37: Lead

37 5 0
                                    

Gift
by Misstakes

RHEIGN'S POV

"AHH!" naghihingalong saad ko.

Nagising ang diwa ko nang maramdaman ang sobrang hapdi sa sugat ko. Napamulagat ang kaagad ang mata ko saka tiningnan ang nangyayari.

My eyes immediately roamed. Habol habol hiningang namukhaan ko ang lugar na 'to. Nasa apartment na ako...

Nang tingnan ko naman ang nasa gilid ko, nakita ko si Win na abala sa paggamot ng braso ko. Ramdam ko ang butil butil kong pawis sa mukha hanggang sa buong katawan ko. Sobrang init ng katawan ko na sinabayan naman ng sugat ko.

"Your wound is too deep," simulang saad ni Win. "let me stitch it—"

"Eh?!" sigaw ko sa kan'ya saka marahas na tiningnan. "nababaliw ka na ba?! Wala kang kahit na anong gamit d'yan!"

"Stop shouting at me," his deadly glare met my eyes. Oh geez. "I'll stitch this because it's too big and too deep. If you're not Dark, I won't do this so stay still."

"Anong pangtatahi mo d'yan?!" sigaw ko. "sinulid at karayom ng damit?! Nasisiraan ka na ba?"

"Masisiraan na ako ng tainga kaya kaunting katahimikan naman," awat nito sa akin.

Kitang kita ko ang pawis na pawis kong katawan. Nakasuot lang ako no'ng sando ko kanina at basang basa na ako ng pawis.

Kung ano anong p'westo na ang nagagawa ko dahil sa sobrang pag-inda ko ng sakit sa katawan ko. Napapaiktad din ako dahil sa sakit ng likod ko.

"Ayusin mo 'yan!" sigaw ko nang buhusan n'ya na naman ng alcohol ang sugat ko.

Napapasipa na lang ako sa hinihigaan ko habang sobrang pikit na pikit na 'ko. D'yos ko po... napakasakit.

Naramdaman ko ang matang nakatingin sa akin. Tiningnan ko si Win gamit ang pagod kong mata ngunit abala ito sa paglinis ng sugat ko. Inilinga ko ang mata ko at napadpad sa pader ng apartment na 'to kung sa'n papalabas ng apartment na 'to.

Tago kasi ang kama ko dito. May isang way pa papalabas ng apartment at iyon ang katapat ng kusina. Sapat na iyon para hindi ko makita ang nasa likod ng lugar na 'yon.

"Don't look anywhere," pag-papaalala naman ni Win.

Napalingon ako sa kan'ya. "may kasama kang iba?"

Huminto naman ito para tingnan ako."sino sa tingin mo ang maisasama ko?"

Umirap na lamang ako sa kan'ya saka tumagilid sa kabilang banda at iniwan ang braso ko sa kan'ya.

Ilang minuto lang ang ginugol n'ya sa paglilinis at sinabihan na akong tatahiin ang sugat ko. Oh sh*t! Wala man langa anesthesia. P*ta!

"I'll be faster," mahinang saad ni Win.

Wala sa oras na napasigaw ako nang biglain nito ang tusok ng isang metal. Hoo, p*t*ngina! Alam ko namang tamang gamit iyon kaya hindi na ako mag-aalala pero t*ngina, ang sakit!

Napakapa kapa ako sa isang table na naroon saka inabot ang tela na nandoon. Panyo ko naman 'yon kaya kinagat ko iyon saka nagsisigaw sa sobrang sakit.

Nakadama ako ng ilang tusok sa sugat ko na nagpaluha pa sa akin nang malala. Napaiyak ako sa sobrang sakit. Sumasabay na rin ang sakit sa lalamunan ko kakasigaw. 

Tuwing tusok na madadama ko ay nagtatayuan ang balahibo ko sa katawan. Napapaikit ako nang mariin sa sobrang sakit no'n. Makapanghabol hininga ang p*t*ngina.

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon