14: Suspects

51 4 0
                                    

Gift
by Misstakes

RHEIGN'S POV

"We have the list of possible suspect," saad ng officer na iyon.

Napatayo kaagad kami ni Mark nang marinig ang mga salitang iyon. Napatingin naman sa amin ang pulis na iyon habang nakapamaywang. Ibinalik n'ya ang tingin n'ya kay Tristan kaya napatingin din naman kami ni Mark kay Tristan.

"How did you find it?" tanong ni Tristan.

"Isa sa mga kaibigan ng biktima ang nakaalala na mayroon nga palang sinend na photo si Mich sa kanila. That picture is captured when Mich and her boyfriend spent their time together," paliwanag naman ng officer na 'yon.

Napataas ang daliri ko saka naningkit ang mga mata. "P-Paano s'ya naging biktima? Wala pang kumpirmado, 'di ba?"

"Early in the morning, they confirmed that the alleged r*pe case it trully a r*pe case," saad naman ng officer.

"Walang nakapagsabi sa 'kin," sabi naman ni Tristan.

"Hindi ka na natawagan dahil sa oras na makumpirma ngang r*pe case 'yon ay kinailangan na agad namin mailista ang mga maaaring suspect," sabi ni officer.

Teka. Paano? Hindi naman pumayag si Mich na mag-undergo sa kahit na anong test. Hindi ko alam at masyado ata silang malikot at lahat ng posibilidad ay talagang kinokonsidera.

"Hindi naman pumayag si Mich sa kahit na anong test, ah?" sabi naman ni Mark sa kanila.

"Mich doesn't want to cooperate so we're basing on her friends' testimony. That's the closest thing we can rely for now," sagot naman ng officer.

Napahugot naman ako ng malalim na hininga. Sana lang ay totoo ang mga sinasabi ng kaibigan ni Mich at hindi lang sumusubok na mapausad ang kaso. This is a serious thing and I hope they are saying what they really encountered.

"Can we see the list?" Mark asked.

Agad namang napatingin sa akin ang officer na iyon kaya napatingin din ako. 'Wag n'ya lang sabihin na hindi ako kasama d'yan, ang dami ko nang nalaman. Mababaliw lang ako kakaisip kapag pinutol ko 'to dito.

"I can't trust you," diretsong saad naman no'ng pulis saka ako tiningnan nang seryoso.

My mouth literally parted slightly. What the? Ako? Wow. E 'di sana hindi na ako nakiisyoso una pa lang kung mabibitin din ako. Tss. Wala pala 'to e. I scoffed when no one answered the officer.

"Oh? Okay," I nodded.

"She's part of Dark, officer Martin," saad naman ni Tristan.

Napatayo naman ako nang maayos. Tss. Mukha namang hindi nakikinig ang isang 'to. Tindig pa lang no'ng unang pumasok e iba na.

"For how long?" tanong no'ng officer Martin.

"For... how many weeks," sabi naman ni Tristan saka tiningnan ako. Tss. Ano pang magagawa n'yan?

"Still. I don't trust her," sabi naman no'ng officer.

Medyo nakakainis na, ha? Hindi ko din naman ho binalak na mapadito, 'no? Ano bang paki ko dito, e kung 'di lang dala ng posibilidad na alam ko ang suspek e hindi naman ako tutulong. Alam ko namang kaya na nila Mark 'to.

Bumuntong hininga naman ako. "Hmm. Just call me if you need me."

Tinalikuran ko naman sila saka naglakad papalayo. Sarap sanang irapan no'ng officer kaya lang mas lalo akong hindi pagkakatiwalaan no'n. Mahirap na, baka mamaya e.

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon