44: Right Time

31 5 0
                                    

Gift
by Misstakes

RHEIGN'S POV

It's too painful for me to leave this man and this group but I don't have any choice. Hirap na hirap akong iwan ang k'warto namin pati na ang mansyon. Para bang ito na ang pinakamahabang oras sa buhay ko.

Pinunas ko ang luha ko saka tumayo nang maayos rito sa labas. Malayo ako sa mansyon, ngunit tanaw ko naman ito. Nakatayo ako rito at walang katao-tao.

Pinilit kong hindi umiyak sa kinatatayuan ko dahil sa ayaw kong bumalik. Alam kong ilang minuto na lang at hating gabi na kaya isang maling galaw ko lang ay tapos kaagad ang buhay ng mga narito. Pinilit kong manatili rito.

Napa-angat ang tingin ko nang may marinig akong isang palakpak. Labis na takot ang nadama ko nang makita ang buong grupo ng Glicth, naglalakad papalapit sa akin.

Hindi ko pa rin maiwasan ang mangamba kapag nasa paligid sila. Lalo na ngayon. Alam kong kaya na nilang gawin ang lahat nang plano nila sa akin.

"Welcome, Rheign!" malakas na saad ni Zuke.

Nakangisi namang lumapit si Sheila sa akin. Napalunok na lang ako dahil dito. Para akong takot na takot na tupa sa isang lobo. Iba ang presensya nila.

"Smells so fresh," komento ni Sheila habang nakapikit at inaamoy ang hangin sa paligid ko.

"I can smell your delicious blood, hija," maarteng saad no'ng Lucia.

Pagkakita ko pa lang sa kan'ya ay hindi ko maiwasang mapayukom. Namumuo ang galit sa dibdib ko dahil sa mga nakita kong ala-ala ni mama. Itong walang k'wenta at taksil na kaibigan ng mama ko.

"Calm yourself," tawa naman no'ng Monica. "papasalamatan ka pa namin kung papatayin mo si Lucia."

Naalala ko ang sinabi ni Tristan. They need to kill Lucia first so they could do their plan. Pero kahit na gano'n ay hindi ko maiwasan ang mangigil sa hitsura ng babaeng iyon. Napakawalang 'ya!

"Let's go," hatak sa akin ni Sheila ngunit umangal ako.

She's a mind reader, kahit na anong pagkakataon ay ayaw kong madikitan s'ya. Wala akong tinatago pero ayaw kong malaman n'ya ang ala alang nasa akin.

"Easy," tawa ni Sheila sa akin. Pumunta naman ito kay Zuke saka s'ya tinapik. "go talk to her. She's such a brat."

Napairap naman ako sa hangin ngunit hindi ko mawala ang tingin kay Lucia na nilalabanan din ang tingin ko. She's still smirking at me?! Huh.

"Why are you so mad at me, hija?" tanong nito sa akin.

Napatawa naman ako bahagya sa sobrang inis ko rito. Sinamaan ko s'ya ng tingin saka tinaasan ng kilay.

"Alam mo sa sarili mo ang dahilan. 'Wag ka nang magmaang-maangan," mariing saad ko saka humakbang papalapit.

"Alin? That we played with your mind and memory?" tawa naman ni Lucia bahagya saka pumalakpak pa.

Lumapit ito sa akin. Hindi ko alam at wala ako sa sarili. Hindi man lang ako umiwas o humakbang paatras man lang. Naramdaman ko ang mainit na palad nitong tumama sa pisngi ko. Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdaman ang pag-init nito bunga ng pagsampal n'ya sa akin.

"Talk to me respectfully," mariing saad ni Lucia.

Tiningnan ko naman nang mariin 'to. "hindi mo nga maibigay 'yon tapos hihilingin mo? Gan'yan ka na ba kauhaw sa mga bagay na hindi naman talaga sa 'yo?"

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon