Gift
by MisstakesRHEIGN'S POV
Bumagsak ang paghinga ko kasabay ng pagtakip ko sa bibig ko nang makapagtago ako sa pader. Naririnig ko ang mga yabag ng mga lalaking nasa labas...
"Sinong nand'yan?" saad naman ng isa.
Kinakabahan ako lalo...
Papalapit na sila. Naririnig ko na ang yabag nila.
Malapit na...
Kaunti na lang kaya mas lalo akong napatigil sa paghinga ko. Pinigil ko muna nang hindi ako makagawa ng kahit na anong ingay.
Iyong puso ko...
Napapikit ako lalo nang makarinig ng yabag ng tao na iilang metro na lang ang layo sa akin. Mas malayo ang k'warto ko... hindi ako makakabalik.
Makakagawa pa ako ng ingay nang may humablot sa akin mula sa dilim. Iyong puso ko ay walang kapagod pagod na tumibok nang malakas. Sobrang kinabahan ako!
Nakaramdam pa 'ko ng panlalamig sa buong katawan nang wala akong masilayan na kahit anong liwanag. May kamay na tumakip sa bibig ko kaya rinig na rinig ko ang paghinga ko.
Sobrang pinagpapawisan ako kahit na nilalamig ako sa p'westo ko. Nilalamig na ako sa sobrang kaba.
Naramdaman ko ang mainit na katawan na nasa likod ko. Babalakin kong tingnan ito ngunit iniiwas n'ya ang ulo ko. Mariin n'yang tinakpan ang bibig ko saka itinalikod ang mukha ko.
Pamilyar sa akin ang katawan n'ya, ang kamay n'ya... pamilyar sa akin ang isang 'to. Alam kong kabisado ko na s'ya kaya kilala ko na ang katawan at presensya n'ya.
"Wala dito!" sigaw no'ng lalaki sa labas saka ko narinig ang pahina-hinang yabag. Ibig sabihin ay lumalayo na sila.
Ang kamay naman ng nasa likod ko ay unti unting bumitaw sa akin. Sinabi na nga ba't kilala ko talaga 'yon e!
Nilingon ko naman na ang likod ko at laking gulat na lang nang wala na akong makita na kahit sino, tanging kadiliman na lang ang nakita ko. Nilinga ko kaagad ang mata ko sa buong paligid ngunit wala na akong nakita pa. Mabilis s'ya masyado.
Napa-iling na lang ako saka dahan dahan na sinilip ang mga tauhan nina Warren. Nang mawala itong tuluyan ay saka lang ako lumabas sa kinatataguan ko at saka dire-diretsong pumasok sa apartment.
Buong gabi akong nag-isip kung sino ang taong 'yon. Hindi ako mapakali hanggang sa nakatulog na lang naman ako sa sobrang pag-iisip. Anong oras na rin naman kasi no'ng gabi na 'yon.
Pagkagising ko ng umaga ay agad naman akong bumalik sa araw araw kong gawain. Labas ng bahay, hanap ng makakainan, magtatago buong magdamag dahil wala dapat makakita sa 'kin... at maingat na paglabas. Kailangan ay wala akong maiwan na bakas ko sa kahit saan para wala nang lead ang iba kung saan ang lokasyon ko.
Dumaan ang buong maghapon nang napakabilis. Dumating agad ang gabi at pinaalalahanan naman na kaagad ako ni Win sa party na gaganapin ni pala. 'Buti naman ay natuto na silang maghanda tuwing may kaarawan.
"'Wag kang kabahan. I won't introduce you to Governor Rad," saad ni Win habang nagmamaneho, papunta sa party.
Napalingon lang ako sa kan'ya saka bumuga ng isang malalim na hininga. Nangangatog ang kamay ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung alam ba ni Win na tatay ko naman ang gobernador kaya wala na akong paki kung makita ako ni papa roon.
"He won't notice you, anyways," ani Win.
Bumungtong hininga na lang naman ako saka hinawakan ang tuhod ko. I'm wearing a magenta evening dress. It's a halter strap dress that goes around my neck with only one lace. Bulaklakin naman ang disenyo ng likod nito habang bagsak naman ang dress na 'to, or is it a gown already? I don't know. It's a tulle that they used to make the lower part of this gown.

BINABASA MO ANG
Gift
Mystery / ThrillerBLURB: A fictional story made by MissTakes focusing on someone's odd life... A life where you can see barcode death dates... Rheign, the major character, experienced near-death happenings in her life that would give her an option to meet someone wh...