B37

88 4 0
                                    

I'm sorry (Warning r-18)

Nag kulong lang ako sa unit ko buong araw hindi ako lumabas dahil pakiramdam ko lahat sila ay kinaaawaan ako. Tama naman si Nicholas kung malalaman nang buong tao na may sakit ako hindi lang ako ang madadamay pati ang mga mahal ko sa buhay na naka-pailigid.

parang wala akong lakas pakiramdam ko sobrang hina ko at hindi ko na kaya bumangon, akala ko magiging maayos kami pag bumalik kami sa dati.

masyado ako naging makasarili at hinayaan ko ang binata na siya ang nag pasan nang problema nang meron ako. Tapos ganon na lang ang sasabihin ko sa kanya. Ang tanga tanga mo talaga amora!!

pinahid ko naman ang luhang tumulo sa aking pisnge, tama na pagod na pagod na ako gusto ko naman mag pahinga.

dalawang araw na ang lumilipas pero hanggang ngayon nandito pa din ang sakit na nararamdaman ko. Nang dahil din sakin kung bakit kailangan madamay pa ang binata.

tinignan ko naman ang aking sarili sa malaking salamin na kaharap ko. Naka-upo ako sa sahig ng kwarto ko habang magulo ang aking buhok, sobrang putla naman ang aking muka na animo'y may sobrang lala nang sakit.

ang aking labi ay nagbabatak-batak dahil walang sapat na tubig akong iniinom, tinignan ko naman ang mga gamot na nakakalat sa sahig.

umuko naman ako habang yakap-yakap ko ang aking binti, kailan ko ba mararanasan na mabuhay na walang problema. Gusto ko na lumugar sa tahimik yung tipong masaya ako o kami.

Dumaan pa ang tatlong araw ay ganon pa din ang sitwasyon ko, lowbat ang cellphone ko habang pinaputol ko naman ang landline ko. Ayaw ko pa may madamay dahil sakin, oo inaamin ko na mahina ako at hindi ko kaya kumilos pag hindi nila sinasabi sakin.

dali-dali naman ako pumunta sa may bathroom at nag suka doon, wala naman lumalabas dahil hindi naman ako nakakain dahil puro alak ang laman nang aking tiyan.

napa-hawak naman ako sa aking tagiliran nang maramdaman ko ang kirot doon. "a-ahh!"

maiyak-iyak ako na napa-upo habang iniinda iyon, "shit!"

pinuno ko naman ang bathtub ko nang tubig habang nilagyan ko na din nang maligamgam na tubig, binabad ko naman ang aking sarili doon at ipinikit ang aking mata.

naggising na lang ako dahil sa pag yugyog sakin. Sumalubong naman sakin ang muka nang binata na ngayon ay nag-aalala dahil sa sinapit ko ngayon.

"w-why didn't you call me?" hindi ako nag salita at tinitigan ko lang ito. Nang dahil sakin kung bakit kailangan niya manatili sa tabi ni michelle.

"answer me baby hmm?" niyakap naman ako nito nang mahigpit at binuhat ako.

ngayon ulit ako nakaramdam nang pag gaan nang pakiramdam halos isang linggo ko din naramdaman na buhay ako pero ang katawan, isip at puso ko ay parang isang bangkay na walang kabuhay-buhay.

naka-tago lang ako sa kanyang dibdib at mukang maraming tao ang nasa unit ko. ang kanyang halimuyak ay nakakaadik na nakakamiss. Ang akala ko ay pagod na ang aking mata sa pag labas nang luha ay hindi pa pala.

"kuya shan?" narinig ko naman ang boses ni kael. Tinignan ko naman ang ipinakita niya iyon ang card na binigay sakin ni Nicholas.

hindi naman na iyon pinansin at sumandal na lang sa dibdib nang binata at ipinikit ang aking mata dahil naramdaman ko ulit ang init nang binata. Kahit ngayon lang kailangan ko nang pahinga.

Idinilat ko naman ang aking mata at kulay grey ang nakikita ko, bumangon naman ako at inilibot ko ang aking paningin. "Nasaan ako?"

tinignan ko naman ang naka-tusok sa aking pulsuhan. Nang maamoy ko naman ang pabango nang kwarto ay bigla na lang bumilis ang pag tibok nang aking puso kaya tumayo naman ako at inalis muna ang naka lagay sa pulsuhan ko.

Scared of Love (Dela Ruel Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon