B30

131 4 0
                                    

Mahal pa din kita

Hindi naman kami sa hotel tumuloy dahil malayo iyon sa dagat kaya ang kinuha na lang namin ay isang malaking bahay kung saan pwede kami manuod nang pag lubog nang araw. White sand naman ang pinuntahan namin.

may anim na kwarto at hanggang pangalawang palapag lang din iyon, kada kwarto naman ay may mga banyo kaya hindi naman mahirap mag bihis o maligo.

"So sa isang kwarto ay magkakasama ang may pamilya na" anya ni kambal

"so isa na lang ang kwarto na natitira?" anya ni avon, tumango naman si kael

"kung gusto niyo mag hohotel na lang kami" anya ni Charles.

"malayo masyado ang hotel sa bayan pa iyon" tumingin naman si aki samin "meron pa naman bakanteng bahay katabi lang ito kaso dalawang room lang iyon"

"edi iyon na lang!!" anya ni Charles, nagsi-tanguan naman.

"pag dumating na lang si mommy at daddy sila na lang ang gagamit nang isang kwarto dito" anya ni kambal.

"so ang mga single ay nasa kabilang bahay haha" anya ni citrine, napa-iling na lang ako at kinuha ko na ang gamit ko.

"ako na celine baka mahirapan ka" anya ni akiro, ngumiti naman ako dito

"sure salamat" nang makarating naman ay nagkanya-kanya na kami, mag kakasama ang girls at boys. May dalawang double deck naman iyon kaya ayos lang din samin.

nasa baba naman ako habang nasa taas ko si avon, si trinity naman ay sa isang double deck. maluwag naman ang kwarto kung titignan kompleto din ang mga gamit at may sariling banyo.

simple lang ang kulay nang bahay kagaya lang sa kabila kulay white na pagka creamy. Maliit naman ang sala pero pwede na din iyon, wala siyang second floor pero may balkonahe naman at may dalawang upuan at lamesa na pwede tumambay.

narinig naman namin ang katok nang mga lalaki "girls! bilisan niyo at doon tayo sa kabila mag hahapunan mauuna na kami!"

"okay!" naayos ko naman ang aking gamit dahil may drawer naman doon na pwede namin pag lagyan.

"hey bal! ano kailan ka matatapos? nagugutom na ako" reklamo ni avon, tapos na ang dalawa at naka pag bihis na din habang ako hindi pa.

"sige sunod na lang ako doon"

"sige wag kana tumagal baka hanapin ka nila" anya naman ni trinity, tumango naman ako sa kanila at umalis na din sila.

nag bihis naman ako nang puting strap dress habang kinuha ko naman ang kulay baby blue kong sandals. Tinignan ko muna ang aking muka at plane lang iyon kaya nag lagay lang din ako nang powder at nag lip tint na lang din.

bakit ba ako nag aayos? kakaen lang naman kami ah.

napa-iling naman ako at lumabas na, muntikan naman ako atakihin nang makita ko ang lalaki na nakasandal sa tabi nang pinto habang naka cross ang kanyang mga braso. Naka-kulay white itong plane na tshirt kaya sumisingaw doon ang kagandahan nang katawan habang naka khaki short ito.

"bakit ang tagal mo?" tinaasan ko naman ito nang kilay.

"why? may sinabi ba ako hintayin mo ako?" nag lakad naman ako at hindi siya pinansin, hinawakan naman nito ang aking braso.

"why did you gave him permit to call you celine?" nag tatangis naman ang panga nito na mukang pinipigilan ang galit.

"why? ikaw lang ba ang dapat? sino kaba, simula tinaboy mo ako! wala kanang karapatan sa buhay ko shan. so please stop if let you love me! wag ka mag kunwari!" na buhay naman ang galit ko sa binata

Scared of Love (Dela Ruel Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon