10: Aunt

63 5 0
                                    

Gift
by Misstakes

TW: Abuse (Physical)
This part might affect some of my readers' traumas about this topic. Even if this part wasn't that heavy for others but for those who experienced, it is so please do read at your own risk.

RHEIGN'S POV

Iniisip kong madali lang akong makakabalik sa normal pero hindi. Hindi ko alam na kada pikit ko ay may takot pa rin na mamumuo sa loob ko. Sobrang hirap dahil para bang nakulong ako sa panaginip ng kung sino habang mag-isa.

They kept on helping me, all of them. To the point na nakakahiya na.

"Ayos ka lang?" tanong ni Khloe sa akin.

"Ha? Oo naman," tango ko.

Bumalik sa reyalidad ang utak ko. Hapon na ngayon at papauwi na kami ni Khloe. Hinihintay na lang n'ya ang sundo n'ya habang ako ay uuwi mag-isa.

Dapat ay aalis kami nina Khloe pero biglaan ang pagtawag sa kan'ya ng daddy n'ya. Kilala ko naman si tito, minsan lang n'ya pauwiin ng maaga si Khloe kaya kailangan ay sumunod na si Khloe.

Kaya ayon, naiwan ako. Uuwi na lang ako mag-isa, nakakahiya kung pababalikin ko sina Mark dito para magpasundo e kaya ko naman umuwi mag-isa.

"Sorry talaga, si daddy kasi e," kamot sa ulo ni Khloe habang nakabusangot.

"Ayos lang 'yon. Baka emergency lang kaya biglaan kang pinauwi," saad ko.

Sumandal naman ako sa railings na nasa likod namin. Naghihintay lang kami dito sa may gate, hindi na sa bus stop.

"Nga pala, Rheign. Kaibigan mo ba 'yung... manyak na sina-"

"Tristan," I corrected.

"Okay, Tristan. Kaibigan mo ba 'yun?" tanong n'ya. "mukhang close na kayo e."

"What if, Khloe, kaibigan ko nga?" tanong ko sa kan'ya.

Napatango naman ito saka tumingin sa daan. Napa-kibit balikat s'ya saka sumagot sa akin.

"Ayos lang. Mukha naman s'yang harmless, talagang mali lang 'yong pagkaka-introduce mo sa 'min," loko n'ya pang saad saka tumawa.

"Baliw."

"Sino ba naman kasi ang magpapakilala sa 'min ng lalaki as manyak?" saad n'ya pa saka nagkunwaring maarte. "Like, hello? You'll gonna be friend with him pala why manyak pa?"

"Ayan ka na naman sa ka-conyo-han mo," saad ko saka s'ya binatukan nang mahina.

"Aray ko naman, 'day," angal n'ya. "Ay o sige, ganire tayo maga salitaan, ah?"

"Pilosopo ka," saad ko.

"Nga pala, 'yung babae..." tukoy ni Khloe, malamang ay doon sa babaeng iniligtas ko DAW.

"Hmm, anong mayroon sa kan'ya?" tanong ko.

"Wala naman," kibit balikat ni Khloe. "Narinig ko lang sa office na talagang tututukan 'yong nangyari sa kan'ya. Kailangan n'yang masabi kung ano ba ang nangyari."

Napatango naman ako sa kan'ya saka tiningnan ang mga nagdadaanan na sasakyan. "Ano ba sa tingin ng iba na nangyari sa kan'ya?"

"Well, wala ako masyadong alam p'wera sa iniisip ng iba na nabully s'ya... o kaya naman family matters kaya s'ya nagbalak mag ano... alam mo na, suicide," mahinang saad ni Khloe sa akin.

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon