8: A man

63 6 3
                                    

Gift
by Misstakes

RHEIGN'S POV

Unang tapak ko pa lamang sa gym dito sa likod ng mansyon ay alam kong mali ako sa desisyon ko. Unang beses na nagkamali ako.

Napatayo si Sam nang makita ako kasabay ng kan'yang pagkaway sa akin. Halatang ganado pero ako hindi. No. No. Never.

"Shall we start?" Tristan asked, catching my attention.

Napalingon ako sa kan'ya. Nakasandal lamang s'ya sa pader habang naka-cross arms pa.

Napatango na lamang ako sa kan'ya kaya tumayo naman na s'ya mula sa pagkakasandal. Kahit naman ganoon ay wala pa s'yang ginawa kun'di ibigay sa akin ang mala-kutsilyong tingin n'ya sa talim.

"This was a good timing to explain all of the things for you," Tristan spoke. "I bet no one explained the whole job to you, so I will."

Naglakad naman s'ya habang nagsasalita, parang professor kumbaga.

"First, your job is to tell us who are the next victim you saw," Tristan said firmly and stopped in the midway to give me his deadly stare. "Not to operate alone and think that you can stop their death on your own."

Masakit magsalita ang isang 'to.

"That's your job, it ended there," he titled his head for him to see my expressions. Like duh, wala namang importante sa ekspresyon ko, 'no?

"Okay, I understood."

"The second one, I'm here to protect you so call me right away," he started walking again. "Don't you dare disobey my rules once again and you'll meet your punishments."

"But," Tristan raised his forefinger and pointed at me. "It doesn't mean that I'll be on your side everytime. You can call Corrin or Sam whenever I'm not around but don't, don't you ever go with a mess alone. You still have your family, wala akong sapat na rason para ipaalam sa kanila kung may mangyari man sa 'yo, at paniguradong matatagalan bago sila maniwala."

"You can just ignore them," mahinang saad ko.

Tiningnan naman ako nang masama ni Tristan kaya napatikom ang bibig ko. Narinig ko pa ang pagtawa ng bahagya ni Sam sa gilid kaya sa kan'ya ko ibinaling ang masama kong tingin.

"The third one, tell me everything that's odd about your day," saad muli ni Tristan saka inilagay ang dalawang kamay sa likod.

"I can't tell Sam or Corrin about my day?" tanong ko.

"No," he shook his head.

Napansin ko din ang pag-iling sa akin ni Sam sa gilid.

"Why?" I rose my brows.

"Because you can't," simpleng sagot ni Tristan sa akin.

"I mean, why? Why can't I tell them? What's the reason, if you don't mind?" I asked once again.

"Basta ako ang kakausapin mo," seryosong saad n'ya.

Kalokohan. 'No ba 'yun? Ba't ko naman 'to kukwentuhan ng kakaiba sa araw ko? Tss. 'Di ko naman close 'to, kung si Mark, p'wede pa pero 'to? Huh.

"Punch me," utos ni Tristan saka inihanda ang sarili n'ya.

"Eh?" napakunot ang noo ko.

"Suntok. Hindi mo ba alam ang suntok?" tanong ni Tristan.

"Basta suntok sa kan'ya," sabi ni Sam saka umakto na sumusuntok sa hangin.

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon