Gift
by MisstakesRHEIGN'S POV
How to fool yourself? Sumama ka sa taong hindi mo naman kilala at lalo na't mga walking.. I don't know what you call it.
Paano naging hindi magandang impluwensya ang mga 'to? Sa loob ng umaandar na van na 'to ay may PDA sa likod ko, not only PDA. They were both kissing at the back. What the f*ck?!
Si Maurine with her boyfriend or husband, I don't know! Habang ang katabi naman ng driver na si Tristan ay naninigarilyo pa.
Nasa gilid ako ng van. Kaya ko sanang tumalon na lang pero hindi ko ginagawa. Hindi ko alam.
Ang katabi ko naman ay naglalaro ng patalim habang ang katabi nina Maurine or ate Maurine ay nag-iinom pa..
Wow. How reponsible they are. At parang may patay pa, pare-pareho silang mga naka-itim.
Palagay ko'y ang driver lang ang matino sa kanila. May katandaan 'yun at parang maayos mamuhay 'di tulad ng mga nandito sa loob.
Nilalamig ako. Hindi ko alam kung bakit pa ako sumama sa kanila. Gusto ko lang malaman kung ano ba ang nangyayari sa akin.
The whole van is so silent. Kulang na lang ay mabingi na ako sa katahimikan. Para bang hindi sila magkakaibigan at wala sa kanilang nagpapansinan.
"You're Rheign, right?" pagsasalita ng katabi kong naglalaro ng patalim.
Napatingin ako sa kan'ya saka dahan dahang tumango. Baka mamaya bigla na lang akong saksakin nito e.
Niyakap ko na lang ang bag ko. Be ready, mabuti nang maprotektahan ko ang sarili ko. 'Di ko din naman kasi alam sa sarili ko kung bakit nandito ako.
P'wede na bang bumaba? Kaya lang baka 'pag baba ko pa lang, wala na 'kong buhay.
"Nag-iba agad ang hitsura mo kumpara noong nakaraang linggo," paliwanag nito sa akin.
Nakaraang linggo? So nakita nila ako noong nakaraang linggo? Sinusundan ba ako ng mga 'to? Hindi na ata ako safe sa buhay ko.
"S-Sinusundan n'yo 'ko?" mahinang saad ko.
Narinig ata ako ng iba kaya napatingin sila sa akin. Napatingin sa salamin si Tristan nang makita ako.
Ano bang mali sa sinabi ko? Wala naman ah.
"Hindi kami nagsasayang ng oras para sumunod," natatawang saad no'ng nag-iinom sa likod.
"By the way, miss, I'm Corrin," pagpapakilala nitong katabi ko.
Itinabi naman n'ya ang patalim n'ya saka inilahad ang kamay sa tapat ko para sana makipagkamay.
Tinitigan ko lang muli ang kamay nito kaya napabawi rin s'ya tulad ni ate Maurine kanina.
"And I'm Miguel, call me Migs, Migmig, Guel, kahit ano," sambit naman no'ng lalaking naglalasing sa likod.
Napayuko lang ako bahagya sa kanilang dalawa nang malaman nilang binati ko rin naman sila. I don't want to be rude, duh.
"Kilala mo naman na siguro 'yung dalawa, 'no?" tanong naman ni Corrin guy.
Hindi ako sumusubok na magsalita kaya tumango na lamang ako sa kan'ya. Ang lalamig ng aura na ibinibigay nila sa akin. Pwera lamang doon sa Miguel guy.
"Itong dalawa sina ate Maurine at kuya Wayn.. you can call ate Maurine as ate Mau," pakilala pa ni Miguel.
Lasing na nga ata ang isang 'to.
BINABASA MO ANG
Gift
Mystery / ThrillerBLURB: A fictional story made by MissTakes focusing on someone's odd life... A life where you can see barcode death dates... Rheign, the major character, experienced near-death happenings in her life that would give her an option to meet someone wh...