26: Rest

46 4 0
                                    

Gift
by Misstakes

TW: Blood

RHEIGN'S POV

"Holy sh*t," ani Migs nang makarating sa p'westo namin.

Tuluyang nanghihina ang buong katawan ko. Wala na akong lakas para magsalita pa sa kanila. Nanlalambot ang kamay ko..

"Nasa'n ba si Timothy?!" sigaw ni Migs saka ako nilapitan.

Hinayaan ni Tristan na hawakan ako ni Migs. Inihilig n'ya ako sa binti n'ya saka ako ch-in-eck ni Migs. Minulat ni Migs ang mata ko saka tiningnan nang maigi..

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Mark habang tumatakbo kasama sina Aella at Timothy.

"Sa'n ba kayo nanggaling?" Hade asked frustratedly.

"Nasa garden lang kami," ani Aella saka ako nilapitan.

Humawi naman si Migs na kanina lamang ay chine-check ako. Ang lahat ng Dark ay nagsisimulang maki-alam kung ano nang nangyayari. Gusto nilang tumulong lahat ngunit isa lang ang makakagawa nito... si Aella.

"Her eyes are getting weaker. Her blood will turn thicker and will turn black. Sheila's getting stronger as Rheign released more blood," dire-diretsong saad ni Migs at hinahayaan na magsuot ng surgical gloves si Aella.

"Ate... don't shut your eyes. Y-Your heart will stop, t-they will get you," nangangatog na bulong ni Kate saka tinapik tapik ang mukha ko.

"Go over madam, Kate," mabilis na utos ni Selena kay Kate. Napataas naman ang tingin ni Kate kay Selena. "try to connect with Glitch and lessen their connection over Rheign."

"Got it," mabilis na umalis si Kate kasama si Sam na nakasunod sa kan'ya.

"Okay, okay," buga ni Aella ng malalim na paghinga, natataranta na hindi malaman ang dadamputin sa kit.

"F*ck it, Aella. What will you going to do?!" may pagkagalit na saad ni Tristan.

"Don't panic, okay?" saad ni Aella sa kalakasang boses n'ya.

Tumabi naman kay Aella si Timothy na mayroon ding suot na surgical gloves. "what the f*ck, I don't have any knowledge about this, Aella."

"Just f*cking follow me this time," mariin na saad ni Aella.

Mas lalong sumakit ang dibdib ko nang umubo na naman ako na kasabay ng paglabas ng maraming dugo sa bibig ko. Napahawak ako sa ilong ko nang magsimula na ring lumabas ito sa ilong ko. Napapapikit na lamang ako sa sobrang sakit na gumuguhit sa lalamunan ko paakyat ng ilong.

"Hold on," ani Aella saka kumuha ng isang scalpel.

"Holy f*cking sh*t, Aella!" Tristan hissed, darting Aella with his deadly and sharp daze.

"Okay everyone, back off," utos ni Aella sa lahat.

Hindi gumagalaw ang mga nasa paligid n'ya. Marahil ay lahat ay nag-aalala sa puntong wala na silang naririnig at walang sinusunod.

"I said, everyone back off!" bulyaw ni Aella sa lahat ng narito.

Wala sa oras na napa-atras sila kasama sina Hade. Napahilamos na lang sa kan'yang mukha si Hade sa hindi alam na gagawin.

"Including you, Tristan," tingin ni Aella kay Tristan.

Nag-iigting ang panga na napapikit si Tristan nang mariin saka muling iniangat ang tingin kay Aella.

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon