13: Case

50 4 0
                                    

Gift
by Misstakes

RHEIGN'S POV

"Are you hiding something from me?" seryosong saad ko saka tinignan sa mata si Tristan.

Ang kan'yang kunot na noo ay napawi. Dahan dahan nitong ibinaba ang kan'yang mga kamay sa gilid n'ya at tumayo nang maayos. He kept his gaze at me, keeping his posture.

"What?" tanong kong muli. "Mayroon ba? Sasagutin mo lang, ah? Mayroon ba?"

"Rheign—"

"Nagtatanong ako, Tristan," putol ko sa sasabihin n'ya. Napa-atras ako sa kan'ya saka nabangga sa kama n'ya. Mas maayos na malayo layo ako kaunti.

"You know what—"

"Oo o hindi, mayroon ba?" mabilis na saad ko saka s'ya kinunutan ng noo.

Hindi n'ya ako masagot sagot. Nakatayo lamang s'ya sa harap ko at ginagawa ang lahat ng makakaya para makaiwas sa tanong ko. Sapat naman na siguro sa akin ang mga bagay na 'yon para maisip na mayroon nga.

Pero hindi e. Gusto kong marinig sa kanila, gusto kong marinig na sabihin n'ya. Gusto kong makapante sa mga salitang bibitawan nila.

"Alam mo, siguro hindi na lang ako nagtanong," dismayadong saad ko saka s'ya inilingan.

Binigyan ko lang s'ya ng masamang tingin saka ako nagsimulang maglakad paalis ng p'westo ko. Sinadya ko pang banggain ang balikat n'ya nang malagpasan ko ito. Ngunit papalabas pa lamang ako ng pinto nang magsalita ito.

"Wala," sabi ni Tristan.

Hindi ko na ginawa man lang itong lingunin. Nanatili akong nakatalikod sa kan'ya habang nakahinto sa harap ng pinto.

"I'm not hiding something and we're not. So let me ask you too, what are the things that eagers you to ask me that question?" seryosong saad naman ni Tristan.

Hindi ko nagawang lumingon pabalik sa kan'ya. Nakatingin lamang ako sa dilim ng labas ng k'warto n'ya.

"The things I'm seeing, that's keeping me to ask those questions," diretsong saad ko.

Ni hindi ko man lang nahintay ang sagot n'ya at tuluyan na akong lumabas. Ramdam ko ang lamig sa labas ng k'warto n'ya kumpara sa init ng loob ng k'warto nito. The darkness I used to be afraid of is the one I'm walking through, comfortably.

Dire-diretso akong pumasok sa loob ng k'warto namin ni Kate. Nadatnan ko pa s'ya doong naka-upo sa kama na ani mo'y may hinihintay. Napatayo pa ito nang makita ako pero nalagpasan ko lamang s'ya saka ako diretsong humiga na lang sa kama.

Napatalukbong ako ng sarili kong kumot saka niyakap ang unan na nasa harap ko. Siguro ay naturing ko na silang isang pamilya ko kaya nasasaktan akong alam ko na may bagay silang itinatago sa akin.

Mayroon din naman akong tinatago... pero hindi sa ganoong paraan. Ako lamang ang nakakaalam ng sikreto na kini-keep about kay Kane. But that one will help that kid. Kaya lang sa kanila... nararamdaman kong nale-left out ako.

"Ate..." rinig kong saad ni Kate. Ipinikit ko na lang naman ang mata ko dahil sa sakit na nararamdaman sa lalamunan, marahil ay pinipigil ko ang nararamdaman ko. "sorry..."

Hindi ko alam kung ba't nag-so-sorry ang batang 'to. Sinusubukan ko naman intindihin, sinusubukan kong umintindi. Palaging ganoon.

"Biglaan lang talaga 'yun kaya hindi ka na isinama ni kuya. Mukhang pagod ka naman na raw noong sinilip ka n'ya dito sa k'warto.." so that's Tristan? The one I felt looking at me while I'm sleeping. "hindi naman n'ya maiisip na baka magalit ka. He knows that you trust him that much kaya hindi ka magagalit."

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon