Gift
by MisstakesRHEIGN'S POV
"Ah!" ang sakit ng katawan ko.
Kakatapos lang ng morning schedule namin. Hindi ko alam kung bakit ang sakit ng katawan ko. Nag-drawing lang naman kami.
"Nabalian ata ako ng leeg do'n, ah," ani Felix habang iniikot ikot ang kan'yang ulo.
We're on our way to the cafeteria. Oras na ng kain. Napagod ata kaming lahat do'n sa klase e.
"OA naman ng nabalian," komento ni Khloe habang hinihilot ang kan'yang kamay.
"Huh, halos tatlong oras din akong nakayuko lang do'n, baka nga 'di pa sapat 'yung nabalian na word," paliwanag naman ni Felix.
"OA," komento ni Khloe saka umirap sa kan'ya.
"Sa prof kayo magreklamo," saad ni Mark saka sila tinanguan.
"Tama," I seconded.
Napatingin naman sa amin ni Mark 'yung dalawa kaya napataas ang kilay ko. Mga siraulo.
"Ano na naman 'yan?" tanong ni Mark.
"May something ba sa inyo?" tanong ni Felix kaya sabay kaming napalingon ni Mark sa kan'ya.
Halos mabulunan ako sa sarili kong laway sa sinabi ni Felix.
"Naka-drugs ka ba?" tanong ni Mark saka s'ya kinunutan ng noo.
"Nagtatanong lang, naka-drugs na," saad naman ni Felix saka sinamaan ng tingin si Mark.
"Walang kwenta kasi ng tanong mo e," tapik ko sa kan'ya saka kami lumiko sa isang hall.
Sa sobrang ingay ni Felix ay mapapatingin na lang ang mga nadadaanan naming mga estudyante.
"Siguro may something talaga sa inyo, 'no?" usisa pani Felix.
Napaismid naman ako sa kan'ya. "Paano mo naman nasabi, aber?"
"Kasi gan'to 'yan," saad ni Felix saka ipinorma pa ang kamay n'ya sa harap na akala mo ay kukumpas.
Sa kan'ya lang naman nakatuon ang atensyon naming tatlo. Kapag ito walang kakwenta kwenta, babatukan ko talaga 'to.
"No'ng nakita ko kayo no'ng umaga, kayo lang nag-uusap no'n, 'di ba?" tanong ni Felix sa amin.
"Nando'n ako, 'wag kang b*bo," tapik sa kan'ya ni Khloe.
"Oh e pero nauna pa rin sila. Tapos nitong kaninang umaga... magkausap kayo, palaging kayong dalawa," saad pa ni Felix.
Binatukan ko na. Walang kwenta e.
"Kung gusto mo ng kausap, 'wag mong idadaan sa gan'yan," iling ko sa kan'ya.
"Baka nga nagseselos na si Mr. Lurio kay Mark e," sambit pa ni Felix.
Nabatukan naman s'ya nang malakas ni Khloe. "Sa lahat naman ng ship mo sa kaibigan ko, si sir Lurio pa.. gan'yan na ba walang kaibigan, ha?"
"Sinasabi ko lang," angal ni Felix. "Saka kapag ako tama ng hinala, who you kayo sa 'kin."
"Asa ka namang tama ka," kibit balikat na saad ni Mark.
"Basta ako, sinabi ko. Iba talaga naaamoy ko d'yan kay sir e," taas babang kilay na saad ni Felix.
I sneered at him. How playful his mind is. Kung ano anong naiisip, iba na ang naiisip e.
![](https://img.wattpad.com/cover/277640887-288-k392830.jpg)
BINABASA MO ANG
Gift
Mystery / ThrillerBLURB: A fictional story made by MissTakes focusing on someone's odd life... A life where you can see barcode death dates... Rheign, the major character, experienced near-death happenings in her life that would give her an option to meet someone wh...