Gift
by MisstakesRHEIGN'S POV
TW: Body Horror, Abuse (Sexual & Physical)
Napakunot na lang ang noo ko. Biglaan naman ata ang pagtawag sa akin ni tita. At saka matagal tagal na rin ang huling tawag n'ya, isa pa'y mukhang hindi s'ya ganoon kagalit ngayon.
"Medyo malayo pa ho ako d'yan, kaya n'yo ho bang maghintay?" tanong ko sa kabilang linya saka pumasok sa k'warto.
Kinuha ko roon ang bag ko na maliit saka nagdala ng extrang money. Hindi ko dinala lahat ng pera ko, baka maubusan ako.
Lumabas naman na ako agad ng k'warto saka kumuha ng sticky notes sa may ref. Kumuha ako ng ballpen saka nagsulat roon.
"Dalian mo na! Naghihintay na ako!" ani tita.
"Sige ho, teka lang," saad ko naman saka idinikit sa may ref ang nasulatan kong sticky note.
Naglakad lakad lang ako sa labas. Babalik din ako kaagad. - Rheign.
If ever man na dumating si Warren or si daddy na wala ako. Hindi ko naman sila hinihintay pero nagbabaka-sakali lang dahil bigla bigla rin kasi silang napunta rito sa bahay.
"Dalian mo, ha? Kanina pa 'ko dito," huling katagang narinig ko galing kay tita saka n'ya ako binabaan ng tawag.
Napatingin lang naman ako sa screen ng phone ko. Wala naman akong signal, dead spot pero nakatanggap ako ng tawag. Ano 'yun may special line?
Iniling ko na lang naman ang ulo ko saka ako naglakad papunta sa may pinto. Dinampot ko naman ang susi ng bahay saka isinara ang laptop na naroon sa mesa. Lumabas ako ng bahay nang ako lamang. Ini-lock ko ang pinto saka ako tuluyang umalis ng bahay.
Tinakbo ko na ang kanto ng lugar na ito saka agad na pumara ng taxi. Kaya ko naman magbayad ngayon dahil 'yong sahod ko no'ng nakaraan ay hindi ko pa naman masyadong nagagastos. At saka, baka kapag natagalan ako ay magalit nang lalo si tita.
"Sa 7/11 po sa bayan," sagot ko nang tanungin ako ng driver kung saan ba ako pupunta.
Tinanguan lamang naman ako nito gamit ang rear view mirror. Hindi ko masyadong tanaw ang mukha nito pero bahala na. Wala din namang mangyayari kung makikita ko ang hitsura n'ya.
Kinakabahan ako sa b'yahe. Kinailangan kong ikalma ang sarili ko lalo na ang puso ko. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko na para bang kaya ko na 'tong marinig. Nilalamig ako na sinabayan pa ng aircon ng taxi na ito.
Nang medyo makalayo ay narinig ko ang sunod sunod na tunog ng phone ko. Kinuha ko kaagad iyon dahil sa sobrang ingay.
Halos lumuwa ang mata ko sa tadtad na text sa akin ni Kate at Sam. Halos lahat sa Dark ay t-in-ext ako at ang mga pangalan nila ay nandito. Ngunit wala ang kay Tristan, kahit isang message ay wala akong nakuha.
Siguro ngayon ko lamang natanggap ang mga 'to dahil ngayon lamang nagkaroon ng signal sa lugar na 'to. Binuksan ko naman ang lahat ng 'yon. Ngayong araw lang ang mga text na iyon. Hindi ko natanggap.
Paulit ulit na pangangamusta naman ang mga sinasabi nina Sam at Kate. Nagkuk'wento pa nga sa text kahit na hindi ko man lang sila narereplyan.
Napatawa ako nang mahina dahil sa mga nabasa ko. Kahit papaano'y nakakawala ng kaba ang mga sinasabi nila. Para bang pati sa text nag-aaway sina Sam at Kate.
Sina ate Maurine naman ay nangangamusta rin. Si Thea, may sinabi rin.
You're bestfriend bitch Sophia is making a false rumors. Thanks to me and she recieve my two fingers. ;)
BINABASA MO ANG
Gift
Mystery / ThrillerBLURB: A fictional story made by MissTakes focusing on someone's odd life... A life where you can see barcode death dates... Rheign, the major character, experienced near-death happenings in her life that would give her an option to meet someone wh...