B4

94 4 0
                                    

Nang kinagabihan naman ay inayos ko ang aking gamit dahil bukas nang umaga ang flight namin pabalik sa pilipinas. Nauna naman na ang mag asawang dela ruel at ang binata dahil sinundo ito kahapon.

nang matapos naman ako ay pumunta naman ako sa may kwarto kung nasaan naka kulong ang kambal ko. nakita ko naman doon si mama habang kasama niya si uncle diego

"yeah hindi naman tayo mahihirapan na dalhin siya sa pilipinas basta maturukan siya nang pampatulog na 24 hours" anya ni uncle diego

"hindi kaya makaapekto sa kanya iyon mom?" sabat kong sabi sa kanila tumingin naman sila sa may pwesto ko.

"anak? tapos kana ba mag-ayos nang gamit?" tumango naman ako. Tinignan ko naman ang aking kapatid na ngayon ay natutulog na.

"don't worry your twin is okay" tumango naman ako.

"p-pero paano siya bukas mom?"

"wala tayo magagawa kundi turukan siya nang pamapatulog para mauwi natin siya sa pinas anak"

nakaramdam naman ako nang awa sa kapatid ko, siguro kung hindi ko ito iniwan ay sana magkasama kami sana hindi niya ito nararanasan. Napa-kuyom na lang ako dahil sa sama na nararamdaman sa second wife ni daddy.

alam ko lahat ang nangyari kung bakit nandito kami sa sitwasyon na ito kung bakit kailangan pa mag tago ni mommy samin. Kung bakit kailangan pa mawala sa'amin ang tatay namin

nakakatakot mag mahal dahil doon ay maraming mga taong nababaliw at minsan ay kailangan pa nila makasakit nang ibang tao para makuha ang taong minahal nila.

I don't want to imitate what daddy's second wife he did. If I had to put up with it, I would just not hurt other people. Mas okay na sakin masaktan ako atlis wala akong dinadamay na ibang tao.

Kinabukasan naman ay maaga kami nakarating sa airport dahil susunduin kami nang DR airline kung saan ang sariling eroplano ng mga dela ruel ang gagamitin namin.

may isang kwarto doon kung saan pwede mag pahinga, nandoon naman ang kapatid at hanggang ngayon ay hindi pa nagigising.

"hey darling mag pahinga ka muna" anya ni mommy ngumiti naman ako

"sige mom ikaw din po" hinalikan naman ako nito sa nuo bago pumasok sa kwarto nang kambal ko. kaming apat lang ang naka-sakay sa eroplano kaya kahit papaano ay makakapag pahinga ako nang mabuti.

sanay naman ako sa maiingay na lugar lalo nag aalaga ako nang may PSTD o kulang sa pag iisip. Nag lagay muna ako nang earphone saking tenga bago ko ipikit ang aking mata.

nagising naman ako nang gisingin ako ni mommy, "hey darling nandito na tayo" tumango naman ako at kinuha ang mga gamit ko. Pag baba ko naman ay sumalubong sakin ang hangin nang pinas, hapon na kami nang makarating dito kaya nakikita na ang pag lubog nang araw.

may sumalubong naman samin upang ihatid kami sa bahay ni mommy, meron siyang bahay dito dahil noong bata pa kami doon siya namamalagi upang makita kami nang kambal ko. Hindi ko maimagine kung ano ang pag hihirap at lungkot na nararamdaman ni mommy noong oras na iyon.

"magandang hapon madam" anya nang isang lalaki na naka suit na black. Nginitian naman siya ni mommy at tinulungan naman kami ipasok ang iba naming gamit.

isa't kalahating oras bago kami makarating sa bahay ni mommy hindi ko alam kung bahay ba o mansion dahil sobrang laki nito kung kaming apat lang naman ang titira doon.

"mommy really? ikaw lang mag-isa dito naka tira?" tumawa naman ito nang mahina

"no darling may mga kasambahay ako dito at mga ibang guard natin dito ko na sila pinatira lalo ako lang naman ang mag isa" hanggang ngayon naman ay hindi ako makapaniwala.

Scared of Love (Dela Ruel Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon