Suspicion
Kinabukasan nag aabang naman ako nang chat o message nang binata pero kahit isa ay wala ako natanggap nainis naman ako dahil parang hindi niya ako naaalala.
hanggang matapos ang buong araw ko ay walang shan ang nag paramdam sakin, madami naman pumasok sa aking isip na baka hindi na iyon babalik dahil alam niya na kung sino ako.
"doctora wala kang sundo?" tanong sakin ni Maureen, inayos ko naman na ang aking gamit at handa na umuwi.
"wala, dala ko naman ang sasakyan ko gusto niyo ba sumabay?" aya ko sa dalawa
"hehe hindi na doctora nakakahiya po" wika naman ni jayjay.
"meron pala kayo niyon?" birong sabi ko sabay tumawa
"wow doctora ang hash mo na samin ah!!" napa-iling naman ako, nang makarating naman kami sa parking lot ay nakita ko doon ang binata na may dalang boquet at nakasandal sa kanyang sasakyan.
"akala ko ba doctora wala kang sundo?" bulong na sabi ni maureen, ibinigay ko naman kay jayjay ang susi nang kotse ko.
"hala doctora anong gagawin ko dito?"
"ikaw muna bahala sa sasakyan ko gamitin niyo ni Maureen na pang transportaion" pagkasabi ko nun ay nag lakad naman ako patungo kung nasaan ang binata.
sobrang sama nang nararamdaman ko ngayon sa binata dahil hindi man lang ako ginawang kamustahin nito. Bigla naman tumuwid ang pagtayo nito nang makita niya ako
"b-baby?"
"akala ko matatapos ang araw na ito na hindi ka lang magpaparamdam shan" seryosong sabi ko dito
"I'm sorry naging busy lang ako sa naiwan ko baby" lumapit naman ito at hinawakan ang aking kamay "babawi ako promise?"
"ilang beses ko ba sasabihin sayo shan na ayaw ko sa lahat yung hindi ka lang magparamdam" hindi ko naman maiwasan magalit sa binata. "nababaliw ako tuwing hindi ka nag memessage shan! I'm so paranoid!"
"c-celine I'm sorry please. don't paranoid okay? sayo lang ako ay hindi kita iiwan" niyakap naman ako nito nang mahigpit at hindi ko na lang napigilan ay napa-iyak ako.
"nababaliw ako tuwing hindi ka nag paparamdam sakin shan, paulit-ulit ko iyon sinasabi sayo kahit chat o message mag paramdam ka lang a-ayos na ako"
"I'm sorry baby, I'm sorry please forgive me hindi ko na uulitin" nang dahil malambot ako sa binata ay mabilis ko ito napatawad.
buong biyahe naman ay naging tahimik kahit isa walang nag salita, oo naguguilty ako dahil may trabaho ito at hindi naman araw-araw ay makakasama ko ang binata. pero ang akin lang ay mag chat sakin ay ayos na sakin.
ayaw ko maging paranoid at ayaw ko maging under ko siya pero alam niya ang sakit ko at baka isipin niya na iwan niya na lang ako. Ayaw ko yun mangyari dahil hindi ko kakayanin pag nawala siya sa buhay ko.
hanggang nakarating naman kami sa bahay ay doon lang ako nag salita. "Pag uwi mo kumain at mag pahinga ka nang maaga"
"baby please talk to me? hmmmm" tinignan ko naman ang binata na ngayon ay nakikita ko ang pagod sa kanyang mata.
lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya, "do you want to sleep to sleep with me tonight?".
tumango naman ito, pinapasok ko naman siya wala sila mommy dahil pumunta ito ngayon sa cavite upang tignan ang bago nilang pinapagawang hospital. Pinaakyat ko naman ang binata upang makapag palit nang damit, meron naman ito kahit papaanong gamit na naiwan dahil minsan ay dito siya natutulog.
BINABASA MO ANG
Scared of Love (Dela Ruel Series #2) COMPLETED
General FictionAmora Celine Castro o a.k.a Devon she is the type of woman who doesn't care about others but has no self-determination it is purely dependent on the other people. she is a quiet woman and afraid to fall in love again because of her past relationship...