4: Death

85 4 4
                                    

Gift
by Misstakes

TW: Death

RHEIGN'S POV

Naging busy ako lately. Dahil na rin siguro sa side line ko pati na ang isinasabay na aral at lessons ko.

Nakakapagod ang buong araw. Ni hindi ko man lang ata naranasan na umupo nang matagal pa sa kalahating oras.

Nakaka-upo lang ako kapag nasa byahe tapos wala na. Back to work na.

"Aray ko.." bulong ko sa sarili ko.

Ang sakit na ng sakong ko. Nagpaltos na ata kakalakad.

Nasa byahe pa ako ngayon. Kakasakay ko lang ng jeep dahil kakatapos lang din ng side line na nakuha ko.

Nasabi kasi sa 'kin no'ng ibang kakilala ko sa munisipyo na wala 'yung assistant ni mayor. Kaya ayon.

Naghanap muna sila ng pamalit dahil may event ata sa munisipyo kaya grinab ko na 'yung opportunity.

Kailangan ko lang naman daw i-assist 'yung mga visitor. E hindi ko naman alam na sobrang assist pala kailangan do'n.

Pabalik balik ako para sa kailangan nila. E sakto naka-heels pa ang assistant, ayan, paltos ang paa ngayon.

Hindi ko naman sana pupuntahan 'yon, kaya lang, sayang naman ang kikitain do'n. Dagdag din sa ipapadala ko sa tiya ko 'yun. Kaya no choice ako, pumunta na ako.

"Aray," komento ko nang biglang pumreno ang jeep na sinasakyan ko.

Kan'ya kan'yang angalan ang mga nandito sa loob ng jeep. Hindi ako masyadong nausad dahil nandito ako sa dulo.

"Ingat naman, manong," sarkastikong saad ng isang babaeng pasahero.

Napakamot naman sa kan'yang batok ang nagmamaneho.

"Bigla na lang tumawid 'yung lalaki e," saad nito saka tiningnan ang pasahero n'ya gamit ang salamin sa harap n'ya.

E gano'n talaga. Alangan namang sagasaan ni manong 'yung walang pasabing tumawid, e 'di nakulong pa.

Mauntog nang lahat ang pasahero, 'wag lang makapatay ng tumawid. Siguro 'yun 'yung motto ni manong.

"May bababa na ba sa bayan?" tanong ni manong.

"Mayroon ho," taas kamay kong sagot.

"O s'ya, hija, dito na ang bagong babaan e. 'Di na ako p'wedeng magbaba sa bayan, baka mahuli ako do'n," tango tango ng manong sa akin.

"Ah gano'n ho ba.." napatango na lang ako. "Sige ho, dito na lang."

Tulad nga ng sabi ng driver, dito na nga ang bagong babaan. Tapat ito ng isang karinderya. Ba't kaya dito?

Pagkababa ko pa lamang ay tanaw ko na ang kahabaan ng lalakarin ko papauwi sa amin.

Simula sa kanto pa lang namin ay malayo layo na ang nilalakad ko hanggang apartment tapos ngayon mas malayo pa sa kanto.

Goodluck na lang.

Gumilid na ako, baka masagasaan ako sa gitna ng daan. Napadpad ako sa karinderya na malapit dito.

Amoy ko dito sa tapat ng karinderya ang mga ulam na nakahain sa harap ng mga customer.

Nakakatakam. Kumukulo na rin ang t'yan ko sa pagod at gutom. Maggagabi na rin naman kaya naisipan ko na lang din na bumili ng ulam.

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon