obgyne ko dahil check-up days ko, iniwasan ko naman na ang kumain nang kumain dahil lalo ako tumataba.

"sinunod mo ba ang sinabi ko?" anya nang obgyne. napa-nguso naman ako at umiling napa-buntong hininga naman ito.

"kung hindi mo pipigilan at hindi mo kaya konrtolin ang sarili mo doctora castro hindi magiging normal ang panganganak mo"

"isang linggo ko naman na pinipigilan, kunting kanin na lang ang kinakain ko hindi na din ako umiinom nang malalamig"

"good, pakiusap sana ituloy-tuloy mo na yan. Lalo malapit na lumabas si baby at pag seven months nang tiyan mo doon ko sasabihin sayo kung normal o cesarian ka"

may ilan-ilan pang payo na binigay sakin ang obgyne ko at may bago nanaman ako iinumin na gamot. Nang matapos naman ay papunta na sana ako sa opisina nang binata na mag baka sakali na nandoon siya nang makita ko si michelle.

"hey wait!!" hinawakan ko naman ito sa braso at gulat nang makita ako "gusto sana kita kausapin"

pumunta naman kami sa isang shop hindi naman ako nag oder dahil bawal iyon sakin. "bakit ka nag sinungaling?"

"because I want dahil hindi ko gagawin iyon hindi mapupunta sakin si shan" mataray nitong sabi. Kinalma ko naman ang aking sarili.

"so ganon kana kadesperada huh?"

"ano ba ang gusto mo ha? sira na reputation ko wala na sakin si shan!" ngumisi naman ako

"sino ba ang sumira nang reputation mo? alam mo kung kasing demonyo mo ako hindi ko sa iyo ibibigay si shan" tumaas naman ang kilay nito.

"eh kaso nga uto-uto ka masyado ka naawa kaya nawawala sayo ang lahat at sunod-sunuran ka dahil naawa ka" lumapit naman ito "ang buhay kailangan mo maging matapang dahil kung hindi matatalo ka at mawawala sayo lahat amora, matalino kapa naman"

"atlis hindi ako kagaya mo hindi nangunguha nang iba" tumayo naman ako "alam mo maganda ka sana kaso ang langsa mo masyado. para kang isang dalagang bukid na isda kaso masyadong malangsa kaya inaayawan"

pagkatapos ko naman iyon sabihin sa kanya iyon ay umalis na ako. hindi naman ako madali maasar lalo sa mga sinasabi niya. Bibili na sana ako nang pagkain dahil nagugutom na ako pero naisip ko naman baka hindi ko makita si shan.

nang makarating naman ako sa company nila ay nag tanong ako kung nandoon ang binata. "hala sorry mam wala pa po si sir"

"huh, anong oras kaya siya papasok?" tanong ko dito

"hindi ko alam mam kasi ilang linggo na iyon hindi pumapasok" parang nang-hina naman ako, kung pupuntahan ko naman siya sa unit niya baka wala din ito.

"ganon ba" malungkot kong wika

"pero baka po pumasok iyon mam kasi marami siyang pipirmahan ngayon" nabuhayan naman ako nun.

"ah sige sige". pinapasok naman ako nang guard pero hindi na ako umakyat dahil sabi niya ay bawal daw mag paakyat nang bisita at mukang bago lang ang guard na ito.

ilang oras naman ako nag hintay pero wala pang shan ako nakikita at na gugutom na din ako. Anong oras ba yun papasok hindi pa ako nag tatanghalian kaasar!

maya't-maya naman bigla na lang nag ring ang cellphone ko at nakita ko naman ang number ni shan, hindi ko iyon binura kahit umalis ako.

"where are you celine" madiin ang kanyang pagkasabi na parang galit.

"bakit ba! kanina pa ako sa opisina mo at nagugutom na ako!! hindi pa nga ako nag tata-"bigla naman naputol ang tawag.

"hah!! siya pa ang may gana babaan ako nang tawag!!" parang naman akong bata na ta-tantrums dahil sa inis sa binata.

Scared of Love (Dela Ruel Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon