18: Scar

46 4 0
                                    

Gift
by Misstakes

RHEIGN'S POV

"Bakit naman, pa?" iyak naman ni Kane habang naka-upo.

All I can do is to feel the pain, to share it with Kane. His dad... almost did that to me. But f*ck! It didn't happen but I feel like I'm disgraced. Nangyari o hindi, parehong sakit at takot ang ibinigay sa akin ng taong 'yon.

Mas lalo akong napaiyak nang makita si Kane na magwala. He threw whatever he can touch. Halos lahat ng maabot n'ya sa lugar na ito ay ibinabato na lamang n'ya. All I can see is anger. Anger over the pain he's carrying.

Bigla na lamang ang pasok ng mga pulis sa sci lab. Agad nilang nilapitan ang professor ko na walang halos damit na nakahandusay dahil sa nagawang pagsapak ni Warren at Tristan. Binalutan nila ito ng tuwalya saka itinayo. Nilapitan ako ng ibang babaeng pulis saka sinakluban ng malaking tuwalya sa buong katawan.

"Everything will be alright, ate.." pigil naman ni Kate sa iyak n'ya saka ako binitawan.

"Rheign..." himas ng isang babaeng pulis sa buhok ko.

I looked at her. Nasasaktan ako at naiiyak kapag may taong ngumingiti sa akin na para bang sinasabi na ayos lang, ayos lang ang lahat. I shook my head over and over. Hindi ko magawang sumama sa kanila.

"Who the f*ck are you to lay a finger on her?!" Tristan's shout prevailed.

Awat na awat na sa kan'ya si Warren dahil sa sobrang galit nito ay para bang magagawa n'yang patayin ang professor ko. Namumula na ito sa galit at naglalabasan na ang mga ugat.

"Napakawalang hiya mo!" Kate stood up and slapped my professor so hard.

Sa sobrang galit ni Kate ay kita na ang panginginig ng mga kamay. Hindi nito maiwasan ang mapasampal nang mapasampal kay Prof. Lurio. Nagngingitngit pa ang mga ngipin ni Kate habang sobrang talim ng mga tingin.

"Tingnan mo 'yung anak mo," mariin na sabi ni Kate saka tinuro si Kane na hindi maiwasan ang mapaiyak. "tingin mo naging mabuti kang magulang? Tao? G*go ka ba? Isa ka pa man ding ginagalang na guro dito tapos magagawa mo 'yan sa isang walang kamalay malay na babae?! Sinong nagbigay sa 'yo ng karapatan na gumawa n'yan, ha?! P*t*ngina!"

Napasabunot pa si Kate kay prof kaya pinigil na ito ng mga pulis. Hinawakan naman na ni Corrin si Kate dahil baka kung anong magawa doon sa professor.

Patuloy na nagwawala si Kate sa harap ni Prof at patuloy na sumusubok na maabot si prof. Isinama naman ng mga pulis ang guro ko na 'yon. Napaluha na lamang ako at naramdaman ang takot nang dumaan sila sa akin. I flinched. I can't open my eyes whenever he's around.

Patuloy na ingay ang naririnig ko sa labas lalo na nang mailabas din si prof. Nanghina ako. Hindi ko alam ang masasabi sa akin ng mga tao. Hindi ko magawang makita silang lahat. Ayaw ko.

"Rheign," marahang saad ni Tristan.

He held my shoulders, the reason why I opened my eyes. Tristan tried to smile at me but he can't. Ang kaninang naghihimutok sa galit na mga mata n'ya ay ngayo'y napupuno ng pagkaawa sa akin. He bit his lower lip to stop himself from crying.

"Come here.. come here," mahinang saad ni Tristan saka ako pinalapit sa kan'ya. Unti unti n'yang inilapit sa sarili n'ya ang katawan ko.

I felt his arms around me. His warmth around me, his warm arms that lessen the coldness of my own body. What the f*ck is this feeling?!

"I'm sorry," he begged. "I'm late, I'm sorry..."

Napaiyak na lamang ako sa balikat n'ya. Naaawa ako sa sarili ko pero hindi ako galit sa kan'ya. I don't even care if he's late or what, I just appreciate that he still came.

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon