19: Visitors

59 4 0
                                    

Gift
by Misstakes

RHEIGN'S POV

"May sundo ka," saad ni madam.

Nang lumingon ako sa pinto ay s'yang nakaharang si Tristan para makita ko ang taong nandoon. Gumilid pa ako nang makita at halos manlaki ang mata nang makita ang Gobernador, si papa.

"Gov," bati pa ni Sam saka ngumisi.

Hindi ko naman alam na magkakakilala silang lahat dito. Napatingin naman ako sa kasama ni papa. Ang dalawang bodyguard n'ya lang naman, as usual.

"Good morning," saad ni papa.

"Good morning," bati ni Tristan saka nakipag-kamay.

Alisto naman sa kanilang paligid ang dalawang g'wardya ni papa. Hindi ko pa sila nakitang gan'yan sa isang lugar.

"Come in," saad ni Thea.

Sumunod naman si papa sa kanila. Nang tumalikod si Tristan ay s'yang sabay ng oras nang makita n'ya ako. He didn't say anything and just shifted his gaze.

Napatingin din sa akin si papa at s'ya namang nginitian ako. Ako lang naman ang nginitian nito bago umupo sa sofa katapat ni Tristan. Magkatapatan sila roon na ani mo'y may pormal na pag-uusapan.

Lalapitan ko sana si papa nang harangin ako kaagad ni Sam. Inilingan ako nito kaya napakunot ang noo ko. Pinabalik lang n'ya ako sa tabi ni madam Melli.

"Napaaga ang dalaw n'yo dito," puna ni kuya Wayn na nasa likod nina Tristan.

Hindi ko alam ang nangyayari ngayon, ha? Parang handang handa naman sila at saka, bakit wala si Migs at Corrin?

"You're Dark. I know even if I didn't say anything about my sudden visit, you'll know it earlier than my guards," seryosong saad ni papa.

"You really know how we work here," ngisi naman ni Thea.

"Of course, and for sure you already knew what I came for," saad naman ni papa.

Tumabi naman sa amin si Kate. Tinanguan lamang ako nito.

"Anong mayroon?" bulong ko sa kan'ya.

"They're just being ready," kibit balikat ni Kate sa akin saka tiningnan sina Tristan.

Inayos naman ni papa ang upo n'ya saka tiningnan nang seryoso si Tristan na damang dama naman ang p'westo n'ya.

"Oh, you're wrong at that point," iling ni Tristan.

Isang ngisi naman ang ipinakita ni papa. "Nandito ako para sa kan'ya, kay Rheign."

"Oh, for our new member," tango naman ni Thea. "I know that what happened entered your radar that fast and for your information, mister Governor, we're taking it carefully and seriously."

"Carefully?" sulpot naman ng isang lalaki sa pinto. Si Warren.

Ang gulo pa ng buhok nito saka hinawi nang mapunta sa kan'ya ang atensyon naming lahat. He's too confident about himself.

"Your sniper got messed, I bet," Warren chuckled.

Napa-buntong hininga ang iba sa kanila. So they have a sniper here? The governor just came, why do they need a sniper.

"Wala 'yan sa palaging usapan," iling naman ni papa.

"You have guns, then we have guns. A fair match, I must say," saad naman ni Thea saka pinitik ang ilang daliri.

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon