27: Preparations

47 6 0
                                    

Gift
by Misstakes

RHEIGN'S POV

"I'm tired... and I want to rest but you left," seryosong saad ni Tristan.

Napatitig lamang ako sa kan'ya nang lumayo s'ya nang upuan saka hinila ang laptop n'ya pabalik sa harap n'ya.

Hindi ako nakakibo do'n, ah? Pa'no, kung makapagsabi ba naman diretso sa mukha ko, para namang alam ko 'yung tinutukoy n'ya.

"Wala naman sa 'kin ang kama mo," iwas ko ng tingin saka sumimsim ng kapeng tinimpla ko.

Saka hello? Malay ko ba kung 'yung bagay nga na 'yun ang tinutukoy n'ya. 'Yun lang naman ang unang beses na sinabi n'yang pagod s'ya at gusto n'yang magpahinga kaya iaassume ko na iyon ang tinutukoy n'ya.

"And I want you beside me, is there any problem?" seryosong tanong n'ya saka sumandal sa upuan n'ya at tiningnan ako.

"Iyon mismo ang problema," matapang na saad ko saka s'ya tinaasan ng kilay.

"What?" naguguluhang tanong n'ya. As if naman na naguguluhan talaga s'ya.

"Iyong gusto mo mismo ang problema... o baka ikaw na," nguso ko pa dahil medyo naiinis na ako.

S'ya na nga ang problema ko. Oo, problema ko! E ano ba naman kasing problema n'ya sa 'kin? Ha?! E s'ya 'tong magulo ang buhay, hindi ko maintindihan! Ayaw kong maging kabit, 'no?!

"I'm sorry, what? Did I hear it right? Ako ang problema?" tanong n'ya saka nawala ang pagkakasandal para bahagyang lumapit sa akin.

"Wala akong sinabing ikaw—"

"But that's what you meant," he cut me off.

"No!" mariing saad ko.

"Don't raise your voice, hunny. It's early in the morning," awat n'ya sa akin saka ako tiningnan nang maayos.

Hindi ko naman napansin na lumalakas na ang boses ko. Inayos ko naman ang buhok ko saka tumingin sa ibang direksyon. Ininom ko naman ang kape saka ko ibinaba sa mesa.

Narinig at naramdaman ko naman ang paggalaw ni Tristan. Narinig ko ang paggalaw ng kan'yang upuan. Hindi ko naman pinansin kahit na anong galaw n'ya.

Ilang momento lang naman ang lumipas nang makita ko ang kamay ni Tristan sa dalawang hawakan ng upuan ko. Maya maya ay inikot n'ya ang upuan ko papaharap sa kan'ya. Wala akong magawa kun'di ang salubungin ang maamo nitong tingin.

Ayan na naman ang mata n'ya. Hindi ko alam kung kailan ito aamo o kailan ito makakasugat sa sobrang talim. Walang oras na pinipili ang tingin ng isang 'to e.

"What?" tanong ko nang hindi man lang ako nito kausapin at tanging pagtitig lang ang ginawa.

"What's our problem?" he asked, genuinely.

Hindi ko ito sinagot at sinalubong lang ang maamong presensya nito sa harap ko. Pinagkrus pa nito ang braso n'ya sa ibabaw ng dibdib saka ako tinaasan ng kilay, hinihintay na sumagot.

Well, wala naman akong problema, 'di ba? Wala, oo wala. Siguro. Totoo, wala naman. Naguguluhan lang ako. 'Yun na 'yun.

"Wala akong problema, 'no?" saad ko saka sinulubong ang tingin n'ya.

"So I'm the problem—"

"Ilang beses ko bang sasabihin na wala naman akong sinabi na gano'n?" medyo may pagkairita na saad ko. Kanina pa 'to e.

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon