46: The Law

57 5 6
                                    

Gift
by Misstakes

TW: Death, Blood

RHEIGN'S POV

"Baby..." daing ni Tristan habang nakayakap sa akin.

"Tristan!" sigaw ng karamihan.

N-Nawala ako sa huwisyo...

Tinitigan ko ang kawalan... k-kasabay ng pagdama sa umaagos na dugo sa t'yan ni Tristan.

Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang init ng katawan nitong nakapulupot sa akin. The safetiness hugged me... while I'm in danger.

Nangangatog ang kamay ko bumitaw sa kustilyo. Napahawak ako sa katawan ni Tristan kasunod ang dire-diretsong daloy ng luha ko.

"T-Tristan," nauutal kong saad.

Sinubukan kong umalis sa pagkakayakap nito ngunit ang mainit n'yang palad ay itinulak pa ang katawan ko papalapit sa kan'ya. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito na mas lalong wumasak sa puso ko.

Sh*t...

"Bitawan mo 'ko, Tristan. Let me help you," natatarantang saad ko rito ngunit hindi ako nito sinagot.

Naramdaman ko ang pag-angat ng kamay n'ya saka hinawakan ang ulo ko. Hinimas n'ya ang buhok ko saka umiling sa akin.

Napahagulgol ako nang sobra nang mapa-ubo si Tristan at ang inilabas no'n ay dugo. Hindi na ako nag-alinlangan na hawiin s'ya para bumitaw sa akin.

Nabitawan n'ya ako at nanghihinang tumayo sa harapan ko.

Hindi ko kaya ang nakikita ko...

Si Tristan... may tarak ng kutsilyo sa t'yan...

Duguan ang bibig...

Punong puno ng bahid ng dugo.

Napatingin ako sa kamay ko at nakita ro'n ang bahid ng dugo n'ya. Agad agad kong pinunas iyon sa damit ko habang patuloy na umiiyak sa harapan n'ya.

Tiningnan ko si Tristan saka s'ya inalalayan na i-upo sa isang sulok. Doon ay hinayaan ko s'yang ma-upo at saka lumuhod sa harap n'ya.

Mas lalong dumarami ang mga naglalaban sa kalayuan ngunit ayaw ko. Ayaw kong magpa-distract sa mga 'yon...

Nagawa ko ngang alisin ang kontrol nina Lucia ngunit si Tristan naman...

"L-Let me help you, uh?" tango ko kay Tristan saka pinigil ang luha ko.

Ayaw kong magpakahina ngayon sa harap n'ya. Kailangan kong magpakatatag para mapagaling s'ya. Ayaw kong humantong ito sa ibang bagay. Hindi s'ya, hindi dapat s'ya.

Hahawakan ko na ang kutsilyo nang pigilan ng kamay ni Tristan ang kamay ko. Napa-iling ito sa akin saka ako nginitian. P*ta naman e. Mas lalo akong nanghihina sa kalagayan n'ya e.

"Save u-up... your energy, h-hunny," nanghihinang saad ni Tristan habang naka-alalay sa kan'yang t'yan.

"Kailangan n'yo nang matapos si Lucia!" galit na saad ni Thea dahil sa pagod.

"Not now, Thea," madiing saad ni Warren.

"Tristan, please... ako na," saad ko rito saka hinawakan ang mukha n'ya. "ako na, ha? Papagalingin kita, please... not you, Tristan. Kailangan ka ng grupo, kailangan kita."

"Baby, no," mahinang saad nito saka umiling sa akin.

Wala akong magawa! Kung ayaw n'ya ay kailangan kong gawin, wala akong paki kung ayaw n'ya...

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon