1: Stalker

101 6 41
                                    

Gift
by Misstakes

RHEIGN'S POV

Halos mabaliw na ako sa nangyari kanina sa akin habang papunta ako ng raket ko. Nako naman po.

Baka mamaya nasundan na ako ng lalaking 'yun, 'no? Baka mamaya habang tulog ako e pasukin ako dito sa apartment, sana naman 'wag.

Magsisisigaw talaga ako dito kahit lumabas na baga ko.

Hindi tuloy ako gaanong nakapag-focus sa inaayusan ko kanina sa beauty pageant. Feeling ko tuloy muntikan nang matalo 'yun dahil sa make-up ko.. pero hindi naman.

Nanalo naman 'yun at malaki laki ang kinita ko mula doon.

Hinugot ko naman ang pinagkakitaan ko. Naka-2000 pesos din ako sa isang tao na 'yun.

Agad naman akong tumayo saka kinuha ang alkansya ko sa ilalim ng kama. Inihulog ko doon ang limang daan.

Five hundred lang, may gastusin pa ako na dapat bayaran, 'no! Ibinalik ko naman agad ang alkansya sa dati nitong lalagyan.

Isinara ko naman na ang kwarto ko pagkalabas ko. Maliit lamang ang kwarto ko, tama lang para sa isang tao.

Ang apartment naman, p'wede sa dalawa pero ang isa ay sa sala matutulog. Hindi gaanong kalakihan ang apartment na tinutuluyan ko pero ayos naman na.

Habang nag-aayos ako ng kakainin ko ay biglang nag-ring ang phone ko. Luma na 'yun at dapat nang palitan kaya lang wala kong pera.

Sinagot ko naman kaagad ang tawag.

"Hello po, tita."

"Anong hello?!" bulyaw kaagad nito sa akin kaya nailayo ko ang phone sa tainga ko.

Galit na naman s'ya, kailan ba s'ya hindi nagalit sa 'kin?

"Ano? Napakatagal naman ng perang ipapadala mo? Puro utang na kami dito oh!"

"Ipapadala ko na ho bukas," magalang na saad ko saka umupo sa hapag.

Kinuha ko naman ang kanin at ulam ko. Sardinas. Kailangan magtipid, ano ba?

"Baka pa-petiks petiks ka lang d'yan, hindi ka na kumikilos!" sermon pa nito.

Nagtatrabaho ako.. hindi ako pachill chill lang dito. Nagtatrabaho ako habang may pinoproblemang quiz sa pag-aaral ko.

Saan ang petiks doon?

"Hindi naman po. Wala lang gaanong nangangailangan ng part timer," sagot ko na lang.

Kahit naman minsan ay gusto kong ipagtanggol ang sarili ko.

"Paanong walang kukuha sa 'yo, e tat*nga t*nga ka," inis na saad nito.

Marahan ko na lang sinubo ang pagkain ko nang hindi n'ya na marinig. Pakiramdam ko'y kada galaw ko ay mali.

"Maghanap ka! Hindi 'yung aral ka nang aral d'yan, akala mo naman ay may silbi ka kapag nakatapos ka," dire-diretsong saad nito.

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang matigilan sa pagluha ang aking mata. Ayos lang 'yun, Rheign..

"Kung tamad ka, humingi ka ng pera sa tatay mong politiko! Tama lang 'yon!" may pagsigaw na saad nito.

"Sige ho.." saad ko na lamang nang hindi na humaba ang usapan.

Once na pinagtanggol ko ang sarili ko ay mas lalo pa itong hahaba. Ang ending naman ay ako ang mali kaya ba't ko pa papahabain?

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon