45: Worst Nightmare

38 4 0
                                    

Gift
by Misstakes

TW: Blood, Body Horror, Death

RHEIGN'S POV

"Holy... sh*t," bulong ko sa sarili ko.

Sa isang iglap at napunta sa akin ang sentro ng mundo. Habol habol hininga kong tiningnan ang lahat ng nasa harapan ko. Kasabay ng takot ay ang kaba at pagod na nanunuot sa katawan ko.

Sa oras na 'to... ang nasa harap ko ay ang dalawang grupo.

Dark...

at ang Glitch.

My eyes roamed. Kan'ya kan'ya sila ng hawak na patalim...

M-May mga bahid ng dugo ang kanilang mga kamay...

Napakaraming sugatan... mahigit sa isang baranggay ang narito.

Talagang buong grupo ang mga narito. K-Kasama ang ibang subordinate ng Dark at ng Glitch.

Napalunok ako at unti unting napahakbang paatras nang makita ang mga mata nilang malalalim at matatalim ang tingin sa akin. Para bang sinusundo na ako ni kamatayan.

Panandaliang katahimikan ang nabigay...

Nang may isang kalansing ng patalim ang nangibabaw...

Napalingon ako doon kasabay ng pagbagsak ng aking luha. Sh*t naman. Kusa kusang bumabagsak ang luha ko.

Tunay ngang takot ako sa kamatayan...

Sinalubong ng takot kong mata ang nag-aalalang mata ng mahal ko. Si Tristan, kusa n'yang nabitawan ang patalim n'ya nang masilayan ang takot kong mukha.

"Ah!" napasigaw ako nang walang kung ano anong nagsuguran na naman ang dalawang grupo.

M-Madugo...

Hindi ko kaya!

Nakakatakot!

Napatakip ako sa tainga ko ngunit may isang katawan ang bumalot sa akin. Itinalikod ako nito at alam kong si Tristan iyon.

Sunod kong namalayan ay ang kalaban n'yang si Sheila. Pareho silang mabilis gumalaw ngunit 'di hamak na mas lamang sa kakayahan si Tristan. Puno ng dugo ang polo nito ngunit wala s'yang sugat, senyales na hindi sa kan'ya ang dugong iyon.

Napatalsik ni Tristan ang patalim ni Sheila. Aatake na 'tong muli nang pumagitna na si Thea.

"It's a good match, huh..." ngisi naman ni Thea saka ibinato ang kan'yang patalim.

Napangiti naman si Sheila rito saka ipinosisyon ang sarili n'ya. Hindi ko nasilayan ang mga susunod na nangyari nang hatakin na ako ni Tristan paalis roon.

Napatingin ako sa likod nito. Hinatak ko pabalik sa akin ang kamay ko, dahilan para lingunin ako nito at tumigil kami sa pagtakbo. Nagtataka ako nitong tiningnan.

"Ba't kayo dumating?" pagpapatatag ng loob ko.

"Huh?" naguguluhang tanong ni Tristan sa akin.

"Ba't kayo dumating?! Kaya nila kayong patayin ngayon, Tristan!" inis na saad ko rito.

Hindi ko gugustuhing madamay sila. Hindi ko gugustuhing ipahamak sila kaya nga sumama ako dito, 'di ba? Hindi ako papayag na pati sila madamay dito. Ako ang kailangan e.

Humugot ng malalim na hininga si Tristan saka napahilamos sa mukha ng kamay n'ya. May natirang dugo sa mukha nito ngunit kakaunti lamang...

"Of course I would save you, hunny," he held my shoulders. "I won't let you fight alone here. I would find you no matter how far you are from me."

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon