25: Blood

49 5 0
                                    

Gift
by Misstakes

RHEIGN'S POV

"You're stunning up close," Tristan nodded like he was satisfied.

Napatitig lang ako sa kan'ya, hindi makapaniwala sa mga sinabi n'yang iyon. Compliment 'yun, 'di ba? C-in-ompliment ako ni Tristan? Hindi nga?

Napayuko na lang ako saka pinutol ang titig n'ya nang maramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Palagay ko'y namula ang mukha ko kaya hinilamos ko iyon habang nakayuko ako.

Huminga ako nang malalim saka lumunok. D'yos ko po. "ayos na 'yan.. b-balutan mo na, oh," abot ko sa kan'ya ng benda.

Hangga't maaari ay hindi ko s'ya titingnan. Baka makita n'ya ang pamumula ng pisngi ko. Nakakahiya!

"Okay," he casually said like he said nothing.

Gano'n na 'yun? Shuta. Okay. Oh my gosh! Hindi ko mapigil ang talon ng puso ko. Akala mo kakawala ito sa dibdib ko e! Kalokohan! Parang natuwa pa nga, ako ba niloloko mo, ha? P*ta ka.

"Done," inabot sa akin ni Tristan ang benda kaya wala sa oras na napatingin ako roon, napa-angat ang tingin ko.

I saw a small smile on Tristan's lips when he saw my tomato-like face. Nakakahiya, p*ta! Kinakain ako ng kahihiyan ko dahil sa pinaggagagawa n'ya.

"You're blushing," he chuckled.

Oh, he did it again! Tumawa na naman s'ya, nako po! Para akong tinutunaw tuwing naririnig ang mga tawang iyon sa utak ko. Para iyong apoy na nagpapatunaw ng puso ko. Nako po!

"H-Hindi ah," tanggi ko sa kan'ya saka tumayo para iligpit ang first aid kit.

Dali dali ko namang niligpit ang mga gamit na iyon saka nilagay sa kit. Itinapon ko naman sa basurahan ang bendang puno ng dugo n'ya.

Hangga't hindi ako nakakaalis sa lugar na 'to ay sinusubukan kong takpan ng buhok ang mukha ko. D'yos ko po! Ayan na ang puso ko, umaariba na naman ang p*ta.

Nang mailagay ko naman lahat ay agad akong nagtungo roon sa maliit na drawer sa corner ng k'warto ni Tristan saka inilagay roon ang kit na nagamit ko.

Mas lalonh tumalbog ang puso ko nang marinig ang yabag ng paa ni Tristan papalapit sa akin. Iligtas n'yo 'ko, Lord. Mawawala na ang puso ko mamaya! Hindi ko kaya!

Hindi ko alam na ganito ang epekto ng lalaking 'to! Malay ko ba sa kan'ya. Aish! B'wisit!

Nanayo ang balahibo ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso nang hawakan n'ya ang pulsuhan ko saka ako iniharap sa kan'ya. Napasandal ang katawan ko roon sa may drawer saka ako napalunok. Parang nanunuyot ang lalamunan ko at hindi ako makapagsalita.

"I said, you're stunning," bulong ni Tristan sa akin..

Parang may kung anong dumaloy sa katawan kong kuryente nang hapitin n'ya ang baywang ko. Nagsimula akong makaramdam ng kung ano sa dibdib ko na ani mo'y isa itong halimaw na nagwawala sa dibdib ko.

Mas napalapit ako sa kan'ya nang mas higpitan n'ya ang kapit n'ya sa baywang ko. Ramdam ko ang malalambot nitong kamay sa likod ng baywang ko.

Haha. T*ngina.

"Won't you say anything?" he whispered like a ten-year-old boy wishing for a candy.

Holy sh*t. Hindi kinakaya ng puso ko ang sobrang emosyon sa dibdib ko. Hindi ko kaya! Ano ba 'to?! Biglaan na lang naman s'yang naging ganito.

Sinusubukan kong umiwas ng tingin sa kan'ya ngunit ang mga mata ko ay trinatraydor ako. Kusang napapatingin ako sa mga mata nito...

Unang beses kong nakitang maamo ang mga mata nito...

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon