35: Past

33 5 0
                                    

Gift
by Misstakes

RHEIGN'S POV

Ang kasiyahang hinihiling ko noon pa. Ang kasiyahang iyon na hindi ko madama sa buong pamilya ko... bakit naman ganoon na lang natapos?

Ni hindi ko alam ang dahilan ng pagkawala ng mama ko. Hindi ko man lang nasabi na mahal ko s'ya bago n'ya ako iwan... Tapos ngayon... ang lalaking nagbibigay sa akin ng kasiyahan ay s'yang taong nagkait sa akin ng kasiyahan sa piling ng pamilya ko. Paano ko makakaya ang lahat ng 'to?

Wala akong ibang nagawa kun'di ang umiyak nang umiyak dahil hindi ko kinakaya ang lahat ng nalalaman ko.

K-Kaya ba umiwas s'ya sa akin kanina? Kaya ba iniwan nanlang n'ya ako doon na parang wala lang? Bakit naman ako? Gusto ko lang naman nang maayos ang lahat, ah? Hindi ko naman hiniling ang ikasasama ng iba para matanggap ang lahat ng 'to.

"What a twist, hunny," tawa naman ni Warren saka hinawakan ang pisngi ko.

Marahas kong itinulak ang kamay n'ya papalayo sa akin. Ang mata ko'y napupuno ng galit at sakit. Wala akong ibang maramdaman kun'di ang galit sa puso ko.

"Easy," tawa naman ni Warren. "the Dark's lady of life... aw, she's gone."

Napatawa ang Glitch dahil sa sinabi ni Warren. Napayukom ang kamay ko at saka s'ya sinamaan ng tingin. Nakita n'ya ang mga tingin ko na iyon kaya lumapit ito sa akin.

"Why? What are you going to do?" pang-aasar pa ni Warren na halos magdikit na ang mga mukha namin. "what—"

Hindi n'ya naituloy ang sinabi n'ya dahil hindi ko na kinaya ang galit ko. Tinuhod ko nang malakas ang dibdib n'ya saka siniko ang likod nang makayuko ito dahil sa sakit ng pagtuhod ko.

Napa-ubo s'ya nang malakas dahil sa ginawa ko saka ako nilayuan. Hindi sapat ang bagay na 'yon para mailabas ang galit ko. Hindi ko kayang panghawakan ang emosyon na umaapaw sa akin. Gusto kong magwala!

Bumaling ang mata ko sa lalaking nakatayo lamang sa harap ng Dark. Wala itong kakikitaan ng emosyon sa mga mata nito. Ang matalim n'yang tingin ay umaamo nang salubingin nito ang mata kong tumatalim dahil sa galit na naiipon sa akin.

Pero kahit na anong amo no'n... hindi ko magawang tanggapin ang katotohanan. Hindi ko makayang maniwala sa kanila ngayon.

Mama ko 'yun e... masama bang mawalan ng tiwala sa taong akala ko ay karamay ko sa lahat? Masama bang kamuhian ang minamahal ko kung simula pa lang ay s'ya na ang bumawi ng kasiyahang kahit bata ay hinihiling?

Hindi na ako bata e. Walang nakakita sa pinagkaiba ko no'ng bata hanggang ngayon kasi wala akong kahit na sino para tingnan ako na lumaki. Walang nand'yan e. At s'ya pala ang dahilan no'n...

"B-Bakit, Tristan?" tanong ko gamit ang nanlalamig kong tono.

Ang mata nitong nagsusumamo na pagkatiwalaan s'ya ay hindi ko magawang intindihin! Paano ko pagkakatiwalaan ang taong pumatay sa mama ko?!

Umaasa ako... umaasa ako na sana itanggi n'ya. Umaasa ako sa kan'ya. Pero hinayaan n'ya ang pag-asang pinanghahawakan ko. Iyon na lang ang mayroon ako pero hinayaan n'ya pang maglaho.

"Rheign, 'wag kang maniwala—"

"Paano?!" sigaw ko kay Sam. Nangatog na ang kamay ko saka sila tiningnan. "paano ako maniniwala na hindi s'ya? Hindi nga umaapila si Tristan e..."

Napatingin silang lahat kay Tristan habang walang emosyong nakatingin sa sahig. Bakit? Bakit hindi n'ya ipagtanggol ang sarili n'ya?

G*go ako e. G*go ako kaya alam kong isang salita lang n'ya ay maniniwala agad ako. Pero wala e. Wala akong marinig kahit na anong eksplanasyon sa nangyayari...

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon