B46

90 5 0
                                    

Problem

Nakakunot ang kanyang noo hanggang bumaba ito sa tiyan ko, parang naman ako maiihe dahil sa mga tingin na ibinibigay niya sakin.

"mam sila kasi ang may ari nung stroller" napa-tingin naman ako kay michelle na ngayon ay buntis din. Hindi ko alam kung ilang buwan na ito pero sa tingin ko ay mas angat ako nang dalawang buwan.

"a-an-ano h-hindi ko na siya bibilhin, so-sorry miss" dali-dali naman ako umalis doon. hanggang maka sakay naman ako sa elevator nandoon pa din ang kaba ko.

god! hindi niya pwede malaman na may anak kami. pero siguro natuto niya nang mahalin si michelle ayaw ko maging kabit at ayaw ko makasira nang pamilya.

nang makarating naman ako sa parking lot ay doon lang ako naka-hinga nang maluwag. "mam ayos lang po ba kayo?"

"ah oo naman hehe" pinunasan ko naman ang kamay ko na ngayon ay nag kalat dahil sa ice cream na natunaw.

hindi naman niya siguro malalaman dahil hindi niya alam na may anak kami noong iniwan ko siya. Ayos lang yan amora safe ka hindi mo naman na siya ulit makikita never.

nang makarating naman ako sa bahay ay inayos ko naman na ang gamit na binili ko, kinuha ko naman ang katabi kong kwarto dahil balak ko doon ko ilalagay ang mga gamit nang baby ko.

pinaayos ko naman iyon noong nasa japan ako kaya pag dating ko ay okay na. Ang mga gamit na lang ni baby ang ilalagay ko.

binuksan ko naman ang email dahil kailangan ko hanapin ang dating obgyne ko upang bukas ay makapag check up ako sa kanya.

Kinabukasan naman ay tanghali na ako nagising at wala na doon sila mom and dad ang sabi ay pumasok na kaya mag isa naman ako nag umagahan ayos lang naman iyon sakin.

pumunta naman agad ako clinic nang obygne ko pero hindi ko siya nadatnan iba na ang sabi ay lumipat ito sa davao kaya si doctora santos ang pumalit sa kanya.

"mukang malakas ang anak mo doctora" napa-ngiti naman ako sa sinabi nito

"haha mana yan sakin doctora"

"haha sabagay, ilang months kana ba?"

"anim na po ngayon doctora, kaya nahihirapan na din ako mag lakad lakad eh"

"bawasan mo kumain ang malamig na pagkain kahit tubig kung maaari wag ka din kumain masyado" inalalayan naman ako nito bumangon.

"ang hirap kasi pigilan doctora, lagi ako nag ccrave sa ice cream" tumawa naman ito

"hay ganyan talaga, pero need mo mag tiis kung gusto mo ay normal ang panganganak mo" tumango-tango naman ako.

nang maka-uwi naman ako sa bahay ay nakita ko doon si Jessie at ang asawa nito. "ano ginagawa niyo dito?"

"wow parang hindi mo ako namiss?" napa-iling naman ako

"hindi kita kilala"

"wow grabi ah! salamat ka buntis ka" may pinakita naman itong pagkain "bigay ko sana sayo?"

"huh ano to?"

"mango cake sabi kasi ni bal nag lilihi ka daw diyan"

"tapos na ako mag lihi, pero lagi ko ito kinakain" masayang sabi ko

"good, btw punta ka pala sa birthday nang anak ko ha"

"sino yung kambal mong panganay?" tumango naman ito. Sila joey at zoe ang ampon niya ang swerte dahil sobrang lambing nung dalawa.

"oo kaya wag mo panggigilan malalaki na yun" natawa naman ako.

umalis naman ang mga ito dahil dinaan lang daw nila iyon. Wala naman ako masyadong ginawa kaya naboboring naman ako at lumabas naman muna ako sa village namin.

Scared of Love (Dela Ruel Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon