B24

128 8 1
                                    

Father

"Mommy stop crying!" saway ko kay mommy, nasa airport naman na kami at hinatid ako ni mom at uncle diego hindi na sumama si twinny dahil buntis ito at delikado na.

"I miss you so much darling susunod si mommy doon ha?" kinagat ko naman ang ilalim kong labi upang hindi umiyak.

"opo mommy I miss you too" hinalikan naman ako nito sa noo at niyakap. Nang matapos ay pumasok na kami ni avon nasa bintana naman ako naka pwesto habang katabi ko ito.

naka-tulog naman ako nang buong biyahe hanggang nakrating kami sa unit namin ni avon, Malaki naman iyon at kasya naman kami dalawa. Inayos ko na din ang mga gamit ko habang ang babae ay nag luto sanay kaming dalawa na mag isa kaya sanay din kami mag luto.

naligo at nag linis na din ako bago lumabas, may dalawang kwarto ang unit habang may sariling banyo din malawak ang kusina. Sa condo naman ay may gym at swimming pool area kung saan ang mga taga doon lang ang pwede gumamit.

sa brooklyn city kami tumira dahil doon ang mas malapit ang papasukan namin, akala ko noon ay hindi na ako maka pasok sa Harvard university at mabuti nalang ay nakausap namin ang head na pwede ako mag back to school sa kanila.

"hey bal!! bilisan mo at pupunta tayo sa hawaii!!" masayang sabi niya

"bakit anong meron doon?" takang sabi ko

"sympre mag b-beach tayo lalo summer na ngayon" masayang sabi nito

"wait nga lang paano ka natuto mag salita nang tagalog?"

"haha sabi ko naman sayo matututo din ako, nag basa lang naman ako ng books na puro tagalog novels"

"mabuti nakarealate ka?" napa-kamot naman ito sa buhok.

"sympre sa una hindi!! pero nag paturo ako kay jean hahaha" iniimagine ko naman ang itsura ni jean habang tinuturuan si avon ay mukang nauubusan din ito nang pasensya.

Lumipas ang isang buwan ay hindi naman ako nahirapan mag adjust lalo mahigit isang taon din ako tumira dito. Tumigil naman muna ako sa pag tra-trabaho habang nag seryoso naman ako sa pag aaral dito din naman nag trabaho si avon sa malapit na health center sa university ko para sabay lagi kami umuwi.

nang malaman naman ni kleo na nandito na ako ay agad agad naman ito pumunta sa unit namin. "bakit hindi mo sinabi na umuwi ka dito!!"

"why? you miss me?" ngising sabi ko dito sabay naman ito tumango.

"sympre gusto mo libre kita?" malawak nitong sabi.

"eh ako libre mo?" excited na sabi ni avon

"no, marami kang pera!"

"wow anong marami? ikaw nga to!" napa-iling naman ako sa dalawa, hindi ko akalain na magkakilala pala ang dalawa dahil nalaman ko lang kay kleo na magkaklase sila ni avon noong high school.

"alam mo ang kuripot mo kahit kailan kleo!!" dinilaan naman ito nang binata. Simula nakasama ko itong dalawa ay hindi na naging tahimik ang buhay ko.

"amora doon na lang kayo tumira sa bahay ko ang hirap mag-isa"

"eh kasi kakuriputan mo walang babaeng pumapatol sayo!!"

"tss marami nu!! ikaw naman dahil sa kaamazona mo walang nagkakagusto sayo!!" binato naman ni avon ang binata nang unan.

Hindi naman kami umangal nang pinilit kami patirahin nang binata sa kanila, nalaman ko naman na ang kumupkop sa kanya ay o ina-inahan niya ay pumanaw na. Nung una ay nanibago ako hanggang mag isang linggo kami ay nasanay na ako tumira dito.

Scared of Love (Dela Ruel Series #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon