29: Liquid

42 5 0
                                    

Gift
by Misstakes

TW: Blood, Body Horror

RHEIGN'S POV

"HAH—"

Agad na napalingon ang ulo ko sa isang direksyon. Sa direksyon na 'yon, tama akong naroon ang mga nangyayari.

Awtomatikong napatayo ang lahat sa kanilang mga kinauupuan nang makita si... madam Melli.

Madam Melli... kasama ang hindi pamilyar na lalaki sa akin.

Kulay asul ang mga mata nito na kahit gabi na'y makikita pa rin. Nakakapanindig ang tingin nito lalo na't maitim na presensya ang ipinapakita n'ya.

"What the..." Sam whispered.

Kinabahan agad ako sa nakita ko. Nagpapanic na ang ibang bisita dahil sa mga nakikita nila ngayon.

Si Madam Melli... nasa tuktok ng bubong ng mansyon.

Kasama n'ya ang lalaking may asul na mata na kasalukuyang may nakatapat na patalim sa leeg ni Madam Melli.

Kahit na anong oras sa araw na ito y hindi ko inasahan na mangyayari ang mga nangyayari. Halata sa mukha ni madam ang pagkatakot ngunit nilalabanan n'ya ito.

Lahat kami'y nakatingala upang makita sina madam na nasa taas. Kakaunting hakbang o tulak lang noong lalaki na iyon ay mahuhulog na si madam.

Walang kahit na sino sa baba...

Kung mahulog man si madam... w-walang sasalo at maaaring...

"Where's Thea?" bulong ni Tristan sa nasa likod n'yang si Migs.

Ito namang si Migs ay s'yang ch-in-eck ang location ni Thea habang nakataga sa likuran ni Tristan upang hindi makita no'ng lalaki.

"What a good present for you, my highness," sabi no'ng lalaki sa akin saka yumuko sa akin na ani mo'y isa akong reyna.

Imbes na matuwa, hindi man lang ako nakaramdam ng kahit na ano p'wera sa kaba at takot. Hindi ko kilala ang lalaking 'to pero dama ko ang takot na kayang iparating n'ya sa akin.

"Pick one, my highness," utos nito sa akin saka itinaas ang patalim na kanina'y nasa leeg ni madam. "a blood for a celebration... or a participation for peace. The choice is yours."

"No one will choose, Zuke," sagot naman ni Tristan habang nakatingala upang makita sila. That guy named Zuke. "no one's blood will touch your knife."

"Oh no, Tristan," iling naman ni Zuke saka itinapat na naman ang patalim sa tainga ni madam. Bahagya n'ya itong sinugatan kaya napaangal si madam. "I just did... and I can do that to anyone."

"You're inside Dark's place..." banta naman ni Corrin sa kanila.

"Thea's at the back..." bulong naman ni Migs kay Tristan. "maybe she knew what's happening."

"I know that," tawa naman no'ng Zuke. "and I can make this celebration bloody..."

"What the f*ck you need?" tanong naman ni Sam.

"Simple... as always. The queen of all..." Zuke's gaze shifted to me.

Agad na nagsitayuan ang balahibo ko. Hindi mawari ang kabang nadarama na baka mamaya ay bigla na lang may humatak sa akin at patayin ako. Nangangatog ang mga kamay ko dahil sa lamig ng tingin no'ng Zuke na iyon.

"Rheign... Selvero," marahang saad nito. "my soon-to-be-wife."

G*go? Ako? Magiging asawa nito? Mamamatay na lang ako kaysa s'ya ang makasama ko sa buong buhay ko. Hindi ako sasama sa kahit na kaninong walang ginawang mabuti. Sa tingin ko'y wala din naman s'yang nagawang mabuti.

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon