40: Confrontation

34 5 0
                                    

Gift
by Misstakes

RHEIGN'S POV

Bitbit bitbit ang maleta ko ay naunang magtungo si Tristan sa kotse n'ya. Ilang araw lang ang pinaraan ni Tristan at hinayaan ako sa apartment. Ngayon ay kailangan ko nang bumalik sa mansyon kasama sila.

Pinagpahinga lamang ako nito ng ilang araw para mabawi ang lakas at manumbalik ang sigla ko. Bumabalik balik ito sa apartment noong mga nakaraang araw para doon magpahinga. Madalas s'yang doon na rin natutulog upang magkaro'n ako ng bantay.

He's so f*cking sweet these past few days. He's always clingy and literally show me the opposite of the snob and serious Tristan that Dark knew. Para s'yang isang tigreng napaamo.

"Hunny, let's go," hapit nito sa baywang ko.

Nakapagpaalam na kami kay Win. Ayon, naghahanap na naman ng bagong tenant ang loko. Iyong mauuto n'ya sa dobleng presyo.

"Tara na," tapik ko sa balikat n'ya.

Naglakad naman na kami papunta sa kotse n'ya at saka sumakay roon. Kaagad naman nitong ini-start ang kotse at nagsimulang magmaneho.

My body heat up quickly when I felt Tristan's hand on my thigh. Akala ko ay iyong gear stick ang hahawakan nito. Agad akong napalingon rito at hindi maiwasan ang mapangiti sa kan'ya. He couldn't look at me because he's driving but he gave me just a second glare.

"How's your thigh, baby?" malokong saad nito. "does that still hurts?"

"I'm completely fine," tango ko rito saka hinawakan ang kamay n'ya na nasa hita ko.

"That's good," tango naman ni Tristan.

Napahinto naman ang sasakyan dahil sa nag-traffic. Malayo layo ang apartment ko sa mansyon, mga tatlong bayan ang dadaanan muna namin bago kami makapunta sa mansyon.

Hinawakan naman ni Tristan ang kamay ko saka iyon hinimas gamit ang kan'yang hinlalaki. His soft eyes looked at my face.

"Are you good? Nothing hurts anymore?" pangangamusta naman nito.

"Ilang araw lang naman tayong hindi masyadong nagkita bukod sa mga gabi na umuuwi ka... wala namang masakit sa 'kin, 'no?" sagot ko dito.

Wala nang masakit dahil sa iyong mga sugat ko... ako mismo sa sarili ko ang nakapagpagaling roon. Hindi ko namamalayan na mas mabilis ang paggaling no'n dahil sa kakayahang taglay ko.

"You know that I can't monitor you well. Sinira mo ang tracker mo," saad naman nito.

"Yea, yea," tango ko naman saka bumuntong hininga. "my fault."

Umandar naman na ang traffic kaya umusad na ang kotse. Hindi naman bumitaw ang kamay nito sa akin kahit na nakatuon ang atensyon sa daan.

"I'll just ask Sam to do another tracker," saad ni Tristan saka iniliko ang kotse at dire-diretsong nagmaneho.

"Sam?"

"Hmm?" dinampian ako nito ng panandaliang tingin saka bumalik naman ang atensyon sa daan. "you don't want Sam to do the tracker?"

"Hindi naman..." iling ko. "may nalaman lang ako no'ng panahong wala ako sa mansyon."

"What is it?" he curiously asked.

"Hindi ba't nahawakan mo na 'ko? Bakit 'di mo nabasa sa isip ko?" tanong ko rito.

"I still respect anyone's privacy, hunny," diretsong saad naman nito.

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon