Gift
by MisstakesTW: Body Horror, Abuse
RHEIGN'S POV
Nakalipas ang ilang araw matapos no'ng pagsabihan ako ni Tristan about doon sa lalaki, named Warren. Tss.
Sa totoo lang ay hindi ko sila maintindihan. Nakakita ako ng bar code, okay fine, sige wala ngang number or date pero ayon na e! Nakita ko na e! May mamamatay... hindi ko lang alam kung kailan.
Hay...
Tulad naman ng sinabi ni Tristan no'ng nakaraan ay may ibinigay nga s'ya sa aking inumin. Binantayan pa ako ni Kate para makasigurong iinumin ko nga.
Nang inumin ko 'yon ay parang may malamig na likido ang nagpalamig sa buong katawan ko. Lumabas ang init sa balat ko, hindi ko alam 'yon pero mas napagaan no'n ang pakiramdam ko. Mas maayos kaysa no'ng dumating kami.
"Hoy, tapos na kayo sa plate?!" pasigaw na saad ni Khloe habang papalapit sa table namin ni Mark.
Nasa cafeteria kami. Kami lang ni Mark ngayon at wala si Felix. Absent. 'Di ko alam ang problema no'ng lalaki na 'yon, hindi naman macontact ni Mark. Baka mamaya ay may nangyari na do'n.
"Kami pa," mayabang na saad ni Mark saka kumindat kay Khloe.
Tinabihan naman ako ni Khloe. Hingal na hingal na umupo, pawisan pa ang mukha. Nga naman oh.
"Ang pangit no'ng akin, nako!" reklamo ni Khloe saka pinunas ang pawis gamit ang sarili n'yang panyo.
"Paanong pangit?" saad ko saka kumain ng pagkain ko.
"Hindi maayos 'yung pagkakakulay ko. Naghahadali na kasi ako kagabi, antok na antok na 'ko," nanlulumong saad ni Khloe saka sumandal sa upuan.
"Ayos lang 'yan, buhay na lang ni sir kulayan mo," biro ni Mark saka tumawa.
"T*ngina mo," malutong na saad ni Khloe saka binatukan si Mark.
"Nagbibiro lang," natatawang saad ni Mark. Ayaw ko sana tumawa kaya lang g*go 'tong isang 'to e.
"Trip pa naman ako pagalitan no'ng lalaking 'yun," sapo ni Khloe sa noo n'ya saka nagpangalumbaba sa lamesa.
"Ano naman? Hayaan mo 'yun, at least kami pumasok ka e si Felix hindi," tango pa ni Mark na akala mo naman ay nakatulong 'yung dahilan n'ya.
"Asa ka namang mare-realize ni prof 'yun," irap ni Khloe. "E kahit ata perfect attendance ka e walang paki ang isang 'yon."
"E gano'n talaga, tinulugan mo 'yang gawain mo e," sabat ko saka nagkibit balikat.
"Sabihin mo na lang nang simple... prof, natulog ho ako, pasensya na, gano'n," sabi pa ni Mark.
"Letse, wala na 'kong matinong sagot na nakuha sa 'yo," irap ni Khloe saka kumain naman na.
"Dito ka pumunta e," dahilan naman ni Mark saka tumawa bahagya.
Nagk'wentuhan pa sila, si Khloe naman bahalang bahala sa plate n'ya. Iyan kasi, tinutulugan ang gawain. Gan'yan talaga, 'buti sana kung 'di n'ya tinapos at saka na lang dinala dito e kaya lang hindi e. B*bo kasi tinapos pa kagabi e p'wede namang magpatulong ngayon.
"Teka lang, kukuha lang ako tubig," paalam ko sa kanila.
"Ako din," sabi naman ni Khloe kaya tumango ako.
Tumayo naman na ako saka umalis doon sa p'westo namin. Pumunta ako sa gilid ng counter kasi naroon ang tubig at mga baso. Kumuha ako ng dalawang baso roon.
BINABASA MO ANG
Gift
Mystery / ThrillerBLURB: A fictional story made by MissTakes focusing on someone's odd life... A life where you can see barcode death dates... Rheign, the major character, experienced near-death happenings in her life that would give her an option to meet someone wh...