Gift
by MisstakesTW: Blood
RHEIGN'S POV
"Your name is Rheign, right?" tanong bigla ng lalaking 'to.
Wala sa oras na napalingon ako sa kan'ya. Panatag naman na nagmamaneho ang lalaking 'to habang diretsong nakatingin sa daan.
"Sino ka?" kabadong tanong ko rito.
Lihim na napahawak ang kamay ko sa pinto ng kotseng 'to. Hindi ko kilala nang lubos ang lalaking 'to at bigla na lang n'yang sasabihin ang pangalan ko. Hindi ba't nakakapagtaka naman ang bagay na 'yon. Isa pa't hindi ko naman iyon nabanggit kahit na roon sa matanda at sa lalaki sa karinderya.
"I'm Win Averdo," he basically said.
"Paano mo ako nakilala?" kinakabahan na ako sa isang 'to.
"Because of Senator Suarez," simpleng saad nito.
Iyong senador sa party. Napatingin na lang naman ako nang diretso sa daan nang maalala ang selebrasyon na iyon. Hangga't maaari ay ayaw kong makarinig ng kahit na ano tungkol sa oras na 'yon.
Para akong binabangungot sa mga naaalala ko. Hindi ko napipigilan ang luha kong bumagsak kaya mas mabuting huwag ko iyong isipin.
Nagagalit ako sa kanila at sa sarili ko. Para bang may mali at nagi-guilty ako sa mga nangyayari. Hindi ko naman iyon kasalanan. Nasanay lang siguro akong sumasalo ng problema.
"I'm went to the party too..." nagsimulang magk'wento ang lalaking 'to. "I met the senator and he was just speaking about you... he liked you immediately and thanks to Mr. Deriago that he introduced you as his wife or else you'll never gonna leave that place."
"I'm not thankful about it," bulong ko sa sarili ko.
Alam ko namang nagsisinungaling ako... pero hindi ko magawang pakalmahin ang sarili ko kapag naririnig ang pangalan ng taong 'yon. Hindi ko lubos maisip ang nagawa n'ya sa mama ko.
"So you're Rheign?" saad naman nito.
"Alam mo na, 'di ba?"
"I want to hear it. For a confirmation, of course. Anyone needs confirmation," he shrugged his shoulders.
Lihim na bumagsak ang luha ko sa mata at saka pinunas iyon. Tama s'ya. Lahat naman ay gusto ng kumpirmasyon... at sa mga nangyari sa akin para namang hindi ko kinailangan ang bagay na 'yon dahil lahat pa lang ng mga kinilos at sinabi nila ay kinukumpirma na ang pagiging sinungaling nila sa akin.
Gusto kong marinig... iyong salitang 'hindi ko pinatay ang mama mo' pero wala e. Kahit na paumanhin ay wala akong narinig... nasasaktan ako e. Pero walang dumamay. Walang nand'yan no'ng nalaman kong pinatay ni Tristan ang mama ko. Sino ang naroon? Sina Warren na walang ginawa kun'di bastusin ang ala alang naiwan sa 'min ni mama? Hindi na lang!
"Do you have money?" tanong ni Win sa akin.
Napatango na lang ako dito habang nakatingin sa daan. Ayaw kong ipakita ang emosyon ko sa iba. Gusto kong sarilinin hanggang sa makaya ko nang sabihin.
"Good. I'll discuss later how much you need to pay for the apartment," saad pa nito. "and please... don't make your group bug me in my whole life just because you're under my business."
"I cut my connection," maikling saad ko rito.
"How brilliant that was," tawa naman ni Win sa akin. "Dark could find even your cousin in your late late late grandmother so don't be too relaxed just because you cut and removed that tracker you'll be free on their hands."
BINABASA MO ANG
Gift
Mystery / ThrillerBLURB: A fictional story made by MissTakes focusing on someone's odd life... A life where you can see barcode death dates... Rheign, the major character, experienced near-death happenings in her life that would give her an option to meet someone wh...