Gift
by MisstakesRHEIGN'S POV
"Rheign, right?"
"Ah.. yea," tango ko sa lalaking ito.
Naramdaman ko ang bahagyang pagsiko sa akin ni Khloe. Malamang ay tinatanong kung sino ang lalaking ito.
"Sir! Hindi nga ho p'wedeng pumasok kapag wala namang gagawin," awat kay Warren, kung tama akong s'ya nga 'iyon, mg guard.
"Kilala n'ya ho ako," turo ni Warren sa akin kaya napatingin naman sa akin ang g'wardya.
"Kilala n'yo ho ba 'to? Kanina pa nagpupumilit pumasok e," kamot sa batok ng g'wardya saka tinuro si Warren gamit ang batuta n'ya.
"Eh..." napatingin naman ako kay Warren. Nakangiti lamang ito saka ako tinaasan ng kilay. "oho, kilala ko naman s'ya."
"Weh?" sabay pang bulong ni Felix saka Khloe.
"Kaibigan mo, Rheign?" tanong ni Mark sa kung anong tono kaya napatingin si Warren sa kan'ya.
This Warren guy smirked at Mark. Whoops. Talagang mayroon silang alam na hindi ko alam. Pakiramdam ko'y baka magkakilala 'to sina Warren at ang mga kasama ko sa bahay e.
"If she consider me as her friend," saad ni Warren. "but yea, she's close to me and I'm close to her."
Eh? Close, ni hindi nga naman kami nagkausap no'ng unang beses namin na magkita. We had a small chitchats pero wala nang sobra doon, sila na ni Corrin ang nag-usap no'n.
"Totoo?" tanong ni Mark saka ako binalingan ng tingin.
"Ah... hindi naman masyado pero kilala ko naman s'ya," nag-aalangang saad ko saka sinubukang ngumiti kay Mark.
"Bilin po kasi ni sir Tristan, 'wag nang magpapasok nang wala namang gagawin sa loob ng unibersidad. E ano ho bang gagawin n'yo dito?" tanong pa ng guard kay Warren.
Nagsigilid naman kami dahil nakaka-abala na kami sa ibang nadaan palabas ng campus. Nagtataka lang ako't nandito ang lalaking 'to, hindi naman s'ya mukhang kasing edad namin. Baka nga same age sila ni Tristan e.
"Dadalawin si Tristan," ngiting saad ni Warren.
Hindi s'ya nag-fe-fail na panindigin ang balahibo ko sa bawat ngiti n'ya. Kung si Tristan ay sa tingin lang, ito ay baka sa ngiti at tingin n'ya. Ibang level. Grabe.
"Alam n'ya ba 'yon?" tanong ni Mark.
"Infairness, ang g'wapo," rinig kong bulungan ni Khloe at Felix sa likod.
Malamang ay nag-tsi-tsimisan na ang mga 'to tungkol dito kay Warren. Lalo na 'to si Khloe? Walang pinalalagpas na g'wapo 'yan.
"Hindi," saad ni Warren saka umiling. "but it's me. I'm always welcome."
"Students or not, follow the rules made by them," sabi ni Mark saka humakbang nang isa para maka-abante sa harapan ko. "and you should follow it."
"You know, Mark, that I'm not following rules... or law," diin naman ni Warren saka humakbang din palapit. "rules are made for me to break it."
"Are you, guys, have a plan to have a mess here? 'Cause right now, you're slowly taking the spotlight," awat naman ni Khloe sa kanila.
Napalinga naman ako sa buong paligid. Yea, Khloe's right. Lahat ay nagtitinginan na sa amin. Hindi naman sa mukha silang nag-aaway pero nakukuha nila ang atensyon ng lahat e.
BINABASA MO ANG
Gift
Mystery / ThrillerBLURB: A fictional story made by MissTakes focusing on someone's odd life... A life where you can see barcode death dates... Rheign, the major character, experienced near-death happenings in her life that would give her an option to meet someone wh...