33: New home

32 5 0
                                    

Gift
by Misstakes

RHEIGN'S POV

Ilang oras pa lang ang tulog namin dalawa sa k'warto ko nang mag-ring ang phone ko. Iminulat ko ang mabigat kong mata saka sinagot ang tawag sa phone ko.

It's ate Maurine. She woke us up. Hindi n'ya kasi kami makatok at kabilin bilinan daw ni Tristan ang 'wag na 'wag mang-iistorbo sa k'warto ko lalo na't nandoon raw s'ya no'ng gabi.

Um-okay naman na ako kay ate Maurine dahil sa kailangan na naming maghanda. Pagkatingin ko sa relos ay ala una pa lang ng madaling araw. Apat na oras lang ang tulog namin?

Hindi naman ako masyadong makagalaw dahil nakayakap sa likod ko si Tristan habang ang mukha'y nasa leeg ko. Nakikiliti ako tuwing nalabas ang hangin sa ilong n'ya.

"Tristan," tapik ko sa braso n'ya.

Wala akong responde na nakuha hanggang sa inulit ulit ko na at nagising naman na s'ya, inaantok pa rin nga lang.

"Mag-ayos na. Aalis na tayo," bulong ko sa kan'ya saka dinampian ng mainit na halik sa pisngi.

Dahil sa ginawa ko ay napangiti naman si Tristan na ani mo'y kinikilig. Imbes na makaalis ako ay niyakap pa ako nito pabagsak sa dibdib n'ya.

"Ano ba... gigising ka ba d'yan o iiwan ka?" bulong ko saka tinatapik ang braso n'ya.

Dahan dahan naman akong binitawan nito kaya nakatayo naman ako. Halatang antok na antok pa dahil ayaw pa maimulat ang mata.

Nauna naman na akong tumayo saka dumiretso sa banyo. Doon at nag-ayos muna ako ng sarili ko saka ako lumabas pagkatapos.

Nang lumabas ako ay natutulog na naman ang isang 'yon. Napakakulit. Mabuti at gising na kaunti ang diwa ko dahil sa tubig na dumampi sa pagmumukha ko. Naglakad naman ako diretso sa kama ko saka umupo roon sa tabi.

"Gising na, 'uy," tapik ko sa pisngi n'ya.

Iminulat naman n'ya ang inaantok n'yang mata saka ako tiningnan. Ngumiti naman ako sa kan'ya kaya ngumiti rin ito sa akin. Pinatayo ko naman na s'ya sa kama saka pinag-ayos ng sarili sa banyo.

P'wede naman sigurong 'wag muna maligo mamaya, 'no? Ang lamig ng tubig at bab'yahe lang naman kami mamaya. Magpapalit na lang ako ng maayos na damit.

Nakapag-ayos naman na kaming dalawa at nagpalit na lang ako ng maayos na damit. Nagsuot ako ng malaking white long sleeved polo na narito sa ibabaw ng maleta ko kasama ang isang 'di kahabaan na short at saka hinintay si Tristan na makalabas sa banyo.

Nang lumabas si Tristan sa banyo ay napahinto na lang ito. Napaiwas naman ako ng tingin nang makitang wala itong pang-ibabaw na damit at tanging pantalon na itim lamang ang suot.

Naramdaman kong nag-init ang mukha ko dahil doon kaya hinilamos ko pa ang mukha ko gamit ang sarili kong kamay at nagkunwaring inaantok.

"That's my polo, hunny," natatawang saad ni Tristan.

"Eh?" lingon ko sa kan'ya habang namimilog ang mata.

Napabalik naman sa suot kong damit ang paningin ko. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Tristan saka tuluyang sinarado ang pinto ng banyo.

Napatayo naman ako sa pagkaka-upo saka tangkang huhubarin ang polo nang pigilan ako ni Tristan.

"Woh, easy, hunny," awat n'ya. "don't get undress infront of me."

Napabalik naman ako kaagad ng damit na parang nakayakap sa dibdib ko nang maalala ang ginawa ko. Sh*t. Hindi ko maisip ang mga ginagawa ko. Antok ba 'to?

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon