24: New morning

51 5 0
                                        

Gift
by Misstakes

RHEIGN'S POV

Tuwing naaalala ko ang mga bagay na 'yon, hindi ko maatim na hindi pandirian ang sarili ko. Para bang nakikita ko pa rin ang mga kamay n'yang nakahawak sa iba't ibang bahagi ng katawan ko.

Nandidiri ako! Sa sarili ko at sa taong iyon! Hindi ko maisip at hindi ko matanggap sa sarili ko ang mga nangyari. Pakiramdam ko'y totoo ang bagay na iyon, ni hindi ko magawang makapakinig kay Tristan sa sinasabi n'yang lahat naman iyon ay isang bangungot lang.

Bangungot nga. Bangungot sa buhay kong gustong gusto kong mawala. Alam kong... hindi ko pagsisisihan ang bagay na naisip ko. Hindi ako aatras.

"Rheign, pag-isipan mong mabuti, hija," hawak ni madam Melli sa kamay ko.

Wala akong ibang magawa kun'di ang umiyak. Hindi ko makaya ang mga nangyari, hindi ko kaya!

"Desidido na ho ako," iyak ko kay madam. "ituloy na ho natin 'to."

Nasa loob kami ng k'warto ni madam kung saan naroon ang lahat ng kan'yang mga potions at kung ano ano pa. Ito ang lugar ni madam.

"Hija..."

"Ituloy na ho natin, madam. Pakiusap. Hindi ko kayang mabuhay nang may ganoon sa isip ko, nang may bumabagabag sa buhay ko na nagiging dahilan ng pandidiri ko sa sarili kong katawan," iyak ko pa saka tiningnan ang katawan ko at ipinakita kay madam. "pakiramdam ko'y basura na ako..."

"Hija, malalagpasan din natin ito, ha?" himas ni madam sa aking buhok.

Tumingin ako sa mga mata n'ya. "kaya nga ho ituloy na natin... pakiusap ho."

"Kung wala na bang makakapagpabago ng isip mo," umatras si madam saka ako hinayaan sa isang mahabang upuan na ito.

Isinenyas n'ya ang kamay n'ya saka ako hinayaang mahiga. Napaiyak lang ako lalo nang maisip na naman ang mga bagay na iyon. Hindi ko magawang maiwaksi sa utak ko ang mga iyon. Patuloy na nagpapakita sa utak ko.

"Maaari kang masaktan rito," bilin ni madam saka hinawakan ang aking kamay.

Napatango naman na ako sa kan'ya. Umupo s'ya sa may gilid saka ako hinawakan sa kamay. Hinayaan n'ya akong subukan na pakalmahin ang aking sarili bago ako papikitin.

Ipinikit ko ang aking mata ngunit ayan na naman ang mga larawan. H-Hindi ko kayang makakita ng dilim.

"Huwag kang matakot, aalisin na natin ang mga 'yan," tango sa akin ni madam.

Sinubukan ko naman e. Kaya lang ang katawan ko mismo ang nagpapahirap sa sarili ko. Hindi ko makayang makakita ng itim o dilim.

Sinunod ko na lamang ang sinabi ni madam. Wala na akong ibang pagpipilian kun'di ang sundin s'ya. S'ya ang nakakaalam nito at dapat lamang akong sumunod kung gusto ko ng kaginhawaan.

"Sisimulan ko na, hija," bulong ni madam Melli saka akin bago ako nakaramdam ng kaunting antok sa katawan ko.

Unti unting bumigat ang aking katawan kasabay ng aking mga talukap. Nararamdaman ko ang takot sa loob ko ngunit kaakibat rin naman nito ay ang ideyang makakalimutan ko na ang mga nangyayari.

Hindi ko alam kung tama ba ito pero para sa akin, tama. Natatakot lang naman akong mabuhay nang may ganoong pangyayari sa nakaraan ko. Hindi ko kakayanin na mabuhay sa pagsisisi na hindi ko nagawang alisin sa sarili ko ang bagay na iyon.

"HAH—" hinabol ko ang hininga ko nang unti unting mapugutan ako ng hininga.

Kahit na anong habol ko sa hiningang nawawala sa akin ay hindi ko pa rin magawang imulat ang mata ko. Para bang nakapako iyon sa pagkakapikit.

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon