Gift
by MisstakesTW: Accident, Death
RHEIGN'S POV
Odd is odd..
Normal is normal...
But where do I belong?
Feels so odd living in this normal world but feels so normal experiencing odd happenings..
Looks like I need to stand on the boundary of those two...
"Mare, tawag ka," pagbulong sa akin ng kalapit kong si Khloe.
Agad akong napalingon sa harapan kung nasaan ang professor ko. He's tapping his pen over and over on his table, waiting for my work. Halatang naiinip.
Napatayo kaagad ako nang makita ang estado n'ya. Agad ko naman kinuha ang interior design drawing plate ko sa aking desk saka tumakbo papalapit sa kan'ya.
Ipinatong ko kaagad ito sa lamesa n'ya. Wala naman na akong natanggap na kung ano kun'di ang irap lamang nito.
I'm a third year college student in Interior Designing. This is my professor, Prof. Lurio. The terror teacher of BS Interior Design.
'Di ko alam alam bakit terror ang teacher na 'to e hindi naman matandang binata. May asawa naman s'ya..
Ewan ko ba.
"Thank you po," magalang na saad ko nang iabot n'ya sa akin ang plate ko.
May malalim na hininga pa itong ipinakita habang may malagkit na pagtingin pa mula sa aking mukha pababa sa drawing template ko.
'Di ko alam kung sa drawing plate ko ba nakatingin ang prof namin na 'to o sa kung saan na.
Yumuko na lang ako bahagya nang putulin ang tingin n'ya saka ko s'ya tinalikuran at umalis doon.
"Malagkit pa sa kakanin ang tingin nang matandang 'yon," saad ni Khloe nang makabalik ako sa kaninang pwesto ko.
"Baka marinig ka d'yan," suway ko sa babaeng 'to.
She's my rich bestfriend Khloe Estariz. Nagkakilala lang din kami dahil same kami ng kurso na kinuha.
"Ano naman? E 'di magparinigan kami," kibit-balikat na saad nito saka isinubo ang lollipop na hawak n'ya.
"E 'di ibinagsak ka n'yan," komento ko saka inayos ang aking gamit.
Malapit na kami mag-dismissal kaya aayusin ko na ang gamit ko.
"Ayan pa. Takot kaya 'yan," mayabang na saad ni Khloe.
"Nasubukan mo na?"
"Hindi pa.. pero alam naman natin na gan'yan lang 'yan," tsika n'ya pa sa akin saka tumango. "Wala namang ubra sa dean 'yan."
Napa-iling na lamang ako sa kan'ya saka nagpatuloy sa pag-aayos ng aking gamit.
Ewan ko din dito kay Mr. Lurio. Malakas ata ang tama sa estudyante n'ya. Akala mo'y s'ya ang boss sa kwarto na ito.
"By the way, Rheign," Khloe spoke up.
I raised my brows at her.
"Sama ka? May gala ako mamaya," an'ya.
Napa-iling ako sa kan'ya. "Alam mo naman ang schedule ko, Khloe. Wala akong free time sa buhay ko."
"Oo nga pala, Miss sideline," biro n'ya sa akin. "Never pa ata tayong nakagala nang matagal."

BINABASA MO ANG
Gift
Mystery / ThrillerBLURB: A fictional story made by MissTakes focusing on someone's odd life... A life where you can see barcode death dates... Rheign, the major character, experienced near-death happenings in her life that would give her an option to meet someone wh...