Gift
by MisstakesRHEIGN'S POV
It's been a week and I only think of a certain thing. I freakingly don't know what I need to do in this thing. Nababaliw na ako kakaisip! Naaapektuhan na ang kalusugan ko... pero wala e, kailangan ko pag-isipan mabuti 'to.
Ano bang dapat kong gawin? Baka naman may p'wede pang gawin bukod sa mga option na sinabi ni Zuke. Dalawa lang naman 'yon pero hirap na hirap ako! Nakasalalay dito ang buhay ng maraming tao at hindi lang basta tao, sila din ang parang pamilya ko na rito. Hindi ko naman p'wedeng isa-alang alang ang buhay nila sa buhay ko, 'di ba?
Nakakainis!
"Hija," tawag sa akin ni madam.
Napalingon naman agad ako saka ibinaba ang isang basong gatas na hawak ko. Nasa kusina ako, gutom na gutom kasi ako pagkagising ko kanina. E wala naman na si Tristan, nasa trabaho, kaya hindi ko p'wedeng istorbohin para kumuha ng gatas.
"Po?" tanong ko.
"P'wede bang pasuyo naman nito," saad ni madam saka ibinigay sa akin ang isang papel. "d'yan lang 'yan sa may walk-in store sa malapit sa atin, p'wede mo bang kunin muna?"
"Ah, sige, madam," tango ko saka tumayo naman.
"Ingat ka sa labas," tango rin naman sa akin ni madam saka bumalik sa likod ng kusina. Nandoon sila nina ate Maurine.
Inilagay ko naman muna iyong iniinom ko sa loob ng fridge saka ako naglakad paalis. Nakasalubong ko pa iyong iba kaya binati ko naman sila. Mukhang abala silang lahat... ewan ko. Mukhang may kailangan na silang gawin, todo ang meeting nila o kaya pagsasanay. Darating na ata iyong tamang oras para sa lahat.
Lumabas naman na ako ng mansyon. Nagpaalam naman ako sa g'wardya sa labas kaya pinalabas naman ako nito. Hindi naman gaanong kalayuan ang walk-in store na 'yon kaya nakarating naman agad ako roon.
Pagkarating ko roon ay medyo marami pa ang mga customer na naroon. Hindi naman puno ngunit hindi rin naman kaunti. Sakto lamang.
Pumasok naman na ako saka nagtungo sa counter. Pinapakuha lang naman ni madam at hindi naman pinapabili kaya diretso counter agad ako.
"Magandang umaga," bati ng babae na naroon.
"Magandang umaga ho," bati ko pabalik. "nandito po ako para sa pinapakuha ni madam Melli..."
"Ah, si madam," tango tango naman nito sa akin. "teka lang, ha? Kukuhanin ko sa loob, hindi pa kasi naka-ready e."
"Sige ho," tango ko naman rito
Pumasok naman ang babae sa isang pinto pa. Walang naiwan rito sa counter. Ako muna ang nanatili roon habang naghihintay. Baka mamaya may kung sino pa may gawing kung ano rito e.
Habang naghihintay naman ay hindi ko maiwasang mapag-isip isip ng iniisip ko kanina pa. Napa-buntong hininga na lang ako. Hindi ko alam na dapat ay ganoon ang gagawin ko... paano na lang kung hindi s'ya tumupad at patayin pa rin sila? Hindi. Hindi p'wede. Makikiusap ako... susubukan ko.
"Sorry, miss," anang isang ginang nang mabunggo ako ng cart nito. Napausad ako dahil roon.
Nang lingunin ko naman s'ya ay agad ako nitong binigyan ng kan'yang apologetic look. Napangiti na lang naman ako para sabihang ayos lang.
"Ayos lang ho."
Napatingin ito sa counter saka ako muling binalingan. "walang nakabantay? Nasaan?"
BINABASA MO ANG
Gift
Mystery / ThrillerBLURB: A fictional story made by MissTakes focusing on someone's odd life... A life where you can see barcode death dates... Rheign, the major character, experienced near-death happenings in her life that would give her an option to meet someone wh...