41: Library

31 5 0
                                    

Gift
by Misstakes

RHEIGN'S POV

"Aray, aray," reklamo ko habang pinapagaling ang sariling sugat.

I don't have any choice but to heal my bruise. Kaunting pahinga na lang naman ay mababawi ko ang lakas na nawala ko dahil sa sugat na 'to.

Nag-salo salo naman ang lahat ngunit sa hindi inaasahang kasiyahan no'ng dumating ako. Dahil sa nangyari kay Migs ay tahimik ang buong grupo p'wera lamang do'n sa naunang naka-alam.

Pinilit naman naming pagaanin ang atmospera sa lahat at pasalamat na lang at nakisabay naman sila. Gusto rin naman nilang iwaksi ang nangyari at maki-ayon sa planong mayroon si Tristan. Kahit naman gano'n ay napapaisip isip pa rin sila kung bakit nagawa 'yonni Migs. Kahit naman ako ay hindi ko maisip ang dahilan, pero kung aalalahanin na gusto lamang n'yang isalalay ang buhay n'ya sa desisyon n'ya ay may oras na nababawasan ang inis o galit ko. Hay...

Napalingon naman ako sa pinto ng k'warto nang may pumasok. Iniluwal no'n si Tristan habang nagtatanggal ng pagkabutones ng polo nito.

Awtomatikong napahinto ito sakaako tiningnan nang nakakunot ang noo. "why are you still awake?"

Pumasok ito saka isinara ang pinto. Naglakad patungo sa kinahihigaan ko. Umiling naman ako sa kan'ya saka nagpatulong na tumayo. Inalalayan naman ako nito.

"Late na, ah? Ngayon lang natapos meeting mo?" tanong ko saka inayos ang buhok nitong gulong gulo na.

"Hmm. I had an urgent meeting with my another client, that's why," tango naman nito saka bumuntong hininga.

Tumango naman ako rito habang nakikinig sa sinasabi n'ya. Ako naman na ang nagtanggal ng butones ng polo nito saka pinunas ang pawis na nanunuuot sa noo n'ya.

"I should finish it within the week," an'ya.

Napangiwi naman ako nang maamoy ang pawis nitong halos kasing amoy nang pabango. Hindi ko nagustuhan ang bagay na 'yon.

"You should take a bath," saad ko saka umiling iling na umalis roon at inilagay sa loob ng banyo ang polo ni Tristan.

Nagtataka naman iyong si Tristan nang balikan ko roon. Nakataas ang kilay nito at saka bahagyang umawang ang bibig para tanungin ako.

"Sabi ko maligo ka na, sige na," tapik ko sa balikat nito. "hindi maganda ang amoy ng pabango mo kapag napawisan ka."

"Huh?" ani 'to. "I thought you like my scent. And additionally, it doesn't make any bad smell if I'm sweating... habang nakapabango."

"Yea, alam ko naman 'yon," tango ko rito. "but I don't like it now. Go, take a bath."

"Are you sick?" inilapat nito ang likod ng kamay n'ya sa noo ko.

Hinawi ko naman 'yon saka ngumiwi sa kan'ya. "dalian mo na."

"Okay, hunny," he kissed my forehead before going to his closet.

Kumuha muna ito ng damit n'ya. Nagtataka pa nga ang hitsura nito dahil sa inasal ko. Totoo namang gusto ko ang amoy n'ya, nakakaadik kaya 'yon pero ngayon... ihh. Ayaw ko.

Pumasok naman ito ng banyo saka roon naligo. Naririnig ko ang shower nito kaya umupo muna ako sa kama. Isinandal ko ang likod ko roon saka inilagay ang kamay ko sa t'yan ko at tumingin sa pinto.

Gusto kong humiga lang pero ayaw ko din. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nababaliw na ata ako.

Mabilis namang natapos si Tristan sa pagligo. Lumabas naman itong naka-pajama na lang ngunit wala namang pantaas.

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon