Gift
by MisstakesTW: Abuse (sexual and physical)
This part may affect/distress someone's experience for this certain traumatic event. Please do read at your own risk.
RHEIGN'S POV
Maaga nga din kaming nakarating sa university. Ang aga aga din namang masungit no'ng Tristan na 'yun... o baka gano'n lang talaga 'yun? Ewan! Nabuburyo 'yung utak ko.
Pagkadating ko naman sa loob ng room namin ay ang saya saya pa nila. Buong klase, napakasaya. Siguro dahil nga kasi nagkaroon na muli ng pasok. Pero ilang araw lang naman 'yun, hindi pa nga ata isang linggo e.
Mabuti nga din at wala namang pinagawa no'n si ma'am Rivera. Mabuti at tinapos lang 'yung plates na naiwan sa amin. Ako, alam ko kumpleto ako ro'n. Tinapos ko pa 'yon magdamag, ha? Wala akong nilaktawan at wala akong mali roon. Ganda nga ng gawa ko e.
"Woah, ang pretty natin today, ah?" salubong sa amin ni Khloe.
Napatawa naman ang katabi kong si Mark kaya sinamaan ko pa ng tingin. Hinatak naman kaagad ako ni Khloe papasok ng room at papunta sa upuan namin.
"Hoy, mangongopya lang 'yan si Khloe!" sigaw pa ni Felix dahil nandoon s'ya sa may kabilang banda ng room. Iba nga naman kapag mayor, 'no?
"Epal! May gawa ako, 'no?" irap naman ni Khloe sa kan'ya.
"E 'di wow!" sigaw pa ni Felix saka nakipagdaldalan doon sa mga kasama n'ya roon.
Inilagay naman ni Mark ang bag n'ya sa upuan n'ya saka nakisama sa amin. Umupo s'ya sa bakanteng upuan sa harap namin ni Khloe saka kami tiningnan.
"So, ano na?" bulong ni Khloe.
Napakunot naman ang noo naming dalawa ni Mark. "Anong ano na? Baliw ka ba?"
"Gaga, 'yung sa ano..." bulong pa ni Khloe.
"Ano?" tanong ni Mark.
"Hindi n'yo pa ba alam?" iling pa ni Khloe na ani mo'y nagtatanong sa amin.
"E p*ta, pa'no namin malalaman e ayaw mo sabihin?" saad ko saka s'ya tinaasan ng kilay.
Napahawak naman s'ya sa kan'yang noo saka sumandal sa upuan. Bumalik rin naman ito saka lumapit sa aming dalawa ni Mark.
"Iyong kay Mich," bulong pa ni Khloe..
Pareho naman kaming napatango ni Mark nang malaman ang tinutukoy n'ya. Sumandal naman ako saka s'ya tiningnan. Hindi ko naman p'wedeng sabihin na alam ko na, 'di ba? Kasi saan ko naman malalaman? Baka mamaya wala pa akong masagot sa tanong n'yan.
"Ano ba 'yun?" tanong ko naman.
"Ito medyo 'di ko alam reaksyon ko, ha? Kasi 'yung best friend daw ni Mich ang gumawa sa kan'ya no'n," mahinang saad naman ni Khloe saka tumango sa amin ni Mark.
"Ng ano?" tanong ni Mark.
"E 'di no'ng tsismis. Totoo ang tsismis na baka nagahasa nga si Mich," dire-diretsong bulong naman ni Khloe habang may panguso pa.
Sa parte na 'to hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko. Lalo na't alam kong tatay ni Kane si Prof at may nasabing kung ano si Kane sa akin. Ano nang paniniwalaan ko? E 'yung anak na mismo ang nagsabi. Naguguluhan ako kasi dahil nga roon. Sinabi pa naman ni Kane na may hinarass ang daddy n'ya tapos sumabay pa 'tong kaso ni Mich. Para bang nagtutugma sila sa isa't isa.

BINABASA MO ANG
Gift
Mystery / ThrillerBLURB: A fictional story made by MissTakes focusing on someone's odd life... A life where you can see barcode death dates... Rheign, the major character, experienced near-death happenings in her life that would give her an option to meet someone wh...