Gift
by Misstakes(A/N: We'll take a rest. This will be a simple update, yea. Take this as a break. I couldn't laugh but... I was too thrilled hehe.)
RHEIGN'S POV
Nasa meeting si Tristan. Last day when ate Maurine told Tristan to have a word, they really did it. Inabot pa sila ng halos dalawa or tatlong oras dahil sa bagay na pinag-usapan nila.
And now, it's been three days when they talked. They are always giving their like 'I told you' look. Sanay ako sa gano'n kaya alam kong iyon ang ibig sabihin ni ate Maurine kay Tristan.
"Sweetie, do you want any sweets?" tanong sa akin ni ate Maurine.
Aalis sila ngayon ni kuya Wayn, may date ata. Nandito ako ngayon sa terrace, may sofa silang inilagay rito kaya naging paborito ko na rin ang lugar na 'to. Kasama ko si Aella ngayon, nag-uusap kami.
Umiling naman ako. "hindi ko ho gusto matamis ngayon e..."
Pansin ko ding ayaw ko ng matamis. Noon, tuwing umuuwi ang isa sa Dark, palaging may dalang matamis kaya gusto ko pero ngayon ayaw ko. Hindi ko ata gusto ang lasa no'n.
"I like it, ate Mau. You won't ask me?" saad ni Aella.
"Okay, okay," tawa naman ni ate Maurine saka ako muling binalingan. "wala na kayong gusto? Ikaw, Rheign?"
Naningkit naman ang mata ko. Hindi ko alam kung anong gusto ko ngayon e. Wala ata.
"Wala na po."
"Prutas?" tanong pa ni ate Maurine.
Medyo nagliwanag ang mukha ko. Tama, ang galing ni ate Maurine. Napatango naman ako sa kan'ya kaagad saka ito nginitian.
"Okay, sweeties! Bye! See you later," paalam sa amin ni ate Maurine saka ito bumaba sa hagdan.
Napa-buntong hininga naman kami ni Aella saka ako sumandal sa sofa. Napahimas naman ako sa t'yan ko dahil minsan ay nakakalma ako sa ganoon. Ang sarap lang sa pakiramdam no'n.
"Oh, I forgot. Tristan told me that you need to take a break at school. Nauna naman na daw ang moving up mo sa iba," biglang saad ni Aella.
"Eh?" takang saad ko. "nakakahabol naman ako sa university, ah? Wala namang problema saka ang unfair naman no'n! Iyong iba nagpapagod pa habang ako moved up na."
"Well, 'wag ako ang awayin mo. Saka he's the owner, right?" saad naman ni Aella saka humiga sa duyan na naroon.
"Kahit kailan talaga 'yan," inis na saad ko.
Madali akong mainis kay Tristan dahil sa ginagawa n'ya. Minsan kasi ang unfair n'ya e. Tapos minsan wala lang, basta naiinis ako e. Hindi ko ba alam do'n.
"Ang unfair unfair," bulong ko saka umirap sa hangin.
Nakarinig naman kami ng maingay na mga yabag na papa-akyat ng hagdan. For sure, iyong dalawa do'n ay si Hade at Sam.
Nang maka-akyat ang mga 'yon ay nauna pang magsi-upo sina Sam at Hade sa mga bakanteng upuan. Tama ako, sila nga. Malamang ay tapos na silang lahat sa meeting or school or whatsoever na ganap sa buhay nila.
Medyo nainis naman ako nang masilayan ang mukha ni Tristan na naglalakad papalapit habang kasabay si Timothy. His soft eyes looked directly at my eyes but I'm still irritated.
Umupo s'ya sa tabi ko saka humalik sa aking noo. Isinandal nito ang kan'yang likod sa sofa saka ipinahinga ang ulo.
Awtomatiko namang gumalaw ang kamay ko saka hinampas ang t'yan n'ya. Napaiktad naman agad 'to saka ako tiningnan nang may pagtataka sa mukha.
![](https://img.wattpad.com/cover/277640887-288-k392830.jpg)
BINABASA MO ANG
Gift
Mystery / ThrillerBLURB: A fictional story made by MissTakes focusing on someone's odd life... A life where you can see barcode death dates... Rheign, the major character, experienced near-death happenings in her life that would give her an option to meet someone wh...